Chapter 35

1.2K 26 5
                                    

Chapter 35

Hindi ko alam kung anong irereact ko. yung mga tao sa paligid namin anghihiyawan na. Lumapit sakin si Julia tapos nirub niya yung shoulder ko.

“Girl..”

“Haha. I knew it was a joke. Si Kuya Nike talaga..napakagaling magtago. Hahaha. Sige Julia, mauuna na akong umuwi. Bye! See you on Monday!”

Pinigilan niya ako nun pero tumakbo na ako paalis. Nung nakarating ako sa may gate eh napaupo ako at doon lumabas lahat ng luha ko. Hindi ko alam kung sinong tatawagan ko nung mga oras na yun. Ayokong tawagan si kuya kasi…ewan ko ba. I felt betrayed.

Naglakad ako nun kahit na madilim. Hindi ko alam kung saano ako pupunta. Ayokong umuwi kasi…alam kong andoon si kuya Nike. hindi pa ako ready na makita siya eh.

Para akong zombie na naglalakad nung mga oras na yun. Paano, nakayuko ako tapos ang bagal ko  pang kumilos. Feeling ko kasi anytime, pwede akong bumagsak. And I did.

But I fell onto an angel’s arms.

Angel nga ba?

“Hey.”

Nang makita ko si Kyle, hindi ko alam kung bakit pero biglang bumuhos yung mga luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit nun at kinomfort ako. Ni hindi nga siya bumitaw eh. He was just there, waiting.

Buti pa siya ano? Handa siyang hintayin ako. Hindi niya ako pinagmumukhang tan*a.

“Paano mo nalaman?”

“I don’t know. Feeling ko lang dapat pumunta ako sa school niyo. May shoot pa nga ako ngayon eh pero, ewan. Ang gulo din eh. Haha, labo ko no?”

Umiling ako nun tapos tumingin ako ng diretso sa kanya.

“No…hindi ka malabo.”

Tinulungan niya akong makatayo nun tapos sinamahan niya ako pauwi. Nung nasa labas na kami ng bahay eh natigilan ako. Papasok na ba ako?

Kapag pumasok ako diyan, sangkatutak na tanong yung maririnig ko. Ayokong umiyak ulit. Ayoko nang umiyak dahil sa kanya.

Game over na eh. Talo na ako. :

“Sige Kyle…maraming salamat.”

Nagbye siya sakin nun tapos ako naman eh pumasok na ako sa loob. Pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko si kuya Nike na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sakin tapos lumapit siya. Akala ko may sasabihin siya tungkol dun sa “panloloko” niya pero hindi.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Matagal din siyang nakayakap nun at hindi ko namalayan na umiiyak pala ako ulit. Kinomfort niya ako nun hanggang sa tumigil na yung pagtulo ng mga luha ko.

“Sorry…akala ko hindi na siya makakatakas..pero on the last minute…nagawa parin niya.”

Tumingin ako kay kuya Nike nun. hindi ko siya maintindihan. Hanggang ngayon ba sinasabi parin niyang ako yung mahal ni AD? Kuya naman..

“Game over na kuya..talo na ako. Hindi ko na kaya. Ayoko na.”

Hindi siya kumontra nun. tumango lang siya tapos niyakap niya ako ulit. Sinamahan niya ako sa kwarto tpaos tinabihan niya ako nung matutulog na kami.

“Makakahanap ka pa ng iba…”

Tumingin ako sa kanya nun habang nakahiga kami.

“Kuya…would you accept Kyle?”

Nakita kong parang magrereact pa sana siya ng hindi maganda pero pinigilan niya yung sarili niya. Napabuntong hininga siya tapos tumango.

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon