"Kung maari ay bilisan mo ang paghahanap sa huling bampira Timothy."malamig na tugon nito na nagbigay ng kakaibang kaba kay Timothy ng mga sandaling iyon. Hindi niya nagugustuhan ang kaisipang tumatakbo sa utak ng kanilang hari na si Hanzul.

"Kung ayaw mong ibigay ko sa iba ang paghahanap sa huling bampira, Timothy."

Napalunok siya kasabay ng kaniyang pagtango. Nakahakbang na siyang muli ng marinig niya ang mga katagang tanging sa isip lamang ni Hanzul sinasabi.

Labis-labis siyang sinalakay ng kaba dahil sa natuklasan. Nagmadali siyang pumunta sa kanyang silid at para na rin makausap niya si Merlous kung ano ang tamang gawin.

Hinding-hindi niya matatanggap kung may masamang mangyari kay Kendra. Nagbabalak ang Hari nilang si Hanzul na pakilusin ang mga kalahi nilang lobo na nasa mundo ng mga mortal.

Hindi niya aakalaing may mga napadpad na kalahi nila roon, ang akala niya'y tuluyan napaalis ng mahal nilang Diyosa na si Herriera ang mga ito.

Ngunit agad ang pagbawi niya sa naiisip ng biglang sakupin at sampalin siya ng katotohanan na nagkaroon pala ng pananakop noon mula sa lahi ng mga zombie at lobo sa mundo ng mga mortal.

Parang binabayo ang dibdib niya sa ideyang nagpunla at nagkaroon ng mga anak sa mortal ang iba nilang lahing lobo noong mga unang panahon kung saan sumiklab ang unang digmaan sa lahing bampira laban sa lahing lobo at zombie.

Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid, bahagya pa siyang ng napahinto ng madatnan niyang naghahalikan si Phoebi at Verra. Hindi nito agad naisarado ang pintuan, tuluyan na siyang pumasok ng kanyang silid ngunit nanatili lamang nagtutukaan ang mga ito na tila hindi alintana ang pagpasok niya.

"Ehem!"malakas niya tikhim upang kahit paano ay matigil ang dalawa sa ginagawa.

Kaniya ang silid na kinaroroonan ng mga ito pero kung umasta ang dalawa ay tila pag-aari ng dalawa ang kaniyang silid. Ngali-ngali niyang sakmalin ang mga ito ng mga buhay.

Naiinggit ka lang kasi Timothy! Pilyong bulong ng isang bahagi ng isip niya.

"Hindi ako naiinggit! Tang ina!"Inis niyang sabi na hindi na niya namalayang naibigkas na pala niya.

Nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan sa narinig, tuluyang itinigil ng dalawa ang ginagawa, ngunit nanatili pa rin na nakakandong si Verra sa hita ni Phoebi.

"Kung sana kasi totohanin mo na lang si Aisha sana'y hindi ka naiinggit diyan."natatawang sabi ni Phoebi na nanatili pa rin nakayakap sa nobya nito.

Iiling-iling namang nagtungo si Timothy sa lagayan ng kanyang mga alak. Pumili siya ng matapang para kahit paano makalimot siya sa mga isipin na patuloy na gumugulo sa kanyang utak ng mga sandaling iyon.

Agad nitong sinalinan ang isang baso na may lamang yelo, agad niya iyong itinungga. Nasaid ang laman ng baso matapos niya iyon ibaba sa lamesa. Muli na naman niyang sinalinan ng alak ang kanyang baso akma na niyang iinumin iyon ngunit isang kamay ang humawak at umagaw sa basong hawak-hawak niya.

"Kaysa magpakalunod ka riyan sa alak, bakit hindi mo ibahagi sa amin ang pinuproblema mo."seryusong sabi ni Verra sa kanya.

Napatungo siya sa lamesa, mariin niyang ikinuyom ang kamao na nanatili mula sa lamesa. Kilalang-kilala talaga siya ng mga ito kahit 'di siya magsalita.

Hindi niya alam kung tama bang ibahagi niya sa mga kababata ang suliraning kinakaharap niya.

Naramdaman niya ang pagdantay at paghagod ni Phoebi sa likod niya.

"Tama si Verra Timothy mas magaan sa dib-dib kung pag-uusapan natin 'yan kaysa naman magpakalunod ka sa alak. Diba't ngayon ang balak mong pagpuntang muli sa mundo ng mga mortal?"segunda naman ni Phoebi sa sinabi ng nobya nitong si Verra na nanatili lamang nakaupo sa kama niya.

Lalong dumagdag ang bigat ng dib-dib na dinadala niya dahil sa pagpapaalala ng kaibigan niyang ngayon siya dapat bumalik sa mundo ng mga tao.

