+ paulit-ulit +

562 26 0
                                    

Nasasakal
Naluluha
Hindi malaman ang gagawin
Hindi malaman kung saan tatakbo

Kailan ba naging sapat
Ang mga ginagawa ko sa lahat?
Kailangan ba naging masaya muli
Ang mga bagay na dating mahal?

Nasusuka
Nahuhulog
Hindi malaman kung saan na pupunta
Hindi malaman kung ano pa ang rason

Ayoko na
Ayoko na
Putangina ayoko na
Wala na akong mahinga

Tulong, Tulong
Nalulunod ako
Hawak ako ng demonyo
Hawak ako ng isip ko

Gusto ko ng mawala
Pero paano? Paano?
Kung pati ang maglaho ay
Kinatatakutan ng isang hangal na kagaya ko?

Nasasakal
Naluluha
Nasusuka
Nahuhulog

Tulong
Tulong
Tulong
Tulong

May nakakarinig pa ba?
O lahat tayo naging bingi na?

Let Me DrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon