CHAPTER 15

6.1K 130 0
                                    

CHAPTER 15

MAAGA akong nagising dahil may pasok na naman ulit ako, may gagawin pa nga akong importante eh, pano ba kasi yung boss ko panay utos dito, utos doon, tanong dito, tanong doon.

Eh kung ipakain ko sa kaniya tong mga documents na 'to? Kainis naman eh! Hindi nga ako makatulog kakaisip kung pano ko ito sisimulan? Ang lusog na nang mga eyebugs ko! Letseng buhay to!

Agad akong nag-bihis nang pang formal, na pang sekretarya talaga ang dating.

Naglagay ako ng pulbo at liptint sa aking mukha at labi, ayoko nang masyadong makapal kasi hindi ako sanay sa mga ganun, gusto ko light lang.

MABILIS akong pumunta sa Kompanya ng boss ko dahil ngayon na pala ang deadline nang mga pesteng documents na 'to!

Mas mabilis pa sa relasyon nyong mas mabagal pa sa network ay nakarating na ako sa kompanyang 'to.

Agad akong pumasok dahil 1 minute late na ako, ayaw pa naman nang boss ko na ma-late at kahit isang minuto ay mahalaga na sa kaniya. Hanep. 

At dahil takot akong masesante ay halos magkadapa-dapa na akong pumunta sa office niya--este namin, duon niya kasi ako inilagay.

I'm catching my breath and I faced the door at nag-aalanganing buksan ito.

Huminga muna ako nang malalim bago ko ito binuksan at ipinikit ko na lamang ang mga mata ko na para bang handa na sa kung ano-ano ang ibubulyaw nang boss kong may saltik sa ulo pabago-bago ng mood daig pa ang babaeng naka with wings.

"What are you doing?"

Isang malamig ang narinig ko, nag-aalanganin parin akong buksan ang mga mata ko.

Nang tuluyan lo na itong mabuksan, nakita ko siyang naka-upo sa kaniyang silya at naka-cross arms siya habang nakita ko naman na bahagyang tumaas ang kaniyang perpektong kilay na medyo makapal ang mukha niya----este makapal yung kilay at mas lalong dumagdag ito sa appeal niya. Peste! Bakit ang gwapo niya?

"Nag-popose sir, sakaling matanggap ako bilang Model"

Umirap lamang siya at parang binalewala niya ang sarkastikong sagot ko

"Hindi ka matatanggap kung sakaling mag-model ka.pero pag ikaw ang mag-model sa buhay ko, aba'y tanggap na tanggap kana!"

Napakunot ako nang hindi ko marinig ang huli niyang sinabi, Pano ba kasi binulong lang akala mo'y lamok ang kabulongan. Tsk.

"Ang sabi ko bingi ka! Asan na yung documents na pinagawa ko sayo?"

Inis akong pumunta sa harap niya habang dala dala ko yung mga dokyumentaryong pinagawa niya. Inilapag ko ito sa mesa niya at matalim ko siyang tiningnan.

"Why are you staring at me like that?"

Inosenteng tanong niya sakin na mas lalong ikinatalim ko. Mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa, nakita ko naman siyang napatulala at napalunok.

"Kita niyo po ba yang malaking eyebugs ko?"Sabi ko sa kaniya at mas lalong inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Nakita ko, h-hindi ako bulag. fuck!"Sabi niya at nakita ko namang may namuong pawis sa kaniyang mukha.

I stared at him, eye to eye naramdaman ko nalang ang bilis nang tibok ng puso ko.

Napakurap ako nang paulit ulit at saka inilayo ang mukha ko sa mukha niya at saka matuwid akong tumayo at saka pinaypayan ang sarili ko.

"Ha. Ha. Ha. Susme... Bakit ang init dito?"

Pekeng tawa ko at saka patuloy parin sa pagpaypay sa sarili ko gamit ang kamay ko.

Tumukhim siya. "Tsk."

Nakita ko naman siyang inayos ang neck tie niya. Fudge bar! Parang gusto kong mawala dito sa harap niya na parang bula! Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun? Pakingtape bruhh!

"Why did you do that?"

Walang emosyong tanong niya sakin na mas lalong ikinapula ko dahil sa hiya! Paking tape! Parang gusto ko na talagang lumubog at magpanggap na parang walang nagyari! Shit! Gusto kong kutusan ang sarili ko! Ano ba kasing pumasok sa isip ko!

"Po? Ano po bang ginawa ko?"

Nag-mamaangang tanong ko sa kaniya.

"Tsk. Nevermind. Go back to your sit."Maawtoridad na sabi niya sakin na ikina-irap ko.

"Mabuti naman at natapos mong gawin ang mga ipinagawa ko sayo."

Malamig na sabi niya sabay tingin sakin na ikina-iwas ko nang tingin! Puchaaaa!

"S-syempre! A-ako pa."

Nauutal kong sagot sa kaniya at nakita ko namang tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi na mas lalo kong ikinapula

Shit ka talaga, Sir!

"So, you really wanted to kiss me that much, huh?"

Isang mapang-asar ang sumilay sa kaniyang labi na mas ikinapula ko, parang nag-aalab na ako sa init.

"A-anak ng apoy! Ang kapal naman nang mukha niyo, Sir."

Maangas na sabi ko sa kaniya at tumawa lamang siya, hindi tawang normal, kundi tawang abnormal----este tawang pang-aasar

"Talaga? I thought you wanted to kiss me that bad."Nakangising sabi niya

"Fudge You!"

Inis na sabi ko sa kaniya, kanina pa ako pulang-pula dito! Peste!

"Iloveyoutoo."

Sabi niya na ikinalaki nang mata ko.charrr lang. hindi ko marinig ang sinabi niya, ang bilis kasi nang pagkabigkas niya eh, hindi ko mahabol at bakit ko pa hahabolin eh hindi naman ako aso.

"Ano po ‘yun , Sir?"

Tanong ko sa kaniya na ikina-tsk lamang niya

"Forget it. Dont mind what I've said."Malamig na sabi niya

"Okay, sabi mo eh. Madali lang naman akong kausap."Sabi ko sa kaniya.

Bakit ko pa pipilitin eh kung sa huli ay alam ko namang hindi niya sasabihin? Huwaw! Rhyme ‘yun ah? Magawan nga nang tula yun. Charrr lang.

So ‘yun na nga, mas pinag-tutuonan ko nang tingin ang laptop ko,may ginawa kasi akong importante.

Nag-iiencode lang naman ako, wala nang iba. Kasali rin ito sa gawain nang isang sekretarya nang Boss kung to!

Nang matapos na akong mag-incode ay agad ko itong s-save at saka I shut down my lappy, then nakita ko naman sa laptop ko ang mukha ko, Mukhang dyosa na may malaking eyebug na dinadala, Oh!! Rhyme na naman!

Humikab ako at saka inilagay ko ang ulo ko sa mesa at ginawang unan ang dalawang braso ko na para bang nakayuko.

Then in just a minute, Nakatulog na ako. Zzzz

A/N: Enjoy Reading :>

MY DANGEROUS MAFIA✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora