U-gh!

1.3K 29 13
                                    

" Jho" tawag ko sa kanya.

Napalingon naman siya sakin at napangiti. Ang ngiti niyang nakadagdag sa kagandahan niya.

" Bei" masayang tawag niya at niyakap ako.

" Jho , pwede ba tayo mag-usap" iwas tingin kong sabi matapos niya ako pakawalan.

" May problema ba Bei?" takang tanong niya.

Hinila ko siya patungo sa gilid ng puno.Hawak ang kamay niya ay seryoso akong tumitig sa magandang mukha niya.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga.

" Jho, may sasabihin ako" simula ko.

Kita ko ang pag-iwas ng mata niya at paglandas ng lungkot dito.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya sapat na maramdaman niya na nandito lang ako.

"Wag mo na sabihin, Bei.Alam ko na ang totoo.Bei bakit ate mo pa? Mali ang relasyon nyo alam niyo yan?" baling niya sakin.

Nakakapaso ang titig niya at di ako makasagot dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.

" Panong-"gulat kong sabi.

" Nakita ko kayo nung gusto sana kita puntahan peru iba nakita ko" ngitngit niya kita sa mga mata ang namumuong luha.

Nasaktan ako at nahihiya sa kanya nawalan ako bigla ng lakas.

" Bei, alam mong mali yan, magkapatid kayo for goodness.Di ba kayo nahihiya sa mga tao at sa mga nakakakilala sa inyo?" puno ng hinanakit na sumbat niya.

Nagflashback ang mga taong mapanghusga.Sila dada at mommy na tinanggap nalang kahit ayaw nila pati mga kapatid ko na di pa alam ang totoo.

Nakakatakot ang paligid.Kaya ko ba ipaglaban si Felecia sa mga manghuhusga sa kanya? Ang kahihiyan na matatanggap nila dada.

Bawat salita ni Jho tumatama sa puso ko dahilan para mapaluhod ako.

" Bei, naman gumising ka nga sa kahibangan mo.Magkapatid kayo." piyok niya.Halatang umiiyak na sya.

Bakit kanina ang lakas ng loob ko peru bakit ngayon nawala lahat ng yun?
Bakit ngayon ang gusto ko lang ay umiyak at magtago?

" Please Bei, ako nalang mahalin mo.Please Bei mahal na mahal kita" yakap niya sakin habang umiiyak.

Nakatulala lang ako habang umiiyak siya sa balikat ko.Inaalala ko ang mga tao na walang alam sa ano kami ni Fel.
Walang secreto na di nabubulgar.Nagsisimula na ngayon, di ko maamin sa mundo na siya ang mahal ko sa buong mundo dahil kilala nila kami bilang magkapatid.

Mga matang nanunuya, mga matang nangungutya at mga matang nanlilisik at nandidiri.

Kaya ko tanggapin kung ako lang peru kaya ko ba ang madamay ang pamilya ko?

" Please Bei, ako nalang." iyak niya.

" Ok" tipid kong sagot.

Masakit ang puso kong tanggapin na magsisinungaling ako kay Fel.

Ayaw ko sya mahusgahan ng mga tao. Ayaw ko madamay ang pamilya ko na ang gusto lang supportahan kami.

Napahiwalay naman siya at pinahid ang mga luha niya.

"Salamat Bei.Mahal na mahal kita" pilit niyang ngiti at niyakap ako.

Ito ang tama.Ito ang dapat.

Tahimik akong nakayakap sa kanya.

" Paparandam ko gaano kita kamahal , Bei.You're doing the right way.Hindi -hindi kita sasaktan kasi mahal na mahal kita" ngiting sabi niya. Nahismamasan na sya kaya pilit akong ngumiti sa kanya.

Ito ang tama. Ito ang dapat.

Sorry Fel..

Gagawin ko to para sayo kasi mahal na mahal kita.

" Di ko maipapangako ang gusto mo peru pipilitin ko tumbasan ang pagmamahal mo." yukong sabi ko.

" Sapat na sakin yan, Bei.Masaya ako at kahit papano susubukan mo ko mahalin." pilit nyang ngiti.Kita sa mata niya ang sakit peru pinalitan niya ng masayang awra.

Ngumiti naman ako ng pilit.

Bawat ngiti ko hiwa sa puso ko.

************

" I'm home" pilit ko pasiglahin ang boses ko.

" Baby , welcome home" salubong ni Fel.Ang masayang mukha niya agad tinitigan ko.

Agad ko sya hinila at niyakap.Humuhugot ng lakas mula sa kanya ang puso ko.
Siya lang nagpapagaan ng puso ko, nagpapaalis ng hapdi kahit papano.

"May problema ba, baby?" haplos niya sa likod ko.

Niyakap ko sya lalo at pilit na pinapakalma ang mga mata kong nababadyang umiyak.

Gusto ko ilabas at ibuhos ang sakit peru di ko magawa.Ayaw ko makita nya na may mali.

" Nothing baby, pagod lang ako sa training" kagat labing sabi ko.

" Ok ka lang ba? bat nanginginig ka?" alalang sabi niya.

" O-oo naman" ngiting sambit ko.

" Tamlay ng mata mo, halatang pagod ka nga.Tara samahan kita sa kwarto mo para makapagpahinga" alalay niya sakin.

" Ate!!!" sigaw ni Jillian

" Wag na baby, tulungan mo nalang yung kambal mukhang importante yun " ngiti ko.

" Ok , baby.I love you , pahinga ka ahh"halik niya sa pisnge ko.

" Opo, I love you more" halik ko sa noo niya bago tuluyan umakyat sa kwarto ko.

Nilock ni Bea ang pinto at napasandal . Nanghina sya dahilan para mapaupo sya at doon bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Bawat luhang dumadaosdos nagpapahiwatig ng sakit.
Hindi mapigilang sakit na unting-unti dumudurog sa pagkatao niya.

Magsisimula siyang maglihim sa mahal niya. Lihim na kailangan ingatan para di masaktan ang mahal niya.

-------------------------------------
Maikling ud.
Hirap gumawa po talaga hahaha.
Salamat sa mga nagbabasa ng story ko.
Salamat sa mga naghihintay kahit mabagal.
HAPPY FIESTA!
_________________________

Pag mahal mo , maghahanap ka ng oras talaga para makausap ka.
Nappout ako kasi nawala yung time natin na magsolo hahaha
Peru thankful ako kasi gumagawa ka talaga ng paraan para makausap tayo
Yun lang sapat na naramdaman ko
Gaano mo ko kamahal, I love you

UD.10/07/19,10:47am
Belated happy motmot.
I love you😘

If l Never Love You ( NGCMLFY sequel)CompletedWhere stories live. Discover now