Chapter 7

1.5K 28 1
                                    

Chapter 7

Maaga akong pumasok nung sumunod na araw. Ewan ko ba, kapag nasa bahay ako eh nadedepress ako sa fact na hanggang ngayon eh wala paring imik si Kuya Nike. gusto kong awayin yung gumawa nito kay kuya kaso hindi ko kaya. Hindi ko kasi alam kung saan siya nakatira.

Habang naglalakad ako eh nag-isip na ako ng bagong way para mapalapit kay AD. Minsan nawawalan ako ng pag-asa pero siyempre, it doesn’t mean na I should give up.

Pagkadating ko ng school eh may mga tao kagad na naglapitan sa akin. Mostly, girls. Sino pa bang lalapit sakin kundi yung FANS ni AD?

“Yan, yan yung malanding lumapit kay AD nung isang araw! Amp! Feelingera eh!”

Nagtaka naman ako nun. Inacknowledge ako ni AD tapos naging feelingera ako? Di kaya mga sarili nila yung tinutukoy nila? Hindi na sana ako magpapaapekto dun sa ginagawa nila kaso may isang bruha sa kanila na hinarap yung paa niya sa harapan ko kaya nadapa tuloy ako. Syempre, nasira yung poise ko, at syempre, nakakahiya.

Tinignan ko siya ng masama nun tapos sunod ko nalang nalaman eh may sabunutan fest na sa may harapan ng high school building. Ang unfair nga eh. isipin mo, 5 against one. Ewan ko pa nga kung makakalabas pa ako ng may buhok after nito.

Kinamalas malasan ko eh may nakakita pang teacher samin kaya ayun, detention ang bagsak naming lahat. syempre, para hindi na magkagulo pa or what, hiniwalay nila yung detention ko sa detention nila.

Nung lunch time eh nilabas ko lahat ng pagkainis ko kay Julia. Feeling ko nga eh narindi siya sa kakareklamo ko. syempre, after nun eh saka lang ako lumapit kay AD. Ayoko kasi na lalapitan ko siya tapos may dala dala akong problema. Baka mamaya lalo akong madown or anything.

“Bakit ganyan itsura mo?”

“May detention kasi ako mamaya…”

Napa-aahhh siya nun. Teka, di man lang niya itatanong kung bakit? Eh kaya nga ako nagkaroon ng detention eh dahil sa kanya.

“Yung mga fans mo kasi eh. nang-aaway.”

Tumango tango lang siya nun na parang wala lang sa kanya. hindi na ako nagpumilit na magkwento kasi hindi rin niya ako nun pinapakinggan.

Nakabuntot lang ako sa kanya nun at syempre, dumami na naman yung masasamang tingin ng mga babae sa akin. Nung malapit na magbell eh nauna na akong umalis. Ni walang bye o ingat man lang galing sa kanya. Oh well, isa yun sa mga babaguhin ko.

Kahit na free time kami eh medyo ang boring ng araw ko. puro kasi mga preparation tapos ang dami masyadong trabahong kelangan tapusin. Nakakasawa na nga eh, kung hindi lang dahil kay AD matagal na akong tinamad pumasok.

Nung detention naman eh wala. Nagpulot lang ako ng tuyot na dahon sa grounds ng high school building tapos nun eh pinauwi na ako. Medyo sumakit pa nga likod ko nun kasi yuko ako ng yuko.

Dumaan muna ako ng clinic nun para humingi ng salon pas para sa likod ko. feeling ko kasi nangawit ng sobra kaya ayun. Pati nga balakang ko nun masakit eh. para bang gusto kong magstretch lang ng magstretch.

Pauwi na ako nun. Mag-isa. Medyo madilim nga nun kaya binilisan ko lalo pa nung nakakita ako ng mga nag-iinuman sa may kanto. Hindi ko na nga natignan yung dinadaanan ko nun kaya may nakabangga pa ako.

“Sorry!”

“Kung tinitignan mo kaya yung dinadaanan mo diba?”

Ewan ko, siguro sa sobrang takot at relief ko na may tao akong nakasalubong at sa main fact na si AD pa yun eh sa sobrang tuwa eh napayakap ako ng mahigpit sa kanya. napamove backward pa nga siya nun kasi talagang tumalon ako.

