Part 2

9 0 0
                                    

..
Part 2

[3]

"Sunny! Oras na magising ka huwag mo akong kakalimutan ha? "
Wika ni Night. 

Napalingon ako sa kanya at binatukan siya.
"Baliw! Anong magising ka diyan!  Gising na gising ako loko"

Tinwanan lang niya ako at umalis sa likudan ko.  Narito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar.
Basta ang nakikita ko ay maganda na puro berdeng damo at mga puno ng mansanas? 

Nakakatakot ha.  Baka mamaya may ahas dito at pakainin ako ng mansanas na may nakamamatay na lason pala.

Umakyat si Night sa malaking puno na pinagsisilungan namin.

"Sunny,  kaya mo bang umakyat dito? Halika padamihan tayo ng makuhang mansanas! "

"Sige ba!"
Dahil ang alam ko ay kaya kong umakyat ay sinubukan ko. Buti at naka akyat ako.  Ngunit nang sa pagkakataong humawak ako sa maliit na sanga na akala ko ay matibay ay nagulat ako ng bigla itong tumunog kasabay ng paghulog ng sangang maliit at ang kamay ko.

Napapikit ako sa takot na baka ako ay mahulog ngunit naramdaman ko ang kamay ni Night na nakakapit sa aking braso.

Hinila niya ako at sa sobrang pwersa niya ay nasobrahan sya kaya't napadagan ako sa kanya at napasandal siya sa malaking sanga.

Nadilat ako sa nangyari. Ang lapit ng muka namin.

Kitang kita ko ang pagkakalaki ng mga mata nya. At roon ako natauhan na halos magkayakap na kami at ramdam ko ang malalim na paghinga ni Night.

Dahil sa gulat ko sa aming posisyon ay mabilis kong inihakbang ang paa ko.
Huli na nang maalam ko na nasa puno nga pala kami.

Muli akong hinila ni Night at sa pagkakataong ito tama lang ang lakas niya kaya sa kabilang sanga ako nakatungtong.

Kaba, matinding kaba ang aking naramdaman lalo na nang nagkalapit kami ng muka ni Night.

Dahil sa nangyari binawi ko na ang larong iniaya sakin.

"Huwag na nga tayo mag paunahan!  Kinabahan ako mamaya baka mahulog pa uli ako"
Sambit ko at umupo sa malaking sanga at nakakita ng hinog na mansanas sa aking tabi at pinitas ito.

"Sige pagmasdan nalang natin ang kapaligiran.  Maganda dito! Madalas nalilibot ako kaya pinarating kita sa lugar nato kasama ako" ngumiti ako at tinignan ang nasa ibaba.

Oo nga!  Ang ganda!  Ang tahimik at may mga ibong naglilipadan at malinis na kapaligaran.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama kay Night na sabi ay gagala daw kami! 
Sumama lamang ako sa taong ngayon ngayon ko lang nalaman ang pangalan! 
Pero dahil kumportable ako sa kanya ay pumayag ako.  Kaya ay nandito kami at tinitignan ang magandang kapaligiran na kahit kailan ay hindi ko pa nasisilayan.

---
Dahil may salaping naiwan ang aking mga magulang mula sa kanilang negosyo ay nakapagbayad ako ng aking babayarin sa ospital.

At ang bayadin sa pagpapalibing sa aking pamilya ay sinagot ng iba kong mga tiyahin at tiyo.

Kinupkop muna ako ni Lola at sinabing sya daw muna ang magpapaaral sa akin dahil ala pa ako sa sapat na edad upang makapagtrabaho.

Pumayag naman ako dahil alam ko namang may pensyon na nakukuha ang aking lola dahil dati itong naging guro kung kaya't sapat pa ito para sa aming dalawa.  Maagang na byuda ang aking lola at naghahanap ito ng makakasama.

Bahagya akong nanibago ng nakapasok na kami sa bahay ni Lola Lita.
Bata pa ako nang huling nakapunta rito. Intinuro sa akin ni Lola ang aking silid at nilagay doon ang nga gamit at sa pagod mula sa pagbyahe ay humiga ako sa malambot na kama at natangay ng tulog.

Under the Apple TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon