Kabanata 1

340 11 0
                                    

"Rosa, tayo'y humayo na sa palengke upang makapaghanda ako ng mas maaga." Sabi saakin ni Ina na kanina pa nagmamadali. "Ito na po pababa na!"
...
Habang nag-hahanap si ina ng gulay ay may nakita akong tindahan ng mga talaarawan at papel na iba't-iba ang klase.
"Ina, may bibilhin lang po ako." Paalam ko. "May natitira ka pa bang pera?"
"Opo ina." Maikling sagot ko.
"Sige lang, Ngunit Huwag kang masyadong lumayo dito." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Habang ako ay patungo sa tindahan ay narinig ko ang dalawang babaeng naguusap.
"Narinig ko ang usapang magtutungo dito si Heneral Gregorio, gusto ko sanang mapalapit sa kanya." Sambit ng babaeng nasa tabi ko.
"Sige Dayana saiyo na si Gregorio, ngunit saakin ang kanyang kapatid na si Julian." Nagtawanan ang dalawa.
"Sadyang nasa dugo na nila ang pagiging matapang, Clara."

Heneral Gregorio? Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at gusto gusto siya ng mga kababaihan?

Nang pumasok ako sa tindahan ay nakita ko agad ang magagandang libro,talaarawan,papel,at mga panulat.
Nakita ko ang kulay asul na talaarawan, Nang ibuklat ko iyon ay nakita ko ang nakasulat sa unang pahina,
'Sundan mo lang ang agos ng tadhana' Napaka wirdo na iyon ang nakasulat...Ngunit sa huli ay Napagdesisyunan ko na bilhin ang talaarawan na iyon. "Ale, magkano ho dito" sabay turo sa kulay asul na talaarawan. "4 na piso nalang para saiyo."
Alam ko na binobola lamang ako nang tindera upang bilhin ko ito ngunit ako ay ngumiti at nagpasalamat.

Paglabas ko ay muli kong binasa ang nakasulat sa talaarawan. "Sundan mo lang ang agos ng tadhana." Mukhang magiging swerte ako ngayong araw. "Rosa! Halika na!" Narinig ko ang tawag ni ina saakin
"Opo ina..." Sagot ko.

...
Pag-uwi namin ay agad kong sinulatan ang talaarawang binili ko.
'Pagmamay-ari ni;
Rosaria Palma y Servades

Pebrero 12, 1899

Ano kaya ang naghihintay.
Ano kaya ang susunod na mangyayari.
Ano kaya ang magiging kapalaran ko.

Nangangamba,
Rosa.

Agad akong dinapuan ng antok at nahiga sa aking kama.
...
Sa aking pagdilat ay nagulat ako ng may babaeng nakatayo sa paanan ng aking kama. Ako'y nagmadali sa pagbangon dahil sa aking nakita. "Sino ka? Ano ang iyong ginagawa sa aking silid?!?!?"

"Huwag kang matakot binibini, dahil ikaw mismo ang nagpadala saakin dito." Nagtataka naman ako dahil wala akong inimbitang kahit sino sa aming tahanan. "Hindi naman kita kilala Binibini..."

"Ako ay napunta rito dahil ikaw ang pinili ng asul na talaarawan."

"Ano ba ang iyong pakay??? Kung gusto mo ang talaarawan, sige, kuhain mo na at ikaw ay umalis sa aking silid."

"Naiintindihan kong ako ay iyong itinataboy....Binibini, ngunit kailangan mong makinig sa lahat ng aking sasabihin..."

"Pasensya na Binibini sa aking iniasta ngunit, hindi ko gusto ang basta-basta mong pag-pasok
sa aking silid. Ang hindi ko lang maintidihan ay kung bakit kailangang dito sa aking kwarto? Napaka Importante ba nang inyong sasabihin?"

"Oo, Rosa, kaya't makinig ka sa aking sasabihin.....Ikaw ay mayroong misyon na kung saan tutulungan mo si heneral Del Pilar na makatuluyan si Remedios
Si Remedios? Sa pagkakaalam ko ang pamilya ni Remedios ay ang pinaka mayamang pamilya dito sa Dagupan.

"Ngunit bakit kailangang ako? Buhay pagibig nila iyon at bakit kailangang ako pa?"
"Dahil alam kong ikaw ang nararapat."
"Paano ako makasisigurado na ikaw ay mabuting tao?"
"Ako ay galing sa hinaharap at andito ako para sabihin na ito ang iyong misyon."

"At sa tingin mo naniniwala ako? isa pa napaka imposible ng sinasabi mo. Tigilan mo ako alam ko na hindi ka mabuting tao kaya't umalis ka na bago ko pa tawagin si ina." Pagbabanta ko sa kaniya. Naguguluhan na ako...

"Maniwala ka binibini dahil ito ang takbo ng tadhana ."
"Hahahaha!!! Sa tingin mo maniniwala talaga ako sayo? Binibini, nababaliw ka lamang, walang katotohanan ang mga sinasabi mo. Hindi ako tanga para maniwala sa iyo. Kaya't pasensya na at kailangan mo nang umalis." Matapang kong sagot. "Wala ka nang magagawa." Malamig na sagot niya. Mukhang nasa wisyo naman ang binibining nasa harap ko, ngunit ano ba ang mga pinagsasasabi niya? Nagugulmihan na talaga ako.

"Imposible ang iyong sinasabi! Ayoko nang makipagusap sayo. U-umalis ka." Natatakot na ako, baka mamaya ay magnanakaw ang binibining ito. Alam ko na masyado na akong mapang husga, ngunit mas ayos na iyon hindi ko naman alam kung sino siya.

"Inuulit ko wala ka nang magagawa, kapag hindi mo ginawa ang iyong misyon babalik ang oras at tatakbo lamang iyon kapag sinimulan mo ang iyong misyon, babalik at babalik ang oras hanggang sa mapagod ka at pipiliin mo na lamang na lumisan. At isa pa, bakit naman ako pupunta sa kwarto mo kahit ngayon lang tayo nagkita,upang magsabi ng kasinungalingan?"

"Oo! Nagsisinungaling ka lamang. Hinding hindi mo ako malilinlang! Ina!ina! Tulungan mo ak---"
Nabilaukan ako kaya't hindi ko natuloy ang aking sasabihin. Tumawa ang binibini at mukhang ginagawang katatawanan ang nangyari saakin. "T-teka! Sinadya mo iyon ano?!?!"

"Sundan mo lamang ang mga mang-yayari. Nakatakdang magkita kayo ni Gregorio Del Pilar bukas, dahil sa hindi ko maaaring sabihing dahilan, at magkikita kayong muli dahil aalayan nila ng munting palabas at salo-salo si Gregorio dahil sa pagiging matapang na heneral nito. Hindi ko maaaring sabihin saiyo ang susunod na mangyayari. May maaaring mamatay at magsakripisyo ng buhay para maging matagumpay ang misyon mo...maging matatag ka at siguraduhin mong buhay ang heneral simula bukas...

"H-hindi kita susundin! Akala mo!"
"Bahala ka, iyan na ang kapalaran mo, wala ka nang magagwa."
"Umalis ka na"
"Malalaman mo rin ang lahat." At bigla akong kinindatan ng binibini.
"Mag-ayos ka na dahil maya-maya ay tatawagin ka na nang iyong ina. Magkita nalang tayo sa susunod."

Hindi ko talaga siya susundin.

"Rosa!" Tawag sa akin ni ina.....
N-nagkataon lang naman iyon hindi ba?

...
I didn't change anything at this chapter... But enjoy reading!
Always Vote/Comment/Share
I will really appreciate that.❤️🇵🇭

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora