KABANATA 2

2.3K 146 133
                                    

A/N: Still unedited. Please bear with the errors. Thanks.

Ria Annika Meneses

Hindi ko tiningnan ang phone ko nang sagutin ko ang tawag na mula pa yata kaninang umaga ay hindi na matapos-tapos sa pagtunog. Nakaugalian ko na kasing 'wag tumanggap ng mga phone calls lalo na at nagmamaneho ako ng sasakyan. At para na rin makaiwas sa disgrasya lalo na't usong-uso ngayon ang mga car accidents.

"He-"

Yancy's voice cut me off. Walang modo na boss talaga. Hindi na nagbago. "You better get your ass here!"

Tumaas ang kaliwang kilay ko sa tono nang pananalita niya. Ano naman kaya ang problema ng magaling kong boss at gano'n nalang ang inasta niya? "Just visit me at my office. I'm sure you know your way." Then I ended the call. Umagang-umaga ay niyayamot niya ako.

Hindi yata siya dumaan sa GMRC noon. I think I'm with the government today, ibabalik daw nila ang subject na 'yon sa basic education curriculum. Pero, huli na. Matayog na ang sungay ni Yancy De Luna.

Ang kailangan ko nalang siguro ay madagdagan ang pasensiya ko sa kaniya. Daig pa niya ang dumadadaan sa menopausal stage, araw-araw nalang nagsusungit.

Pagdating ko sa quarter, ang tahimik ng paligid habang naglalakad ako sa hallway. I kept my eyes straight even if I feel some stares following me. Binabati naman ako ng ibang mga empleyado kahit na asiwa sila sa akin. It's not my fault if I don't smile. Ayaw ko lang naman kasing makipagplastikan sa kanila. Kapag ayaw kong ngumiti, sila na ang mag-adjust. Pinatay kasi ng isang tao ang kakayahan kong ngumiti.

"Good morning, Ma'am Ria." magiliw na bati ng sekretarya ko. Tinanguan ko lang siya pumasok na sa opisina. "Siyanga pala, Ma'am, ipinapatawag ka ni Boss Yancy sa opisina niya. Mukhang galit po yata siya..."

Hindi ako nagsalita at pasalampak na umupo sa swivel chair ko. Thank God it's Friday and I'll be sleeping my ass later after work. Babawi talaga ako dahil mag-iisang linggo na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa sobrang daming dapat tapusin sa trabaho. "Do I have a meeting scheduled today?"

"Wala po, Ma'am," sagot naman niya. "Pero, mamayang four po ay may early dinner kayo ni Mr. Excel Lim." Oh, shit, I forgot! Tiningnan ko siya. Shit, nakapangako pa naman ako sa kaniya. "Ica-cancel ko po ba o sisiputin niyo na siya mamaya?"

Geez, umagang-umaga ay na-i-stress ako. Ano ba 'yan, dinner na dinner ay pino-problema ko. I massaged my temple. "I'll go. You can go back to your station now. Thank you."

Pero makaraan ang ilang saglit na pag-alis ni Camille ay siyang pagpasok naman ni Yancy. Nakabusangot ang mukha niya at kulang nalang ay bubuga na ng apoy. Ano na namab kaya ang ipinagpuputok ng butsi nito? "You better leave and apologize to her."

Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. "Apologize?" I repeated. Takte, apologize saan? "At kanino naman ako hihingi ng tawad, aber? As far as I can remember, I did my best not to bitch out at your employees."

"Not them but, her!"

Lintik na boss na 'to, ginagawa akong manghuhula. "Aba, sino ba?"

"You've got to apologize to my sister or she will fucking close my business!"

I gave her a bored look. Pumasok siya dito at inutusan akong humingi ng tawad sa kung sinong pilantropo na hindi ko naman kilala. "Boss, baka nakakalimutan mong ikaw lang ang kilala ko dito sa Valle Verde. I really have no idea about the person you're talking about." Mahigit limang taon na ang nakakaraan nang bumalik ako dito upang tuparin ang pangako ni Dad sa kaniyang matalik na kaibigan. Unfortunately, my Dad's best friend is Yancy's mother. Ang tatay ko kasi ang dating EIC ng Arctic pero nang makapag-asawa siya ay nilisan na niya ang mundo ng media. Masiyado daw kasing magulo at baka madamay pa kami ni mommy kapag nagpatuloy pa siya. But on his deathbed, he made me promise that if one day, Arctic will call me, he said that I shouldn't hesitate in saying yes. Malaki daw kasi ang utang na loob niya sa nanay ni Yancy kaya kahit sa huling hininga niya, he made sure that I'll be the one to continue what he left.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon