BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul.

Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul.

Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan.

Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian.

Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.

Hindi aakalain ni Hanzul na sa araw na makikipagkita siya kay Trinity ay doon naman nalaman ng kaniyang Amang Hari na si Vitrux, ang pagkakaroon niya ng relasyon sa Prinsesa ng bampira na labis nitong ikinagalit at ikinasama ng loob. Kulang nalang ay isumpa siya nito sa labis na poot dahil para sa lahi ng mga lobo ay walang kapatawaran ang ginawa niya.

Patakas na siya ng silid ng mabilis siyang hinarang ng mga tagasunod ng kaniyang ama.

"Pabayaan niyo ako, umalis kayo sa aking daraanan! Ako ang inyong prinsipe kaya padaanin niyo ako."mariin niyang utos sa mga ito, mababanaag ang pagtitimpi sa kanya ng mga sandaling iyon.

Sobrang naatraso na siya sa usapan nila ni Trinity, pinakaayaw niyang pinaghihintay niya ito. Ganoon ka-espesyal si Trinity sa kanya, ibibigay niya ang lahat ng meron at makakapagpasaya rito. Ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ito.

Una niya itong makita noong tumakas siya sa kanilng kaharian may ilang taon na ang nakararaan.

Nais niyang makapunta sa isang kasiyahan na kailanman ay hindi niya maaring mapuntahan, sapagkat isa siyang lobo.

Walong taon palang siya noon ngunit kinahiligan na niya ang takasan ang mga bantay niyang tagasunod ng kanyang ama. Halos walang pagsidlan ng kagalakan ang nararamdaman ni Hanzul sa tuwing natatakasan niya ang mga ito.

Mabilis niyang naiwawala sa kagubatan ang mga itomula sa kagubatan na sakop ng kanilang teritoryo. Dahil sa labis na pagkaaliw ni Hanzul ay hindi na niya namalayang nakalagpas na pala siya sa kanilang pag-aaring lupa.

Unti-unti siyang nagpalit ng anyo--- sa pagiging lobo'y nag-anyo siyang tao. Marahan niyang itinapak ang walang sapin na paa sa mabatong daan, rinig na rinig niya mula sa 'di kalayuan ang mga tunog ng musika at nagkakasiyahang mamayan.

Wala sa sariling nag-umpisa siyang maglakad sakmal ang kakaba-kabang damdamin na bumabalot sa kaniyang kainosentihan.

Agad siyang nagsumiksik sa mga kumpol ng tao, upang magkaroon siya ng puwang para makita ang dahilan ng pagsasaya ng mga ito.

Nang makalagpas siya sa dikit-dikit na mamayan ay tuluyan niyang natanaw ang harapan niyon, mula sa itaas ng entablado'y kitang-kita niya ang pagpupugay at ang marahan pagsasalita ng lalaking kaedad ng kanyang amang hari na katabi lamang nito ang reyna nito.

Nasabi niya iyon dahil sa uri na rin ng estilo ng mga kasuotan ng dalawa. Ibang-iba sa mga mamayan na kasama niya mula sa ibaba ng entablado.

Nakita niyang itinaas ng lalaki ang isang sanggol na babae.

"Magbigay pugay sa bagong silang kong anak na si Trinity, ang siyang susunod sa akin bilang inyong prinsesa sa hinaharap!"malakas nitong anunsiyo sa lahat na sinabayan na ng pagkalalas-lakas na palakpak at hiyawan.

Mababakas sa bawat isa ang labis na kasiyahan, itinaas nito ang sanggol na si Trinity unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Kitang-kita ng batang si Hanzul ang pulang pares na mata nito na sa mga bampira lamang matatagpuan.

Bigla ang pagkislap ng mga mata ni Trinity sa kanya, tila ba'y nasiyahan ito sa kanyang pakikipagsaya sa kaniyang pagkasilang. Hindi ito nagkakamali sapagkat unang kita pa lamang niya sa sanggol ay nagkaroon na siya ng kakaibang damdamin dito. Tila ito ang dahilan kung bakit nakarating ang kanyang mga paa sa ipinagbabawal na lupain sa Acerria na pagmamay-ari ng mortal nilang kalaban.

