KABANATA 33

Magsimula sa umpisa
                                    

"I- Said Wait for me!" pareho kaming hingal dahil sa pagtakbo. inaamin ko na tumigil ako sa pagtakbo dahil ramdam ko din ang mabilis na pagpagod









"Sorry hahaha putik! Habol ka ng habol ayan tuloy yung make-up mo nagkalat na" Sabay turo sa kaniya at tinawanan ito.








"Ugh! I hate you Veneracion!" Bigla ako nitong hinalikan sa pisnge na siyang kinatigil ng pagtawa ko.








"Let's go" muli niyang hinawakan ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya.







"Btw,ihahatid na muna kita.. Medyo napaaga pala yung pasok ko kaya tatambay muna ako sa cafe with my friends" Sabi nito kaya tumango lang ako.







Nang marating na namin ang room ko ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya nailang ako dahil yung mga kaklase ko't mga tao sa labas ng room ay kakaiba ang mga tinging pinupukol sa'min.









"Sige na pumasok kana" nakangiting sabi niya pero napatawa ako ng mahina dahil hindi niya alam.







"What's funny? I said-" Iniangat ko yung magkahawak naming kamay kaya napahinto 'to.









Nakita kong namula ang mga pisnge nito at walang ano-ano'y binitawan niya ang magkahawak naming kamay tsaka tumalikod na at naglakad na paalis. hmp bakit ganun yun?







Tinanaw ko muna siya bago tuluyang pumasok sa loob ng room naming maingay.









"Uy bess ano 'yun? May pa ganun?" Pagka upo ko sa upuan ay dinaldal agad ako ni sachna.










"Ah 'yun ba? si devon lang 'yun tsaka wag mo ngang bigyan ng malisya" Sinamaan ko 'to ng tingin ngunit hindi 'to nagpatinag bagkus tinaasan ako ng kilay.








"Alam mo nakukutuban kong may gusto pa rin sa'yo 'yang si devon, diba ex mo siya?" Aniya habang may kinakalikot sa kaniyang bag.









Napa-isip naman ako sa sinabi ni sachna,imposible naman ang sinasabi ni sachna nakipag kaibigan na nga lang 'yung tao eh.









"Ikaw talaga kung ano-ano na lang napapansin mo" Sabay iling ko ng ulo at nilibot ang aking paningin sa loob ng room namin.










May mga nag-aaral yung iba nag gigitara habang yung iba na nagkukwentuhan lang sabagay wala pa naman si prof kaya malaya silang gawin ang gusto nila.








Pero may isang tao akong pinagmamasdan na masayang nakikipag usap sa isang taong lubos kong pinagtaniman ng galit,dahil sa kaniya kaya nahantong kami sa ganitong sitwasyon.










📯 Bakit binalewala mo ako,
Ikaw na pala..
Ang nagmamay-ari ng damdamin ng minamahal ko..
Pakisabi na lang,
Na wag ka nang mag-alala
📯 at okay lang ako









Sa narinig na kanta ay napakunot ako dahil wala naman akong- nilingon ko si sachna na nakangiti habang nakatutok ang tingin sa cellphone niya ni hindi niya ata alam na tumutunog ito't talagang naiinis ako sa kanta.








Para kasing pinapatamaan ako ng kantang 'to.






"Ay sorry bess, Ang ganda ng kanta no? relate ka bess?" Pang-aasar niya kaya binatukan ko siya.








Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin kaya yung kaninang maingay ay biglang tumahimik.








"Hi everyone let me introduce my self, I'm Devon Ann Diaz call me prof. Ann" Nakangiting babae ang humarap sa'min na labis kong ipinagtaka









Kaya nilingon ko si sachna na nakatingin din pala sa'kin at yung mga tingin niyang 'yun ay may halong panunukso.









"ST tayo ngayon bess naisip kasi ng mga taga SSG 'yan dahil malapit na ang teacher's day kaya ayan STUDENT TEACHER muna ang magtuturo sa'tin" Nakangising sagot niya pero binatukan ko lang ulit siya na siyang kina reklamo niya.






Napagawi ang tingin ko sa dalawang tao na walang pakealam sa paligid nila. nakatanday ang ulo ni bria sa balikat ni tristan.








Agad akong nagbawi ng tingin ng makitang napatingin 'to sa gawi ko tsaka tinuon muli ang atensiyon sa harapan.








Habang nagsasalita si devon ay hindi ko mapigilang mapangiti.. ewan ko ba, nagpapasalamat na lang ako dahil nandito na siya sa tabi ko't alam ko na siya ang palaging magbibigay ngiti saking mga labi at papawi sa mga sakit na dulot ng pag-ibig na mali ang pinag alayan.











•••

Hi sa nakaka alam ng kantang binalewala relate na relate yung ibabdiyan🤔😂




ᏙᎾᎢᎬ FᎾᎡ :

#BRI-NO💖

or

#UN-DEV✨

𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon