Prólogo

80 1 0
                                    

Prólogo

"Girl, I know you're busy with your business but nagtatampo na talaga yung mga pinsan natin. Lalo na si kuya." Si reian, isa sa mga pinsan ko na kinukulit akong magpakita na sa kanila.

Ilang beses ko naman sinabi na busy ako. Nagtext na at chinat ko pa.

"Yes I know that already. I'm not yet sure kung makakapunta ako agad since magbubukas ako ng bagong branch. But I'll try okay?" Sagot ko naman kaagad sa call habang papasok sa car ko.

Did I forgot something? Kakamadali ko baka may naiwan ako sa opisina ko.

Nilagay ko ang call on speaker tapos chineck ang calendar sa phone ko. Three weeks from now pa naman ang birthday ni kuya rui. And next next week na ang opening ng bagong branch ko. Nilagay ko ang phone ko sa dashboard habang kinakausap pa rin ang pinsan.

"Kuya ridge said na hindi naman daw pupunta yung ex mo-" Biglang napantig tenga ko pagkarinig ko ng sinabi ni reian. Gusto ko na magpahinga sa hotel room ko.

"Wait what? Ano ba pinagsasabi ng kakambal mo? And since when did you call him kuya? Eh lagi mo sinasabi na ikaw yung matanda sa inyong dalawa ah." Hinanap ko ang airpods ko sa bag at wala doon, sabi na nga ba't may naiwan ako.

"Akala ko hindi mo yun mapapansin e. Grabe yung pagkabusy mo no? Lahat nalang ba kakalimutan. Chos! Anw, Ridge said na kelangan pumunta ka. Importante daw. Tsaka lagi ka ng absent sa mga birthdays namin. Nakauwi ka nga ng pilipinas pero busy ka naman lagi."

"I'm sorry about that. Babawi ako. Tsaka akala mo naman ako lang busy ah? Busy ka din naman."

"Yes pero kahit busy naman ako I make time naman. Lalo na pag ganito. You know the promises we made kela Abuela and abuelo."

"Yeah, your right. I'll update you after ng opening ng bagong branch. And please tell them that miss ko na mga siraulong pinsan natin." I chuckled. Tapos inoff ko na ang speaker mode at nilagay ang phone sa tenga ko.

"Oh! You laughed cous! So that's means naka move on kana talaga?" Intrega talaga to kahit kelan but reian is still reian.

"Ngayon mo lang narealize? Well I moved on. Matagal na kaya."

"Yes pero hindi naman na natin napapag usapan si Euan-" Napahawak ako sa tenga ulit.

"Ah si kester? Wala na kong pake sa kanya kaya di ko na kinukwento so..." Daming tanong ni reian. Puro throwback pa. Kala mo naman hindi kami nag uusap sa facetime.

Sasagot pa sana siya ng inunahan ko na.

"Reian may pupuntahan pa pala akong importante. I'll call you nalang tomorrow! Bye!" And then I ended the call. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagdrive.

More than 3 years din nung marinig ko yung pangalan na yun. Matagal na pala? I didn't even noticed it. I smirked. Umaagos naman ng mabuti yung plano ko e. So I think it's time for me to see my crazy cousins.

Let's see kung ano ang mga pinagbago ng mga pinsan ko or meron nga ba. Miss ko na nga yung mga kumag na yun.

Nakarating na din ako sa hotel. Dumiretso ako sa restaurant nila at kumain ng dinner. Pagkatapos pumunta na ko sa hotel room ko. Nag halfbath at natulog.

Kinabukasan,

"Goodmorning ma'am! Goodmorning chef!Goodmorning madam!" Bati ng mga magiging employee ko dito sa iloilo pagpasok ko sa coffee shop. Nakangiti agad sila sakin.

"Morning." I just gave them small smile. "Manager garcia, I need you in my office." Tapos yung iba pumunta na ng kitchen. Yung iba tumulong mag ayos ng ilang gamit. Dumiretso naman ako kaagad kung saan yung mini office ko dito. Malapit sa kitchen.

Burning wild hearts (Tierra Pura  Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon