Simula

3.5K 54 0
                                    

Plans

"Gagala ka this weekend?" Tanong ng kaibigan kung si Blace.

Umiling ako at agad na niligpit ang gamit ko sa mesa. I don't have plans this coming weekend. Gusto ko lang magpahinga at matulog buong araw.

"Ayaw mo mag celebrate? Successful yung defense natin." Pangungumbensi nya.

"Hindi. Nauumay na ako sa mga ganyan." At kinuha ko ang bag ko at umalis ng classroom.

Oo nga successful pero pagod na pagod naman yung katawan ko kakagawa tas yung mga ka groupo wala man lang naiambag. Sila pa 'yong may gana mag celebrate ang kakapal ng apog.

Dumiretso ako sa apartment ko na malapit lang sa pinapasukan ko. Nandito ako sa lungsod para mag aral. Hindi gumala at kung anong kabalagtusan ang gagawin.

Pagkauwi ko ay agad ako humiga sa higaan ko at nakatulala sa kisame. Kumusta na kaya si lola sa probinsya? Okay lang 'yon siguro. Sinusuportaan naman siguro naman ni Daddy si lola. Diko alam.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lola. Mga ilang ring ay agad syang sumagot.

"La..."

"Oh, Apo kumusta?" Masaya nyang tanong saakin.

Ngumiti ako. "Okay lang ho ako dito, La. Ikaw, kumusta ka jan?"

"Nako..." umubo sya. "Okay lang naman ako dito"

Bihira lang magkakaubo si Lola. She' an retired botanist. Pano? At bakit nagkakasakit na sya.

"La... may tanong ako..."

"Sge, ano 'yon apo?"

Bumangon muna ako bago tinuloy ang pagtanong.

"Nag papadala paba si Daddy sa'yo?"

Hindi sya sumagot. Ilang segundo ang katahimikan ay nabasag rin 'yon.

"Last June pa 'yong padala nya saakin. Tas ano na ngayon? Diba september na. Diko alam kung napano na 'yong Daddy mo." She sigh. "Bakit? Wala ka nabang allowance? Magpapadala ako—"

"Nako hindi po, La. Tinatanong ko lang. Siguro uuwi ako sa next week. School foundation namin 'yon tas wala rin namang gagawin."

"Oh sge, Apo. Ipagluluto kita ng paborito mo."

Ngumiti ako. Lola is always been my shoulder. Sya na nag alaga sakin since my mom died after nya akung ipinanganak. At minsan kulang makikita si Daddy dahil busy sya sa negosyo nya. At siguro may pamilya na. Simula bata ako si Lola na nag alaga saakin. Umuwi sa probinsya si Lola nung namatay ang kanyang anak at dito ako pinalaki ng tama. Pero simula nong nag college ako ay lumuwas ako ng Siquijor at nag aral ako sa Cebu. Isa sa mga pinaka tanyag na paaralan dito.

"Sge po, Lola may gagawin pa ako. Ingat ka jan, wag kalimutan uminon ng gamot."

I bid my goodbyes to her at nag simula ng gawin ang mga assignments na dipa nagagawa. Nilinis ko rin ang apartment ko kasi medyo makalat na. Hindi naman kasi masyadong kalakihan ang apartment na 'to. Tama lang saakin.

To Love Again (Isla del Fuego Series 2)Where stories live. Discover now