Kabanata 8

229 7 9
                                    

"Heneral." Sambit ko sakaniya
"Kanina pa naghihintay itong si Heneral, pinakain ko muna ng umagahan dahil kaytagal ninyo." Singit ni ina.
Nakita ko si Sebastian na nakatitig sa heneral. Pagharap ko sa heneral ay nakita kong tinititigan na nila ang isa't-isa.
"Tumigil kayo" mahinang suway ko sa dalawa. "Rosa, maaari bang lumabas muna tayo sa bakuran ninyo?" Mukhang seryoso ang heneral.
"S-sige po."
Lumabas kami at biglang sumeryoso ang mga titig ng Heneral. Nginingitian ko lamang siya upang mabawasan ang tensyon ngunit seryoso parin siyang tumitingin saakin.
"Kaya pala't hindi ka sumipot sa Lawa ng San Jacinto." Seryoso nitong sambit.
"Pasensya na heneral, sapagkat, biglaang dumating sa aming tahanan ang pamilya Rivera. Hindi ko naman gustong makita si Sebastian, ngunit pag-gising ko kaninang umaga'y nariyan na sila sa aming salas. Pinilit lang din po ako ni ina na isama silang magkapatid sa plaza." Biglang ngumisi ang heneral, at unti unti rin siyang tumawa. Nagtaka naman ako dahil kanina lamang ay napaka seryoso niya.
"Ikaw naman, binibiro lamang kita binibini. Masyado mong dinedepensahan ang iyong sarili."
Masyado ko bang dinedepensahan ang aking sarili? "Alam mo bang kay tagal kong naghintay dito." Biglang siyang sumimangot at ngumuso. Kahit napaka maginoo ng itsura netong heneral ay may itinatago pa ring pag-ka isip bata.
"Siya, kailangan ko na ring umalis. Dumaan lamang ako rito upang masigurong ayos ka lang, dahil hindi ka sumipot sa lawa ng San Jacinto."
"Sige po heneral. Pasensya po ulit dahil pinaghintay ko kayo."
"Ayos lamang... Sige na, at kailangan ko nang magtungo sa tahanan ng mga Nable-Jose paniguradong hinihintay na ako ni Remedios." Mukhang masaya ang heneral na makikita nya nang muli si Remedios.
"Sige po Heneral, mag-iingat kayo."
"Salamat Binibini."

...
Napa-isip ako habang kumakain ng hapunan. Bakit kaya'y hindi ko na muling nakita si Marianna?
Ano kaya ang mga inasikaso niya? Ako'y nag-aalala dahil tatlong araw ko na siyang hindi nakikita.
Naka-alis na rin ang pamilya Rivera kanina pang hapon. "Rosa." Tawag sa akin ni ina.
"Bakit ho?"
"Kaylalim ng iyong iniisip. May problema ba?"
"Wala ho ina, wag niyo na akong alalahanin."
"Sige, ubusin mo na ang iyong pagkain at matulog ka na. Ako na ang maglilinis nito."
"Ina ako nalang po. Dahil mas mukhang napagod kayo sa pagluluto."
"Ako na lamang. Sige na't kumain ka ng marami upang makatulog ka na rin."
"Salamat ho ina."

...
Kakatapos ko lamang kumain at narito ako ngayon sa aking kama. Nakatingin lamang ako sa kisame dahil hindi pa ako
inaantok. Mag-iilang kras na rin siguro akong naka higa at walang ginagawa, Nang may tumunog, natakot ako at itinaklob ko ang kumot ko saakin. Ngunit may isa na namang tunog akong narinig. Nilakasan ko ang aking loob na tignan kung ano iyon. Isa itong bato, tinignan ko ang aming bintana dahil alam kong dito nang-galing ang bato. Nagulat ako ng makita ko si Heneral sa labas ng aming bakod. Naka ngiti siya at kumakaway saakin. "H-heneral?"

~Nakahimlay sa iyong tabi
Minamasdan ang yong ngiti
O sana nga ikaw na
O sana nga ikaw na~

Ano kaya ang kanyang ginagawa dito? Dis-oras na ng gabi at narito siya.
Unti unti akong ngumiti ng hindi ko namamalayan. Kay sarap lang as pakiramdam na makita kong muli ang heneral.
Ngunit tama ba itong nararamdaman ko? Sigurado naman akong hindi ko siya gusto, at alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya magugustuhan. "Pasensya na sa biglaang pag-bisita. Paniguradong natakot ka." Nakangisi niyang sambit. "H-hindi ako natakot heneral. Ngunit ang tanong ay bakit ka narito? Matapang kong sagot.
"A-ayaw mo ba?" Sumimangot sa at akmang aalis na "Sige aalis na ako. Pasensya na"
"H-huwag!" Nagulat ako dahil napasigaw akong bigla. Ngumiti naman ang heneral at sinabing "Gusto mo rin naman palang narito ako." Sasagot na sana ako ng bigla siyang nag-ayang umalis. "Tara, mag-ikot tayo."
"Ngunit gabi na po, at hindi ako papayagan ni ina."
"Edi huwag mo nalang munang sabihin. Halika na tumakas ka muna. Kahit ngayon lang ay dapat mong maranasan ito. Halika na!"
"S-sandali lamang tayo heneral, mag- aalas nuebe na po."
"Tara na."
"Sandali lamang."
Tinignan ko ang kwarto ni ina at mahimbing na siyang natutulog. Malaking kasalanan ito. Ngunit wala namang masama hindi ba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Where stories live. Discover now