Chapter 32

1.4K 28 2
                                    

Chapter 32

“Hoy, ano tong nabalitaan kong may “joint” celebration daw ang Dizon and Domingo family? Don’t tell me…ikakasal na kayo ni AD??”

Tinignan ko ng masama si Julia nun. Kasal? Eh ang bata bata ko pa tapos kasal na? hibang ba siya??

“Baliw. Birthday kasi nina Ate Andie at Kuya Nike sa 9 so pinag-isa nalang.”

Nag-aahh siya nun tapos umupo siya. Kasi naman. Grabe mag react eh. Akala mo wala nang bukas.

 “Eh di ang saya saya mo niyan ngayon??”

Masaya? Ewan ko. Hindi parin kasi ako makaget over dun sa nangyare kagabi eh. :

“Oh, bakit di maipinta mukha mo??”

“Eh kasi…”

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari tapos biglang napasimangot din siya. See, kahit si Julia nagegets niya kung bakit hindi ako makaget over eh. naging okay naman yung araw na yun. Normal lang. Hindi pa tapos yung retreat ng ibang fourth year kaya mas konti sila ngayon.

Nagkaroon ng general assembly nung after lunch kasi may inannounce yung principal. Ayun, sinermonan lang kami kasi madumi daw yung corridor and stuff. Nako, if I know, labas sa kabilang tenga kaagad yang sermon pagkaalis namin sa auditorium.

Nung palabas naman yung class namin eh nakasalubong namin yung section nina AD. Nagulat ako kasi nakadikit sa kanya si Gladys nun at parang nagpapacute pa. nakakaasar nga eh, ang sarap tirisin nung babae. Parang kuto lang eh.

“AD, ang daya mo talaga. Kagabi nung tumawag ka sabi mo aattend ka ng band practice tas ngayon…hay nako.”

Kagabi?? Wait, baka naman…

“Isipin mo, nagpabulabog ako ng mga anong oras nun? Mga 10 yata tapos bigla kang magbaback out. Ang daya mo talaga.”Wow ha.

“Nikki…”

“Yaan mo. Magsama sila nung “DYS” niya.”

Sino naman ako diba para magselos?? :’(

Hindi ko tinitignan si AD nun kasi alam ko na maiiyak ako. Dirediretso kami ni Julia palabas nun. Nung nasa may corridor na kami eh naghiwalay na kami kasi ibang way yung dadaanan nila para makarating sa classroom nila. Nakisama naman ako nun sa mga classmate ko tapos ayun, nakinig nalang sa kwentuhan nila.

Aakyat na kami nun nang biglang may nanghatak ng kamay ko. Pagkatingin ko…sino pa nga ba?

“Hey.”

“Uy. Sige may class pa kami.” Hinigit ko nun yung kamay ko pagkatapos sumabay na ako sa mga classmate ko umakyat.

May ilang araw ko rin siyang hindi pinapansin nun. Si Kuya Nike nga nagtataka kasi kahit nasa bahay si AD at naghihi siya eh tinitignan ko lang at hindi ako nagrerespond. Sabi pa nga niya, ano daw drama ko.

Ewan ko, tanung niya sa magaling niyang kakambal.

Excited na si Kuya dun sa celebration. Napagdesisyunan kasi na overnight nalang sa Batangas para mas masaya. Magswim daw kami and stuff. Oh diba, early summer eh. nag-aayos ako ng gamit nung mga oras na yun nang biglang pumasok ng kwarto si Kuya Nike.

“Telepono.”

Nakakunot yung noo ni kuya nun tapos initsa niya yung telepono sa kama. Hmm, siguro si Kyle to kaya nagkakaganyan yan. Ewan ko ba, sinasabi niyang wala siyang galit pero ganiyan siya magreact. Ano bang ginawa ni Kyle sa kanya??

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon