Napataas ang sulok ng labi ng binata, maski ang mga mata ng dalaga ay kumikislap sa kadiliman. Magkahawak-kamay sila habang patuloy na naglalakad sa kalagitnaan ng kakahuyan. Nanatili silang tahimik sa bawat sandaling nagdaan. Kahit hindi nila sabihin sa bawat isa'y alam nilang may unawaan na sila.

Tuluyang huminto ang dalawa ng matanaw na nila ang tarangkahan ng bahay nina Kendra. Sa ngayon ililihim na muna nila sa Mama niya ang lahat, hindi pa sa ngayon ang tamang panahon.

May nararapat na oras sa pagsasabi rito.

"So hanggang dito nalang Tim, malalim na ang gabi. Kita nalang tayo bukas."pamamaalam ni Kendra sa binata na nanatiling nakatitig sa kanyang mukha. Sa ginagawa nito'y hindi niya maiwasan ang mamula lalo.

Mabilis niyang iniwas ang tingin ngunit marahan na hinaplos at iniharap ni Timothy ang mukha ng dalaga.

Gustong-gusto niyang nakikita ang pamumula ng magkabilang pisngi ng dalaga. Tila may mga lumilipad na paru-paro sa kaniyang tiyan kapag nakikita niyang ganoon ang epekto niya rito.

Muling napapikit si Kendra ng maramdaman niya ang paglapat at muling pag-angkin ni Timothy sa kanyang labi. Hinayaan niya lang ito sapagkat maski siya'y gusto rin iyon. Nagtagal sila sa ganoong ayos.

ISANG kaway ang ginawa ni Kendra pagkatapos. Unti-unting naglakad papasok ng kakahuyan si Timothy na may bahid ng kasiyahan ang mga labi. Mabilis siyang tumakbo kasabay ng pagkawala niya sa kadiliman.

Maski si Kendra'y labis-labis na rin ang sayang nararamdaman niya sa mga nagdaang sandaling iyon. Iiling-iling siyang pumasok sa tarangkahan ng kanilang bahay, ngunit natigil ang tuluyan niyang pagtulak ng may nahagip ang kanyang mga mata mula sa 'di kalayuan.

Bigla siyang naging alerto, maski ang mga mata niya'y biglang nagpalit ng kulay. Tuluyan siyang naging bampira, ganito ang nangyayari sa kanya kapag nakakaramdam siya ng panganib sa paligid. Binalingan niya kanilang bahay na ilang dipa lang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang masiguro kung nasa maayos na kalagayan ng kanyang ina.

Hinding-hindi niya mapapatawad sakali ang sarili kapag may nangyaring masama sa kaniyang Mama.

"Huwag kang mag-alala Kendra mahimbing na natutulog ngayon si Aliyah."isang bahaw na tinig ang kanyang narinig. Mabilis niyang ibinaling ang pansin sa gawing kanan niya kasabay ng pagharang ng kanyang braso paharap sa kanyang mukha upang maproteksyunan sa paparating na suntok.

Kahit na inipon na niya ang lahat ng puwersa niya sa kamay ay naibato parin siya sa malayo. Nagpagulong-gulong pa si Kendra bago tuluyan siyang tumigil.

Unti-unti siyang bumangon, ramdam niya ang pagsalakay ng kirot sa mga natamong gasgas. Mabuti na lang mabilis ang naging reflex ng katawan niya, kung 'di panay gasgas sana ang pagmumukha niya.

Dumura sa lupa si Kendra, kasabay ng pagtulo ng masaganang dugo sa kanyang kaliwang labi. Hindi niya namalayang pumutok iyon nakaramdam siya ng labis na pagngingitngit!

Mabilis siyang sumugod sa kalaban, mararahas na hampas sa hangin ang tanging nangingibabaw kasabay ng malakas nilang hiyawan. Walang nais magpadaig sa kanila sa mga sandaling iyon.

"Walang-hiya ka sino ka at ano ang ginawa mo sa Mama ko!"puno ng galit na sigaw ni Kendra kasabay ng pagtalon at pagsugod niya rito. Mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang kamao. Pilit niyang itinulak ang kanyang kamao, nag-ipon siya ng puwersa mula sa talampakan papunta sa kaniyang kamao.

Kaya upang tuluyang masapol sa mukha ang lalaki, humandusay ito pagkatapos. Hindi pa nakuntento si Kendra agad na niya itong nilapitan, kalakip ang mga mata niyang nag-aalab sa kadiliman.

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now