Kabanata 6

158 8 2
                                    

Nakauwi na si ina galing Maynila. Marami siyang pasalubong saakin tulad nang isang napaka-garbong Baro't saya.
Mayroon itong nakaburdang Bulaklak at nag-nining ning na disenyo sa ibaba.
"Rosa, may mga libro nga pala dito na ipinadala saakin ni Margarita. Sigurado akong gusto mo ang mga iyan."
"Salamat ho ina... Magpapasalamat nalang po ako kay Señora Margarita sa pamamagitan ng isang sulat."
"Nako, mabuti iyan anak. Halika't magluto tayo ng Tinola. Nangulila ako sa iyo."
"Ako din ina, mahirap na si Marianna lang ang kasama ko dito sa bahay."

...
Naalala ko nga pala ang ibinigay na kasulatan ng Heneral. Ngunit hindi naman ako interesado sa pagiging isang Krus Roa. Mahihiwalay lamang ako kay ina.
"Rosa, imbitahin mo kaya dito si Marianna, medyo marami ang naluto ko na Tinola. Mas masarap ang pagkain kung maraming kasabay."
"Sige po ina hahanapin ko po siya sa kanilang tahanan."

Papalabas pa lamang ako nang nakita ko na nasa pintuan na si Marianna.
"Tara, kain na tayo!" Natawa naman ako sa sinabi ni Marianna.
"Mukhang nag-iba ang iyong pakiramdam ah. Mas sumasaya ka ata?"
"Nako, kumain nalang tayo."
...
Natapos na kaming kumain at inaya ko si Marianna na magtungo sa aking silid.
"Doon tayo sa aking silid." Sabi ko kay Marianna.

Nang kami ay nakapasok na sa aking silid ay tinignan agad ni Marianna ang mga bagong libro na galing kay Señora Margarita. "Hindi mo naman sinabi na marami ka palang gamit sa iyong silid."
"Ikaw pa lang ang kauna-unahang kaibigan ko na nakapasok sa aking silid....Halika ipapakita ko sa iyo ang iba ko pang mga kagamitan."

Nagtungo ako sa isang aparador na puno nang aking Baro't saya.
"Kay ganda! Maganda ang tela, maganda ang mga kulay, at maganda ang mga nakaburda."
"Halika, magsukat ka!"

Una kong ipinasukat kay Marianna ang kulay Asul ko na Baro't Saya. Ipinusod din namin ang aming mga buhok at naglagay ng bulaklak na palamuti sa ulo. Nag-lagay kami ng kaka-unting palamuti sa mukha. Sinunod naman niyang isukat ay ang dilaw at itim na Baro't saya. Hindi ko na ito masyadong nagagamit dahil luma na ito ngunit maayos pa rin naman ang kondisyon. Isinuot ko naman ang pula ko na Baro't Saya.

Kinuha ko rin ang lalagyan ng aking pulseras at mga kwintas.
Ipinasuot ko sa kanya ang pilak na kwintas at pulseras.
"Kay ganda natin Marianna!"
"Doon sa panahong pinanggalingan ko ay wala nang gaanong nagsusuot nito. Nakakalungkot lamang na sa paglipas ng panahon ay hindi na naisusuot ang tunay na kasuotan ng isang Pilipina."
"Sa panahon mo ba ay mayroon nang lumilipad na transportasyon? Mga taong gawa sa makina? O kaya mga bahay na lumilipad?
"Mukhang imposible naman ang mga bahay na lumilipad.... Ngunit mayroon namang transportasyon na lumilipad. ang tawag doon ay eroplano, makakapunta ka na sa isang malayong bansa sa loob ng iilang oras lamang."
"Gusto ko sanang makasakay sa e-eroplano."
"Masaya naman ang sumakay sa eroplano, nakikita mo ang mga ulap ng mas malapit at napaka ganda ng tanawim kapag ikaw ay nasa itaas."
"Na-iisip ko pa lamang ay namamangha na ako."
"Ngunit huwag na natin pag-usapan ang hinaharap... Nakita ko nga pala ang mga magaganda mong libro saan nanggaling yun?"
"Pasalubong saakin ni ina ang mga libro dyan, binigay saakin ng kanyang kaibigang galing estados unidos."
"Maaari ko bang mahiram ang isa dyan?"
"Syempre naman, lahat ng libro ko diyan ay maaari mong hiramin..."
"May ideya ako Rosa..."
"Ano na naman iyan?"
"Tara, punta tayo sa bayan. Kain tayo sa labas..."
"Sige, ngunit sandali lamang mag-bihis na muna tayo."
"Huwag na, ito na lang ang suotin natin. Magaganda naman tayo eh." At tumawa naman siya. Mukhang may balak ang babaeng to ah.
"S-sige tara na."

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon