Trés

15 1 10
                                    

Trés

Crush

"Ang silaw! I want to sleep more!"

"Ruth! Wag mo muna buksan ang mga kurtina! Ang sakit sa mata!"

Hindi ako sinagot ni Ruth. Tumatama ang liwanag ng araw sa bintana papunta sa akin. Kinusot ko ang mata ko at nakita kong wala si Ruth sa kwarto. Tinignan ko ang bintana na nakabukas. Nakalimutan ko palang isarado kagabi.

Ngayon ko lang naalala, nasa mansyon na pala ako nila jiro. Tinignan ko ang antique na orasan. Lagpas alas otso na ng umaga. Pero sobrang antok pa ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Nababalutan ng kulay krema ang buong kwarto. Ilang hakbang mula sa kama ko, may malaking bintana sa gilid. Isang malaking lamesa na may malaking salamin sa gitna ng kwarto at sa taas ay ang orasan na tinignan ko kanina. Sa bandang kanan ko naman may mga couch at sa gitna non may maliit na lamesa. Katabi non ang malaking cabinet. Halos lahat ng mga gamit puro antique.

Bumaba na ko sa kama at hinayaan kong maramdaman ng mga paa ko ang carpet. Kumuha ako ng damit sa cabinet at naligo. Pagkatapos magbihis at magsuklay lumabas na ko sa silid.

Naririnig ko na ang mga boses ng mga pinsan ko habang pababa ako ng hagdan.

"Kuya rui, congratulations to you and to your team for winning the summer inter-high volleyball this year! I'm so proud of you, captain!" Rinig kong sigaw ni reian. Reian and her energy again. I just smiled.

"Ako lang to reian, ako lang to." I could imagine Kuya Rui's swag face that he's making right now. Tumawa na ko habang papasok na ng dining area.

And I'm right. I couldn't stop my laughter. Umupo na ko sa tabi ni alina habang tumatawa pa rin.

"Nii-san, You really are ugly." Sabi ni ino kay kuya rui. Sabay tawa habang kumukuha ng dalawang spam at nilagay sa plato niya.

"Thanks for congratulating me too bro! I know that you're so proud of your kuya." Then kuya rui winked at ino.

Napailing na lang ako at nangingiti. Nilagyan ako ng Orange juice ng isa sa mga katulong nila kuya kuya rui.

"Salamat gid, manang." Kumuha na ko ng pancakes at scrambled egg. Nilagyan ko ng butter at maple syrup ang pancakes ko habang nakikinig pa rin sa kanila.

"Yabang ampota! Naka captain lang e!" Asar ni kuya Tripp kay kuya rui habang tumatawa.

"Kuya Tripp, your mouth please. Nasa hapag kainan tayo." Sabi ni alina habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni zedd.

"Stop doing that ate. I'm not a baby. Tss!" Asar na Sabi ni zedd kay alina. Nagstart na ko kumain habang tinitignan ko sila.

Alina nodded at zedd and she just smiled at him. She also pinched zedd's cheek.

"Ate!" Asar na asar na ang mukha ni zedd. Pinagtawanan naman ni jiro si zedd.

"Buti nasa labas ng mansyon sila abuelo at abuela. Kundi lagot ka na naman kuya Tripp." Singit ni reian habang umiinom ng mainit niyang gatas.

One of the rules nila abuelo and abuela sa amin, Don't say bad words when you are eating.

"Ganyan talaga pag epal, Natalo kasi!" Balik asar naman ni kuya rui kay kuya tripp.

"Ano rui, suntukan na lang oh!" Anyanya ni kuya tripp kay kuya rui pero parang natatawa sa sinabi niya.

"Oh sige ba! San mo gusto? Sa sala o sa dagat na?" Natatawa ring sabi ni kuya rui.

These boys. Napapailing na lang talaga ako sa mga trip ng mga to. Tinapos ko ng kainin ang nasa pinggan ko at ininom ko naman ang Orange juice.

"Ridge, I always told you every time na don't play your gadget here sa dining. Ang pasaway neto. Hindi porket tapos ka na mag eat, eh pwede ka ng magplay ng games mo dito." Saway ni reian sa kakambal niya.

Burning wild hearts (Tierra Pura  Series #1)Where stories live. Discover now