037 ɴᴀʀʀᴀᴛɪᴏɴ // 𝓷𝓲𝓷𝓪'𝓼

134 6 10
                                    

nina's

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung huling chat ni Yohan. Totoo kaya 'yon?

Baka namamalik-mata lang ako. Bagong gising lang kasi ako nung nakita ko 'yun.

"Hindi ka ba gagawa ng homework?" Nagulat na lang ako sa biglang nagsalita na si Kuya Seungwoo kaya halos mahulog na ang phone ko. Buti na nasalo ko.

"Nagulat ka ba masyado?" Tanong niya tsaka napatawa.

Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang isang basong gatas sa mesa na nasa harap. Para sa akin yan, tinimpla ni Kuya. Galing diba?

"H-hindi n-naman." Bakit ako nauutal? Halata na tuloy ako.

Napatawa siya.

"okay, sabi mo eh. Sige na, inumin mo na yan at matulog ka na."

Hindi ako sumagot at umakyat na lang habang dala ang gatas na tinimpla ni Kuya.

*

Ininom ko ang gatas ko pero kalahati lang ang nakaya ko. Tinakpan ko iyon at humiga na ako.

Please wait for me. Aamin ako ng maayos.

Please wait for me. Aamin ako ng maayos.

Please wait for me. Aamin ako ng maayos.

Napabangon na lang ako mula sa aking pagkakahiga dahil kanina pa talaga ako hindi makatulog. Hindi matanggal sa isip ko yung huling chat ni Yohan.

Umiling-iling na lang ako dahil baka sakaling mawala na yun sa isip ko pero walang nangyari.

Bakit ganon?

Nahagip ng mata ko yung natirang gatas na nasa mesa. Tumayo ako sa kama at kinuha yon tsaka ininom.

Baka makatulog na ako ngayon.

*

Pagkatapos ko mainom yung gatas ay nakatulog nga ako. Pero hindi naman ganoon kaayos. Nasa isip ko pa rin talaga yung huling chat niya.

Bakit ganon? Sa chat niya lang naman sinabi 'yon pero parang naririnig ko pa siya?

Umiling-iling ako at tsaka tumayo para maghanda na sa pagpasok.

*+*

(A/N: Malapit na po ito matapos. Yehey! Baksu!)

 𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟Where stories live. Discover now