“A-Anong ginagawa mo??”

“Grabe talaga! nakakatakot makatingin yung mga nag-iinuman kanina! Feeling ko kakainin ako’t gagawing pulutan eh! scary!!”

Hindi ako bumitiw sa kanya at siguro nafrustrate narin siya at nag-give up nalang kaya hindi na niya ako tinulak pa.

Nung medyo nakakalma na ako eh saka lang ako humiwalay sa kanya. nakataas nga lang yung kilay niya nun tapos nag-cross arms.

“Yung mga mama kasi sa kanto eh, nakakatakot.”

Umiling iling lang siya nun pagkatapos eh naglakad na ulit.

“AD!”

Tumigil siya nun pero hindi niya ako nilingon.

Bakit ganoon yung feeling ko? bakit parang hindi ako makalapit at hindi ako makahinga?

“Ahmm…”

Pero teka nga, bakit ko nga ba siya tinawag?? Anu ba yan!

“Uhh, good night.”

Lumakad nalang siya paalis nun tapos ako eh dumiretso na ng bahay. Grabe, ewan ko ba, parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung mga oras na yun. Para namang hindi ako sanay na kausapin siya. Ang weird nga eh.

Kakaiba talaga yung biglang naramdaman ko nung mga oras na yun.

Nakarating ako sa bahay ng medyo late. Sinermonan ako ni mama nung malaman niyang dahil sa detention yung pag-uwi ko ng late. Syempre, wala akong magagawa kasi kasalanan ko rin naman yun kaya ako nagkadetention.

Maaga akong natulog nun. Wala naman kasi akong dapat asikasuhin. Saturday na bukas. Buti nalang at humingi extra time yung section namin para makapagprepare for the Foundation week, kung hindi matagal na akong nabulok sa bahay. Sayang, wala si AD.

Kinabukasan eh ang aga aga kong nagising. Nag-ayos kaagad ako nun kahit na may 2 hours pa ako bago kelangan sa school. nagliwaliw lang ako nun sa labas ng bahay. May mga aso pa nga akong nakasalubong at syempre, dahil kilala ko yung mga may-ari eh nakipaglaro muna ako.

“Bakit ba hindi ka magpabili ng aso para hindi hindi lang si Sammy yung nilalaro mo?” ngumiti lang ako sa kanya nun.

“Allergic kasi si mama sa aso kaya hindi pwede.” Nagpaalam narin ako nun pagkatapos eh naglakad na papuntang school.

Purisigido yung section namin sa pag-aayos ng mga decorations. Syempre, gusto rin namin yung free day kaya ayun. Nung bandang 10 naman eh nagbreak muna kami. Syempre dahil close yung mga stall sa school eh lumabas muna kami para kumain.

“Ui Nikki! Diba si AD yun?? May kasamang babae oh!”

Napatingin ako kaagad dun sa tinuro nila. Nanlaki yung mata ko. Si Gremlin!!

“Malandi talagayang gremlin na yan!” tumayo ako sa pinagkakaupuan ko nun. Pinipigilan nga ako ng iba pero wala, dumiretso parin ako sa pwesto nina AD.

“HI AD!”

Napatingin siya sa akin nun. Halata nga na nagulat siya kasi nandun ako. Yung gremlin naman…ayun, mukhang gremlin talaga.

“Mag-aayos din yung section niyo ng booth—”

“AH o---”

“---AD?”

Akala mo ha!

Halatang napahiya si Gladys nun kaya tumahimik siya. Si AD naman eh…ayun, kumakain lang na para bang walang nangyayari.

“Band practice.”

“Ah, nasa school din kayo ngayon??”

Tumango lang siya nun pero hindi siya nakatingin sakin. Sa pagkain lang siya nakaconcentrate.

“What time kayo matatapos?”

“Uhh…2?”

“UY! Kami rin! Sabay na tayong DALAWA ha?”

Nagshrug lang siya nun pero pumayag siya. Nung pabalik na ako eh pinipigilan ko talaga yung tawa ko. Ang whatta face kasi ni Gladys. Para siyang constipated na hindi mo maintindihan.

Nikki – I

Gremlin – 0

In your face Gremlin! Akala mo ha?

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon