Kabanata 12

1K 33 3
                                    

Boyfriend

"Oh bakit ka nag eexplain!? Zarel, baka nakalimutan mong we're just fuck buddies. I don't care kung sino man iyong malanding babae na 'yon. I don't care kung matagal na iyon or bago." At lumayo ako nh kunti sa kanya.

Hindi parin sya gumalaw sa kinaroroonan nya kaya I took the chance to stand up. Inirapan ko sya at kinuha ang ang panyo nya sa likod ko. Tiningnan nya ako at umiwas muli ng tingin.

"Look, Diko alam na isesend pala 'yon ni Anasticia."

Tumango ako at inayos ang buhok ko. I don't want to hear any explanations of him. I just want to get out and have fun sa hall. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Its still 9:43 PM. At mamayang 12 pa matatapos ang party. But it depends on us if we want to party until 5 AM.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Kahit na may sugat ako sa likod ay nag lakad ako palabas ng hotel room. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto ay agad nya akung hinawakan sa braso. Hindi iyon masyadong mahigpit.

"Please, Zarel..." nakakuyom ang kamay ko dahil sa galit.

I don't know why I'm mad! Dahil pa sa pag sandal nya sakin sa pinto or dahil sa pictures na iyon. I just don't know. Napapikit ako ng nilapit nya ang sarili saakin.

"Baby please..."

His baby melts my heart. Parang gusto ko nalang na nakahiga kami at nasa bisig nya lang ako. I felt something on my stomach. Na parang may nag liliparan na kung ano kaya napahawak ako doon. His touch make me tremble. Niyakap nya ako patalikod at diniin nya ang kanyang ulo sa likod ko. I can feel his heavy and warm breathe. At nakikiliti ako sa bawat pag buga nya doon.

"Can we just stay like this? I just really miss you. Promise, we'll go down after." Mahinahom nyang sabi at hinahalikan ang leeg ko.

Wala akung nagawa kundi ang tumango nalang. Gawin ang sitwasyon namin for almost 5 minutes. Walang nag salita saamin. Only our breathe and the aircon noise I heard in the four corners.

Lumunok ako at inayos ang sarili. Nandun parin ang sakit ng likod ko pero hindi ko na ininda. Gagamutin ko nalang ito bukas. Hawak kamay kaming lumabas ng hotel room si Zarel. At pag pasok namin sa hall ay ganun parin ang mga tao but this time, its getting worst. May nakita na akung mga couple na nag hahalikan sa kanilang mga lamesa. At yung iba naman ay napaka wild naman sa dance floor. Hinanap ng mata ko si Blace pero hindi ko sya nakita.

Binitawan ko si Zarel at tiningnan ang gilid ng dance floor pero bigo akung makita ang matalik kung kaibigan. May nakita rin akung classmates ko way back on our senior highschool days kaya kumaway ako sa kanila. Kinawayan rin nila ako pabalik. May iba naman na linapitan ako.

"You look fab, Elis..." sabi saakin ng isa kung kaklase.

Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw rin naman."

"Elis, sino 'yang kasama mo? Pakilala mo naman kami!" Sabat ng isang babae na diko matandaan ang pangalan.

Ngumisi ako at hinatak si Zarel na wala sarili na tiningnan sila. "Everyone, my friend, Zarel Celestial."

"I'm Beatrice!"

"Moira at your service."

"Mira!"

"Bella." At nag unahan sila sa pag abot ng kamay.

Umirap lang si Zarel at tiningnan ako ng masama. Why? Ngumisi ako at iniwan sila doon.

Halos mapuntahan ko nalang ang lahat ng sulok ng hall pero wala parin akung nakitang Blace. Lumabas ako at pumuntang Garden kung saan nandon ang catering. Walang masyadong tao doon kaya pumili ako ng pagkain para sa sarili at umupo sa malayong upuan at hindi masyadong dinig ang musika sa loob. Maya-maya ay biglang dumating si Zarel na nakasimangot.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Where stories live. Discover now