Bigla siyang sinalakay ng kaba sa mga sandaling iyon, nang bigla na lamang siyang makarinig ng sigaw mula sa hari ng mga bampira. Suminghot-singhot pa ito na parang may naamoy na kakaiba.

"Sandali lang may naamoy akong lobo..."mariing bigkas nito. Kasabay ng mabilis na pagmamasid ng mga mata nito sa paligid.

Hanggang sa dumako nga ang mapupula nitong mata sa kanya.

"Isa siya sa mga lahi ng lobo, dakpin ang batang iyan at pugutan ng ulo para magsilbing aral sa mga ibang kalahi nito ang pagparito sa ating teritoryo!"mabilis at marahas na dikta ng hari ng mga bampira.

Tuluyan na siyang naestatwa sa mga sandaling iyon, napapikit na lamang siya ng makita niyang sabay-sabay na linusob siya ng mga bampira. Napapikit na lang siya dahil sa napipintong kamatayan niya sa mga kamay ng kaaway.

Ngunit ilang segundo na siyang nakapikit ng wala man lang siyang maramdamang ano.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, pagkabigla at pagkamangha'y kitang-kita niya ang biglang pagtigil ng lahat. Maski ang hari ng mga bampira ay nakabitin sa ere nasa mukha pa rin nito ang labis na galit, labas ang matutulis nitong pangil.

Sa nanglalambot na pakiramdam ay dahan-dahan siyang naglakad paalis, napaupo siya sa labis na takot. Nang muli niyang ibaling ang mata habang nakasadlak siya sa maduming lupa ay nakaharap niya ang sanggol na gumagapang palapit sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkalito sa mga sandaling iyon, bagong panganak ito ngunit nakakagapang na ito?

Ganito ba kagaling ang kakayahan ng lahi ng mga bampira. Kaya labis-labis ang pagkainggit ng mga lahing lobo sa lahi ng mga ito dahil sa kagandahan ng kakayahan ng mga ito.

Kitang-kita niya kung paano siya nito titigan na tila menemorya nito ang lahat ng parte ng kaniyang mukha, naramdaman niya ang marahan na pagdantay ng maliit nitong palad sa kaniyang noo.

Unti-unting nakaramdam ng pamimigat ng talukap ng mga mata si Hanzul, bago siya panawan ng ulirat ay nakita pa niya ang magandang ngiting ipinagkaloob sa kaniya ng sanggol na si Trinity na nagbigay ng kakaibang lukso ng tibok ng kanyang puso.

Magmula noon lagi na niyang hinihiling na sana muling magkatagpo ang kanilang landas ni Trinity. Hindi dahil sa malaki ang utang na loob niya rito, dahil ito ang tumulong sa kanyang makaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya ng mga kalahi nito.

Sapagkat nagising na lang si Hanzul na nasa sariling silid. Akala niya'y panaginip lang ang lahat, ngunit ang maduming mga paa ang nagpapatunay na nangyari ang lahat ng iyon at hindi basta panaginip lamang.

Sa araw-araw na dumadaan ninais niyang magkatatagpo silang muli nito, dahil simula ng masilayan niya ang maganda at maamong mukha nito ay hindi na iyon nawaglit sa kanyang isipan.

Sa murang edad tuluyan siyang nahulog rito...

Kaya labis ang kasiyahan niyang naramdaman na ang mismong tadhana na rin ang gumawa ng pagkikita nilang muli. Tinupad ng mga bathala ang kanyang nag-iisang hiling: ang makita at makausap ito.

Ngunit higit pa roon ang ipinagkaloob sa kanya, sapagkat nasumpungan na lang niyang unti-unti na ring nahulog sa kanya si Trinity.

Ngunit sadyang mapagbiro yata ang tadhana. Itinakda talaga yatang hindi maaring maging isa at maligaya ang katulad nilang magkaiba ang lahi, tuluyan silang pinaglayo hanggang sa tuluyan na nga silang 'di nagkita ng babaing mamahalin niya hanggang sa kanyang kamatayan...

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum