Malalim ang pagkakauka ng blouse nito kaya upang masilayan ni Timothy ang cleavage ng dalaga.

Muli na namang napamura ng sunod-sunod si Timothy sa isip, pakiramdam niya tumaas ang temperatura sa buong silid na kanilang kinaroroonan.

Ramdam niya ang pamumukol at pagtigas ng kanyang alaga sa loob ng kanyang suot na slacks. Marahan niyang itinapik-tapik sa lapag ang paa.

Labis ng pagpipigil niyang mapaungol ng tumayo si Kendra paharap sa kanya, kaya upang pumantay sa binata ang dibdib ng dalaga. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga, hiyang-hiya siya sa inasal niya sa harapan nito.

Minsan gusto niyang kainisan ang kakayahan nilang parehas na makabasa ng isip, sa mga sandaling iyon ay hiniling niyang sana normal silang tao para walang maging ilangan kapag ganitong may nasasabi o naiisip sila sa bawat isa.

Mabilis na tumalikod si Kendra, habol ang nahihiyang titig ni Timothy. Gusto niyang humingi ng paumanhin rito. Ngunit sa huli hinayaan nalang niya, lalaki lang siya kaya normal lang na makaramdam siya ng ganoon dito.

Mabilis niyang pinasadaan ang librong dala niya, nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan bago inumpisahang magdiscuss sa klase ng tungkol sa bago nilang lesson.

Sa pamamagitan niyon ay mawala ang atensyon niya sa dalaga na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang oras ng buong klase ni Kendra, nagliligpit na siya ng mga gamit ng maramdaman niya na parang may tumititig sa kanya ng mga sandaling iyon. Mabilis niyang ibinaling ang pansin sa may pintuan kung saan kitang-kita niya si Timothy na tiyesong nakatayo mula roon, habang nakapamulsa ang mga magkabilang kamay sa suot nitong slacks.

Lalo tuloy itong gumwapo sa kanyang paningin, ang makakapal nitong kilay, matangos na ilong, labing kay sarap halikan; lalo na ang mga mata nitong tila kakulay ng bughaw na langit. Mga katangian na nakapukaw sa kanyang damdamin, marami-rami na rin siyang nakakasalamuhang naggagwapuhang adonis sa kanilang henerasyon ngunit bukod-tanging si Timothy lamang ang nakakuha ng kanyang buong atensyon.

Mabilis niyang binura ang nasa isip, tiyak lalong lalaki ang ulo nito.

Biglang nakita niya sa isip ang Tita Trinity niya, ang mga bilin nito na dapat ay sinusunod niya. Napatigil siya sa pag-aayos ng gamit, marahan niyang kinagat ang ibabang labi. Naguilty siya bigla sa pinaggagawa.

Imbes na isipin niya ang kapakanan nila ng Mama niya ay iba ang kanyang inaasikaso.

Mabilis na sinamsam ni Kendra ang kaniyang mga libro, nagdire-diretso siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan na niyang nilagpasan ang binata.

Ngunit napatigil sa paghakbang si Kendra palabas dahil marahan siyang hinawakan sa siko ni Timothy, upang tuluyan siyang mapasandig sa matitipunong dib-dib nito. Agad ang malakas na pagsikdo ng tibok ng puso niya.

"A-anong ginagawa mo s-sir, kailangan ko ng umuwi so let me go."malamig niyang tugon kay Timothy.

Ang ngiting nakapaskil sa labi ng binata ay unti-unting naglaho, nasa mga mata ni Timothy ang labis na pagtataka at pagtatanong.

Nagtitigan muna sila, tila walang nais na kumurap sa mga sandaling iyon. Sa pamamagitan ng pagkakasugpong ng kanilang mga mata ay naipahatid ni Kendra ang ninanais mula sa isip.

Dahan-dahan siyang binitiwan ng binata, agad na iniiwas ni Timothy ang tingin kay Kendra. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa dalaga iyon.

"U-uuwi na ako Sir Grae,"mayamaya'y pamamaalam ng dalaga matapos ang mahabang patlang sa kanila.

Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito ngayon, pero base sa ikinikilos nito ay tila nasasaktan ito.

Mabilis niyang inalis sa isip iyon, imposibleng magustuhan siya nito. Madami ang naggagandahang dalaga sa kanilang lugar saka nanaig sa kanyang isip ang babala ng kanyang Tita Trinity na ikapapahamak lang niya kung hahayahan niya ang sarili na mahulog rito ng tuluyan.

Tumango naman ito ngunit nanatiling nakaiwas ang mukha nito sa kanya, may naramdaman siyang tila kirot sa ganoong ayos nito; agad niya iyong binalewala.

Mabilis siyang naglakad palayo, ngunit 'di pa siya nakakalayo ay narinig niyang muli ang baritonong tinig ng binata.

"Kung hindi mo mamasamain nais ko sanang ihatid ka man lang sa inyo Kendra."nasa tinig ng binata ang labis na pagsusumamo sa dalaga.

Mabilis na nag-isip si Kendra, siguro naman hindi iyon kalabisan sakali na pumayag siyang ihatid nito. Napangit siya kasabay ng kanyang pagtango.

Unti-unti ay nasilayan ni Kendra ang matamis nitong ngiti, ang mga mata nitong tila kumislap mula sa madilim na espasyo ng eskuwelahan na kinatatayuan nito.

Hindi maipaliwanag ni Kendra ang nararamdaman sa mga oras na iyon, tila napawi ang lahat ng agam-agam niya.

Ganito talaga yata ang nararamdaman ng nagmamahal, hindi maarok-arok ng sino man.

Nagpatuloy na si Kendra sa paglalakad na agad naman sinabayan ni Timothy. Masaya silang nagkuwentuhan sa ganoong paraan ay napagbigyan nila ang bawat isang punuan ang ilang panahon na nagkawalay sila. Tila sila ang isa't-isa lamang ang nakikita sa bawat isa sa mga sandaling iyon.

Hindi nila alintana ang mga matang nakamasid sa bawat galaw nila sa mga oras na iyon...

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now