Dós

35 2 1
                                    

Dós

Number eight

Ilang araw pagkatapos ng graduation, bagot na bagot na ko dito sa bahay. Sila kuya rui at kuya tripp busy sa training nila. Ang kambal lumabas ng bansa kasama ang parents nila, regalo daw iyon kasi pareho silang nakakuha ng highest honor Award.

Samantalang kami pagkatapos ng graduation kumain sa labas at umuwi. Papá told me na babawi nalang daw siya pag di na busy, sila ni mamá. Hindi na ko umasa, lagi namang ganoon pero hindi natutuloy. So I don't expect that much.

Kakatawag ko lang kay alina, busy daw sila ni zedd sa rancho. Baka nagpapaturo si zedd pano sumakay ng kabayo at si alina naman alala ng alala siguro kay zedd baka mahulog. Well normal alina does that. Sobrang maaalalahanin. I don't call her ate kahit isang taon ang tanda niya samin ni reian. Hindi sa wala akong respeto, feeling ko kasi pag makasama kaming tatlo ni reian parang magkasing edad lang kami.

Sila ni kuya ino at jiro naman nasa mansyon nila. Lumalangoy na ata don sila sa dagat.

Hay! Dagat na dagat na ako. Kaso napagkasunduan ng lahat na after ng summer Inter high na lang nila kuya rui at kuya tripp pupunta don. So basically may 2weeks and 3 days pa yun bago magpasukan.

Anong gagawin ko dito sa bahay ng isang buwan? Hindi pa naman kami pwede umuwi ng silay kasi busy ang parents ko sa New government center kung saan nalipat ang office ng mga opisyal. And I'm sure mamá was there again. Kung nasaan kasi papá andun siya.

Natapos ko na basahin kahapon ang huling libro sa kwarto ko. Lumabas na lang kaya ako at bumili ng bagong libro?

Tinawagan ko si papá at nagpaalam. Pinayagan naman ako basta isama ko lang ang mga bodyguard niya. Kahit sinabi ko na hindi na kailangan kasi malaki na ko pero binabalewala niya lang. It's my own safety daw kasi delikado.

Suot ang white plain crop top and black high waisted shorts tsaka sneakers, bitbit ang wallet at phone nagpahatid na ko sa malapit na mall. Sinabi ko naman sa bodyguard na ayaw kong nakikita ko siya pag magkasama kami. Kaya alam niya na ang gagawin.

Nang makarating sa national bookstore, dumiretso kaagad ako sa fiction section. Pagkatapos kong makapili dumiretso na ko sa counter at binayaran. I bought five books.

Naghahanap ako ng magandang tambayan since ayaw ko pa umuwi. Walang magandang tambayan pag ganito kasi madaming tao. Bakasyon na kaya puno ang mga malls.

I want to eat sweets again. Dumiretso ako sa Krispy kreme. Bumili ako ng assorted donuts, 1 dozen. Tinake out ko since madaming tao hindi ko ma eenjoy yung pagbabasa.

Lumabas ako ng mall at pumunta ng parking. Nakasunod naman ang bodyguard. Pumasok na ko ng kotse at nagpahatid don sa coffeeshop na tinatambayan nila kuya rui.

After ko mag order ng frappe na cookies n' cream ang flavor. Pumunta ako sa my couch area na may table. Wala doon ang cashier na mukhang korean.

Mukhang korean? Eh may lahi nga daw na korean according kay reian and obviously gaea nasa training iyon.

I just got curious. Kasi ang school nila kuya rui ay private. Tapos nagppart time daw siya dito.

Baka naman may scholarship siya? Kasi sabi nga ni reian, matalino daw.

Oh well good for him then.

Sinumulan ko ng basahin ang isa mga librong binili ko habang kumakain ng donuts. Napapangiti pag nakakakilig ang scene. Tumatawa pag korni ang jokes ng bida. Tapos biglang malulungkot pag nasa part na nagkaroon ng malaking problema ang isa sa mga characters.

Hindi ko na napigilan umiyak ng mamatay ang bidang babae. Tinigil ko muna ang pagbabasa, kukuha sana ng tissue ng makita kong naubos ko na pala kanina. Singhot pa ko ng singhot tapos tumutulo pa ang mga luha ko. Tatayo sana para humingi tissue sa counter ng makita ko ang panyo sa harapan ko. Tinignan ko kung kanino galing at nakita ko ang mukhang korean na lalaki. Yung cashier last time.

Burning wild hearts (Tierra Pura  Series #1)Where stories live. Discover now