Kabanata 7

126 5 2
                                    


Matapos mangyari ang insidente kanina ay naihatid parin ako ng ligtas ng heneral.
"Maraming salamat, Heneral."
Napansin ko na mayroon siyang sugat sa kaliwang parte ng kanyang bibig at mukhang namamaga ito.
"H-heneral, mayroon kang sugat. Halika muna sa loob at gamutin natin iyan."
"Wala ito binibini, alalahanin mo ang iyong sarili. Sanay na naman ako, sapagkat mas malaki pa ang nagiging galos ko sa mga labanan."
"Hindi maaari Heneral, mapapagalitan pa ako ng iyong kuya Julian."
Natawa naman siya sa aking sinabi "Sige binibini, baka nga'y mapagalitan ka ni kuya Julian."

...
Nang kami ay pumasok na sa loob ay sinalubong ako ni ina.
"Anak, mabuti naman ay nakauwi ka na. Nako! Hindi mo naman sinabi na kasama mo ang sikat at magiting na heneral Del Pilar."
"Nako, maraming salamat ho." Mukhang kinilig naman ang heneral, hindi ba sya sanay sa mga papuring ito? Natawa na lamang ako sa aking isip.
"Ngunit bakit nagdurugo ang iyong mga braso? Anong nangyari? " tanong ni ina. Siguro'y napansin niya ang bakas ng dugo sa aking baro.
" Nadapa lamang ako kanina ina, wala ito."
"Nako, sa susunod ay mag- iingat ka. Ngunit bakit may galos ang Heneral? Nako, anak baka naman ay mayroong nanakit saiyo."
"Ina, ayos lang ako huwag ka ng mag-alala."
"Hmm, napa-ano naman ang heneral?
"Mayroon pong sumuntok saakin kanina habang papalabas ako ng ristorante, hindi ko naman po alam kung bakit, ngunit hindi ko na po hinabol."
"O siya sige, sa susunod ay mag-iingat na kayong dalawa, linisan nyo ang inyong mga sugat. Ihahanda ko lang ang gamot. Dito muna kayo sa salas."

Kinuha ko ang isang maliit na batsa at nilagyan ito ng maligamgam ng tubig. Una ko munang nilinisan ang aking sarili. At sinunod ko ang heneral. "Gusto nyo ho bang kayo nalang ang magpahid nito sa inyong mukha?"
"Maaari bang ikaw na lamang? Sumakit kasi ang aking kamay dahil sa suntok ko kay Sebastian." Mukhang nagbibiro lamang siya ngunit ako nalang ang luminis sa kaniyang sugat.Una ko munang nilinisan ang kanyang mukha, pinunasan ko ito ng maligamgam na tubig. Pagkatapos ay inilagay ko na ang halamang gamot na ibinigay ni ina sabi nya ay mabisa daw ito upang mapa galing agad ang mga sugat. "Masakit ho ito." Umiwas ng bahagya ang heneral nang inilagay ko ang gamot, siguro ay dahil na rin sa sakit.
"Ayos na po heneral, ibibigay ko na lamang sayo ang gamot na ito upang mas mapadali ang pag-galing ng iyong galos. Ilagay nyo lang ho ito pagkatapos ninyo maligo." Iaalis ko na sana ang aking kamay ng hawakan niya itong muli. Bigla siyang nagsalita at tumitig lamang sa aking mga mata.
"Kay galing mo naman pagdating sa mga gamot. Mayroon ka talagang potential pagdating sa pagiging Krus Roa."
"Pasensya na po heneral ngunit hindi po talaga ako interesado." Hindi nya parin binibitawan ang aking kamay at patuloy paring tumititig sa aking mga mata.
"H-heneral, ang aking kamay." Ngunit hindi nya parin iniiwas ang kanyang tingin at patuloy paring humahawak sa aking kamay. Umiwas na ako ng tingin dahil ako'y naiilang.
"Binibini, ngayon ko lamang napansin na kay ganda mo."
"P-po?"
"Wala. Pasensya na ho binibini." Binitawan nya na ang aking mga kamay at mukhang naiilang na rin siya.
Biglang naging tahimik ang paligid at wala ni isa saamin ang nagsalita.
Upang matigil ang katahimikan ay nagsalita ako
"Heneral, kailan mo ibibigay ang aking pulseras? Baka nakita na iyan ni Sebastian na suot mo."
"Kanino ba ito?"
"Saakin po, ngunit bigay iyan ni Sebastian." Nagulat siya at biglang tinanggal ang pulseras.
"S-sige, saiyo na kunin mo na."
Bahagya naman akong tumawa.
"Heneral, kung gusto ninyo ay ibibigay ko nalang saiyo ang pulseras ko na ginto. Binili ko yan para sa akinng sarili."
"Napaka rami mo namang pulseras. Kay-ganda nito."
"Kung tutuusin heneral ay mahilig talaga akong kumolekta ng mga pulseras. Perlas na lamang ang wala saakin."
"Akin na at isusuot ko, dapat lang talagang palitan mo ito dahil may kasalanan ka pa saakin. Huwag kang mag-alala ligtas ang iyong pulseras."
Sasagot na sana ako ngunit biglang dumating si ina sa salas.
"Heneral, gusto nyo ba ng tsaa?"
"Nako hindi na po, may naghihintay rin po saakin. Pinilit lang ho ako ni Rosa na gamutin ang aking sugat, kaya't sumandali muna ako rito."
"Sige, hayaan ko muna kayo dito. May aasikasuhin lamang ako sa bakuran."
"Sige po ina."

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Where stories live. Discover now