Chapter 39

1.3K 27 4
                                    

Chapter 38

“AD, eto gamot oh.”

Pinaupo ko siya nun tapos uminom naman siya ng gamot. Syempre, napatingin siya sakin nun tapos napaiwas naman ako ng tingin. Grabe.

“Sorry ah…naiwan ka tuloy.”

Umiling lang ako nun. Syempre, ayoko namang iparamdam masyado na ayoko sa sitwasyon ko ngayon. Konting tiis lang Nikki, kaya mo yan.

“Pagaling ka nalang..”

Inabot ko sa kanya yung bimpo nun tapos tatayo na sana ako kaso bigla niya akong hinawakan sa kamay. Syempre, nailang ako. Hindi nga siya nagsasalita nun eh. nung medyo ginalaw ko yung kamay ko eh parang natauhan siya kaya tinanggal niya yung pagkakahawak niya.

“Sorry..”

Pagkalabas ko ng kwarto eh sobrang lakas ng heartbeat ko. napalean ako nun sa wall. Hindi ko na yata kaya to. Ang hirap. :(

Pumasok na ulit ako nun para i-check siya. Nakatulog na pala siya. Habang natutulog siya eh ako itong mukhang timang na nakatingin lang sa kanya.

“Paano kaya kung…naging tayo ano?”

Takte, ano ba tong iniisip ko?? Si Kyle ang gusto ko diba??

Siya nga ba talaga? Eh diba nung una si AD naman?

Dati lang yun!

Talaga?

Oo…yata :[

“Kakainis naman to eh…kung kelan…kung kelan nakamove on nako…saka ka babalik : Bakit ka ba ganyan?”

Naglean ako nun sa kama tapos the next thing I know, nakatulog narin ako.

“Sorry..hay..ano ba yan. Sorry nalang ako ng sorry…wala na ba akong magagawang tama? Sorry talaga..”

A dream. Panaginip lang to diba?

Nagising ako nun tapos pagdilat ko eh wala si AD sa kama. Hinanap ko naman siya sa labas tapos nakita ko siyang nakaupo sa may veranda.

“Gising ka na pala.”

Tumango ako nun tapos umupo ako sa katapat niyang silya.

“Kanina ka pa gising?”

Umiling naman siya nun tapos sabi niya na kakagising lang din daw niya.

“Nikki, naalala mo yung tinanong ko sayo about sa letter writing?”

“Oo, bakit?”

“Sa totoo lang, nakay Mr. Fuentes pa yun eh. inaantay niya kasing kunin ko sa kanya yun. Sabi ko kasi, kukunin ko yung letter kapag handa na akong ibigay dun sa friend ko. Kaso, ayun eh, hindi pa ako handa. Pwede bang ikaw muna ang kumuha nun para sakin?”

Yeah, I think I could get it. Letter lang naman yun diba?

“Sure.”

Ngumiti siya nun tapos nagpasalamat sakin. Sobrang tinatry ko nalang talaga na iignore tong nararamdaman ko. Syempre, mahirap pero, kelangan eh.

Nung dumating naman sina mama eh nagulat ako kasi may dala silang kung anu anong mga damit.

“Ahh, natuwa kasi sina mama at tita kaya naisipan nilang magkaroon ng “costume” party mamaya. Hahaha. Ang dami nga nilang nabiling damit eh. Magsusukatan daw tayo before magdinner. Well, technically, ngayon na pala.”

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon