M-16

1.6K 30 9
                                    

"Bea! gising na"sigaw ni mom sa labas ng kwarto ko.

" I'm up mom" pungay kong sabi.
Nakatihaya lang ako nakatingin sa taas habang ginawang unan ang mga kamay.

Nakatulala lang ito habang nakatingin sa kawalan.Napukaw ng biglang may kumatok ulit.

" Mom, mauna na kayo kumain po.Sunod nako. I love you " sigaw ko ulit

"Bea pwede ba tayo mag -usap"

Boses palang nito kilala niya na.Napabangon siya at naglakad patungong pinto ngunit ng hawakan niya na ang door knob ay napatigil siya.

" Alam kong nasaktan kita, nasasaktan rin naman ako na naging ganito tayo.Please bumalik na tayo sa dati."

Hindi na mababalik ang dati.Hindi mo na mababago yung nangyari. Masakit , nakakatakot , nakakakaba peru kailangan mong tanggapin na nakaraan na.

" Bumalik?di na mababalik yun ATE. Kaya please magpanggap nalang tayong di nagkita pag wala sila dada at ok pag nandyan sila." diin kong sagot sa Ate.

" Bea please-"
" Leave me alone , Ate" malamig na sagot niya.

Nang marinig na tahimik na ito napasandal sya at nanghinang napaupo.Tinukod niya ang tuhod at pinulupot ang braso dito at sinandal ang ulo dito.

" Tama to diba? Ibaling mo na Bea sa iba to.Humanap ka ng di ka makakaramdam ng sakit." namimiyok na sabi niya sa sarili niya.

***********
"Bea" pukaw nang kausap nito

Nandito sila sa open field at nakaupo sila sa mga benches malapit sa mga puno.

"Hmm?"

" Tigilan mo nga yan"
" Ang ano?" gulong tanong ko

" Yang broken hearted face mo.Di bagay " pikon na sagot nito.

" Ahyy, nakakasakit ka na Maraguinot ahh.Kung di lang sa ate mo di ako magtitiis sayo" irap na sagot ko.

" Sus sinali mo pa ate ko ang sabihin mo lang gusto dumikit sakin." smirk nito

Kahit alam niyang biro lang yun, pag kasama niya ang babaeng ito nawawala ang sakit panandalian at napapalitan ng saya.Binubuhay nito ang sigla niya at bumabalik ang ngiting inaasahan nito.

"Aba?, ikaw sus baka ikaw nga may gusto sakin ehh"ganting asik nito sa kausap at nag wink pa.

"Kapal mo ikaw?, san banda kita magugustuhan , panget mo uy" irap nito sa kanya.

" Hahaha, talaga panget ako?" biglang lapit ko sa mukha niya.Lumaki ang mata niya sa gulat peru di siya nagpatinag.

Sa paglapit nayun nakadama siya ng kaba.Biglang naramdaman niya ang pusong nadurog ang piskot nito.

" Oo " titig na sagot nito at nilapit pa ang mukha sa kanya.

Siya naman ang napalaki ng mata.Napatitig sila pareho at walang sinu ang nagpatalo.3 inches nalang layo nila at kunti nalang maduduling na sila.

Hindi namalayan na may palapit na bola ng volleyball at natamaan ang likod na ulo ni Bea dahilan para matulak ito palapit kay Jho.Lalo lumaki ang mata niya ng maramdaman ang labi nito sa labi niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo siya dito.Biglang bumilis ang puso niya na parang may kung contest ng takbuhan sa loob nito.

" A-Ah ,s-sorry di ko sinasadya" biglang sabi ng isang bata.Kumukulang na sa high school ito.

" Ok lang di naman ako natamaan " makahulugang sagot ni Jho dito.

" Salamat po kunin ko lang po yung bola " kuha nito sa bola na nahulog sa gilid ni Bea at tumakbo palayo.

If l Never Love You ( NGCMLFY sequel)CompletedWhere stories live. Discover now