CHAPTER 2 Backride

1.8K 52 6
                                    

FLASHBACK
CEDRIC ( 7 years old )

"Lolohhhhuhuhuh. Huuuuh..." walang tigil sa pag-iyak ang batang lalaki na nasa gitna ng kagubatan. Takot na takot na siya dahil ilang oras na siyang nag-i-isa. Pinilit niyang maka-alis sa ugat na sinabitan ng kaniyang paa.

Pinili na lang muna niyang ma-upo sa tabi ng isang malapad na puno habang ipinupunas niya sa kaniyang nagdurugong paa ang kaniyang towel na kanina lang ay puti pero ngayon ay punong-puno na ng dugo.

Tumahimik na siya mula sa pag-iyak at palinga-linga na lang sa paligid.

Nagdidilim na at lingid sa kaalaman ng bata ay ang nagkalat na mababangis na hayop sa paligid na sa gabi ay naglilipana upang maghanap ng kanilang makakain.

Nakatulog ang bata sa gilid ng puno sa paghihintay na bumalik ang kaniyang lolo pero sumapit na ang gabi pero walang lolo ang dumating.

"Hiiiiissssssssssssss..."

Napakislot at nagising ang bata nang maramdaman niyang bumigat ang ibabaw ng kaniyang tiyan.

Nang magising siya ay nagulat pa siyang madilim na pala ang paligid at wala na siyang halos makita. May kaunting liwanag lang ang kanyang nababanaag na nagmumula sa ilaw ng ilang poste sa di-kalayuan.

"Hiiissssssssshh..."

May narinig siyang tunog at gumagalaw na mabigat sa kaniyang ibabaw. Kinapa-kapa niya ito at pinisil-pisil. Sa isip niya ay magaspang at parang makaliskis ang balat nito.

Matalino ang batang si Cedric. Nag-a-aral siya sa isang exclusive school, bukod doon ay mayroon pa siyang tutor sa kanilang mansion kaya alam niyang isang malaking sawa ang ngayon ay gumagapang sa kaniyang tiyan.

Pero dahil sa bata niyang edad ay hindi pa niya alam ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon.

Kaya naman tinangka niyang hawakan ang tahimik na gumagapang na sawa. Halos malaki pa ang hugis ng katawan nito kaysa sa kaniyang mga binti.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas.

"Lolooooooooh!!!"

Mabilis niya itong hinawakan at binuhat. Binigay niya ang kaniyang buong lakas na mabuhat ito at basta na lang itinapon sa kaniyang gilid.

Bigla namang nagwala ang malaking sawa.

Tumayo ang bata at tumakbo ng pinakamabilis niyang takbo. Hindi alintana ang nagdurugo niyang paa at hapdi nito. Ganoon din ang dilim ng kapaligiran. Basta takbo lang siya ng takbo.

Nagkasabit-sabit ang kaniyang mga braso sa mga damong kaniyang nadadaanan. Pero dahil sa sobrang takot ay wala na siyang pakialam.

Pero ang di niya alam ay hinabol siya ng sawa. Patuloy siya sa pagtakbo nang muli na naman siyang matisod sa naka-usling ugat ng puno.

"Ahh! Loloooohhhuuuuh! Huhuuuhh!!" umatungal siya ng iyak at hindi agad nakakilos.

Inabutan siya ng sawa at agad sinakmal sa kaniyang likurang bahagi ng katawan.

"Ah! L-loloh!" daing niya sa sakit.

Nilingkis pa siya ng sawa sa kaniyang katawan kaya naman nahirapan siyang huminga. Pero maya-maya din ay lumuwag ito at tuluyang nakawala ang katawan ng bata sa pagkakalingkis nito.

Naramdaman niyang may bumuhat sa kaniya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

***
Nagising siyang nasa loob na ng kulay puting silid.

The General's Grandson [PUBLISHED ON DREAME]Where stories live. Discover now