Sa totoo lang nawalan na siya ng gana nais na lamang niyang manatili sa kanilang kaharian. Ngunit nahahati siya sa dalawa ang desisyon niya na kapag 'di niya dinala si Kendra sa haring Hanzul tiyak na kukuha ito ng ibang tutugis sa dalaga. Matagal siya sa ganoong itsura.

"Ano ba talagang problema Timothy, Hmmm tungkol ba ito sa babaeng nakilala mo sa mundo ng mga mortal Timothy?"patuloy na usisa ni Phoebi sa kaibigan na nanatili na lamang nakatungo at tahimik. Mayamaya'y unti-unti na itong umimik.

"I don't know what to say and how to explain, b-but I think I'm in love with her..."puno ng damdamin na anas ni Timothy kasabay niyon ang pamumuo at pagpatak na ng kanyang luha.

Nagtinginan naman sina Verra at Phoebi hindi labis na makapaniwala sa pag-amin ng kaibigan si Timothy.

Sila naman ngayon ang tuluyan napatahimik, nag-iisip ang dalawa kung ano ang magandang ipayo kay Timothy. Napakakumplikado ng sitwasyon kinalalagyan nito ngayon.

"Ikaw Timothy kung saan ka sasaya."nasabi na lamang ni Verra rito. Si Phoebi naman ngayon ang walang masabi, sa tingin niya'y wala siyang maipapayo na maganda kay Timothy.

Agad niyang pinunasan ang mga luhang patuloy na nagmamalabis sa kanyang pisngi, ngayon lang siya umiyak kaya labis ang pagtataka ng mga kaibigan niya.

"Ang totoo hindi ko na alam ang dapat kung unahin at gawin, nahahati ako sa dalawang desisyon. K-kapag pinili ko si Kendra'y kayo at ang lahi natin ang mapapahamak. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataong ganoon ang mangyari, Phoebi; Verra."

Nagtinginan silang dalawa nasa mata ng dalawa ang labis na pagkaawa sa binata. Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa pumasok na si Merlous.

"Tama ba ang narinig ko Timothy, nagkakagusto ka sa prinsesa ng mga bampira?" May lakip ng pagkagulat at pagkadismaya ang tinig ni Merlous.

"Sumagot ka Timothy!"marahas na tanong ni Merlous rito. Nanatiling tahimik si Timothy sa nagdaan na sandali .

Naiiling na lang si Merlous, kasabay ng pag-uumpisa nitong dumakdak sa kanilang harapan.

Nakadalawang minuto na ito sa sa pagsasalita ng bigla ay tumigil ito sa pagsasalita ng dahil sa mga sumunod na sinabi ni Timothy.

"Sino si Trinity?"pang-uulit ni Timothy.

"Saan mo ba pinagkukuhanan ang mga ideya at pangalan na iyan, ang masasabi ko lang ay hindi mo na dapat inuungkat ang matagal ng limot na mga alaala." Eksplika ni Merlous.

"Sagutin mo nalang..."pang-uudyok ni Verra kay Merlous.

"Si Trinity ay katulad mo na unti-unting nahulog sa kalabang mortal pero sa bandang huli ito ang dahilan ng pagkasawi niya."

"Paano kung sabihin kong buhay pa siya."

Bigla ang kalituhang lumukob kay Merlous, dahil sa sumunod na sinabi ni Timothy. Agad na inunahan ng binata ito sa pagsasalita.

"Nagkita kami sa mundo ng mga tao, siya ang dahilan ng mga sugat ko."agad nitong paliwanag kay Merlous.

"Ano ang gusto mong gawin ko sa bagay na iyan Timothy? Kaysa unahin mo ang mga bagay-bagay na wala namang makakapagbigay ng solusyon sa kinakaharap nating dilemna ay unahin mong solusyunan kong paano mo ihaharap si Kendra sa haring Hanzul. Sabagay paano mo madadala ang huling bampira kung tuluyan ka ng inakit nito!"Gigil nitong sabi kay Timothy.

Napayuko naman ito dahil sa mga binitiwang salita ni Merlous, mayamaya'y napabuga na lamang ng hangin si Merlous. Nasa mukha nito ang labis na pagkahapo ng mga oras na iyon.

"Hayaan mo Timothy ako na ang bahalang magsabi kay Hanzul ng nadiskubre mo patungkol kay Trinity ang mabuti pa ay puntahan mo na si Kendra. Ako ng bahala sa lahat..."nasa tinig nito ang pang-unawa.

Tuluyan niyang niyakap ito, kahit papaano ay lumuwag ang bigat na nasa kanyang dib-dib. Kahit paano ay nakasumpong si Timothy ng bagong kikilalaning ama sa katauhan ni Merlous.

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDWhere stories live. Discover now