015 ɴᴀʀʀᴀᴛɪᴏɴ // 𝓷𝓲𝓷𝓪'𝓼

143 9 1
                                    

nina's

Maaga ako pumasok dahil mangangampanya kami ngayon.

Kanina pa ako kinakabahan dahil ngayon lang ako kakandidato sa buong buhay ko. Kahit sa classroom ay hindi ko pa nagagawang kumandidato tapos ngayon SSG secretary?

Hindi ko na alam gagawin ko.

"Bakit ka tulala?" Tanong ni Minhee kaya nabalik ako sa katotohanan.

"Kinakabahan ako." Sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Okay lang yan." Sabi niya.

Sana nga okay lang.

"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong ko.

"Oo nga pala, ilang taon ka nang tumatakbo as SSG President kaya sanay ka na." Sabi ko.

Napangiti lang siya.

"Akong bahala mamaya. Sisiguraduhin kong malaking impact ang maiiwan natin sa mga students." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa niya.

Dahil nga campaign day ngayon ay pupunta ang dalawang partido sa mga classroom at sasabihin ang kanilang mga ipapatupad pag ang partido nila ang nanalo.

Papunta na kami ngayon sa Section A.

Kinakabahan talaga ako.

Pumasok na kami sa room para magpakilala.

"Good Morning!" Pagbati ni Minhee kaya naman ang mga students dito ay nagsisihiyawan lalo na ang mga babae, mga kinikilig.

Sikat nga pala si Minhee.

Itinaas ni Minhee ang dalawang kamay niya para patahimikin sila.

At nanahimik naman sila

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

At nanahimik naman sila.

"Good morning! I am Kang Minhee from KKK short for Kapiling, Kasama, Kaibigan who is a candidate as SSG President." Pagkasabi niya 'nun ay naghiyawan ulit ang mga students.

"And I am Lance Kang who is a candidate as SSG Vice President." Naghiyawan ulit ang mga babae.

He's also one of the Heartthrobs here in our school. At pinsan din siya ni Kang Daniel Sunbaenim.

It's my turn now. I-introduce ko lang naman ang sarili ko pero kinakabahan ako.

"Hello everyone! I'm Nina Han who is a candidate as SSG Secr----" Naputol na lang bigla ang pagsasalita ko nang biglang naghiyawan ang mga babae at nakatingin sila ngayon sa bintana.

Nagulat ako dahil si Yohan pala ang tinitilian nila. Sinundan ng lahat ng tingin si Yohan habang papasok dito sa room ng Section A.

"Ang gwapo niya talaga!"

"O to the M to the G!!! He's Kim Yohan from Section B."

"Sana taga-Section B na lang din ako."

"Ako din huhu!!!"

"Bakit siya nandito? Lilipat na ba siya sa section natin?"

"Sana pero bawal lumipat ng section. Masyadong strict ang school na 'to."

'Yan lang naman ang ilang side comments kasama ng sigawan at tilian habang papasok si Yohan.

"Good Morning!" Pagbati niya kaya nagsimula nang maghiyawan ang mga babae.

"Anong Kalokohan 'to, Minhee?" Bulong ko kay Minhee.

"Sabi sayo ako bahala eh." Bulong niya pabalik.

"At tsaka dapat buong x1nigang ay nandito kaso first day ni Hyeongjun as a class president sa section niyo, may class naman yung iba. May class din section niyo pero in-excuse ko lang si Yohan. Buti na lang pumayag adviser niyo." Dagdag niya.

"At balak mo pang isama silang lahat." Bulong ko din pabalik.

"You know this Girl right?" Sabi ni Yohan tsaka tinuro ako.

"He's the younger sister of Seungwoo hyung who is also a friend of mine along with minhee." Pagkasabi ni Yohan biglang naghiyawan ulit ang mga students kaya naman ay tinaas ni Minhee ang dalawang kamay niya para patahimikin sila at ginawa naman nila.

Sikat nga din pala si Kuya Seungwoo sa school na 'to.

"Nina Han is also my friend, my best friend. She and the other people here in their team are working hard while preparing for this day. So, can you cast your vote for her and the other candidates from this team?" Tanong niya kaya naghiyawan na naman ang mga babae.

"Is it a yes?" Tanong ni yohan kaya naghiyawan na naman ulit ang mga students.

"Please vote for them." Pamamaalam ni Yohan.

Hindi ko alam pero ngayon nasa labas na kami.

"Uy minhee, di ba natin sasabihin mga ipapatupad natin?" Tanong ko kay Minhee.

"Hindi na, nabasa naman nila yung chart na dala natin."

May point nga naman siya.

"At tsaka may Kim Yohan tayo." Proud niyang dagdag.

"Nako, Minhee. Ayoko manalo dahil lang sa connection at tsaka dinamay niyo pa pangalan ng kuya ko."

"Kapatid ka naman talaga ni Seungwoo hyung." Yohan.

Kanina pa pala siya nakasabay samin.

"Ampon ka siguro." Pang-aasar na naman ni Yohan sakin.

Napatawa si Minhee.

"Tumigil ka nga Kim Yohan. Baka ikaw ampon."

"Di kaya, magkasame level kami ng kapogian ni Wooseok hyung tapos tatawagin mo akong ampon?"

"Napakahangin talaga kahit kailan." Sabi ko.

"Napakahangin para sayo yieee." Pang-aasar niya.

Natawa na naman si Minhee.

"Walang nakakatawa minhee." Sabi ko sa kanya.

"Pero nakakakilig meron?" Pang-aasar ni Minhee.

"Wala rin." Sabi ko at inunahan sila sa paglalakad.

Napangiti na lang ako bigla ng di ko alam kung bakit. Dahil siguro natawa ako sa sinabi ni Yohan.

*

(a/n: gusto ko na tapusin 'to hahahaha para maayos ko na yung isa ko pang sinusulat hahahahaha. Part din siya ng x1nigang series. Guess niyo kung sinong member. Pag may nakatama, edi tama hahahahaha. joke lang! ide-dedicate ko yung chapter 1 at last chapter sa makakahula.)

 𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟Donde viven las historias. Descúbrelo ahora