039

131 6 5
                                    

nina's

Buti na lang hindi ako pinuntahan ni Yohan at nangulit.

Buti na lang talaga.

"Kuya aalis na ako!" Sigaw ko. Nasa kusina kasi si Kuya.

"Hindi ba sasabay si Yohan?" Tanong ni Kuya.

Bigla akong natigilan.

"H-hindi yata." Sabi ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Baka marami pang itanong si Kuya. Kailangang umiwas.

Papunta na ako sa classroom nang may......

"Nina!" Si Yohan.

Bigla akong napatigil sa paglalakad pero pinilit ko ang sarili ko na tumuloy lang sa paglalakad.

"Nina sandali lang!" Sigaw niya.

Naramdaman ko naman na binilisan niya ang paglakad niya kaya mas binilisan ko na ang paglakad ko.

Hindi na lakad 'to, takbo na.

Kahit binilisan ko pa ang pagtakbo ko ay naabutan niya pa rin ako.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong niya.

"Ha? Sinong umiiwas? Ako?" Pagdedeny ko.

"Dahil ba 'to doon sa chat ko?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim.

"Totoo ba 'yon?" Tanong ko.

Nakatingin kami ngayon sa isa't-isa.

"Oo." Sagot niya saka kumindat at ngumiti kaya napaiwas ako ng tingin.

Naramdaman ko bigla na umiinit ang mga pisngi ko. Pahalata ako masyado.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Narinig ko naman na napatawa si Yohan sa ginawa ko.

"T-tumigil ka nga!" Sabi ko habang nakatakip pa rin ang mukha ko.

"Sige na tanggalin mo na yang mga kamay mo sa mukha mo, hindi kita aasarin." Sabi niya.

Alam kong nawala na rin ang pagkainit ng mukha ko kaya inalis ko na ang mga kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya ngayon sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"M-may sasabihin ka?" Tanong ko nang hindi man lang nakatingin sa kanya.

"Oo. Pero....." Napatingin ako sa kanya.

"Sasabihin ko sana na tumingin ka muna sa akin bago ko sabihin pero di ko na yata kailangan gawin." Sabi niya saka ngumiti at unti-unting lumapit sa akin. Napaatras naman ako.

"Nina Han." Sabi niya nang makalapit sa akin.

"Ano?" Sabi ko habang umiiwas ng tingin.

"Tingin ka sa akin." Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumingin sa kanya, sa mga mata niya.

"Gusto kita."

(A/N: putek ayoko na....kung nakaabot kayo hanggang dito.....wag niyo na basahin please. Ayoko talagang magsulat ng ganito)

Napatigil ako sa sinabi niya. Narealize ko na kaharap ko pa rin siya at nakangiti.

Ano ba 'to. Umiinit na naman ang pisngi ko.

"A-ano?" Tanong ko.

"Sabi ko gusto kita." Sabi niya saka ngumiti. Hindi ba siya napapagod kakangiti?

Wala akong masabi.

"Pwede ba manligaw?" Tanong niya kaya napalaki ang mga mata ko.

Ano bang isasagot ko? Hindi? Siguro?

"Oo." Nagulat na lang ako sa nasabi ko. Sa isip ko dapat yon sasabihin.

Nakita kong lalo siyang napangiti. Napangiti na lang din ako.

*-*

(A/N: Gusto ko 'tong i-delete hahahahaha.....medyo na-cringe ako sa chapter na 'to lalo na sa aminan part hahahha. So, ayun natatawa ako kasi sinabi ko sa chapter 29 na baka mag-hiatus 'tong book na di pa sure tapos naging sunod-sunod update ko after non hahhhahaha. Thank You sa nagbabasa pa bumubuto.)

 𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟Where stories live. Discover now