VI. SepulTHORero (Halloween Special)

1.3K 73 77
                                    

Papalubog na ang araw ngunit patuloy pa ring naglilinis ng sementeryo si Thor. Paminsan-minsan ay lumalamig dahil sa pag-ihip ng hangin na gawa ng mga naggagalawang puno ng Kalachuchi. Wala ng mga tao sa sementeryo maliban kina Loki at Thor na substitute ngayong araw ni Manong Sepulturero dahil day-off nito. Patuloy sa pagwawalis si Thor gamit ang walis tingting nang biglang kumanta si Loki. 

"Pare mahal mo raw ako

'Yan ang sabi mo raw

Nang minsan ay malasing tayo

Hindi kita sinisisi galit ay wala ako

Pare pag-usapan natin to"

Maya-maya'y...

"Pssst... pssst... pssst..."

Nagkatinginan sina Thor at Loki. 

"Tulong... tulong..."

Tinig iyon ng isang babae.

"Tulong!!! Hahahahahaha!!!!!"

Naging tila halimaw ang tinig nito!

Gumapang ang kilabot sa katawan ng mga mambabasa. Matapang kaya sina Thor at Loki. 

Tiningnan ni Loki ang cellphone nya - three messages at one missed call mula kay Heimdall. Nakalimutan nya, "Pssst" pala yung message alert tone at "Tulong" naman yung call alert tone niya.

"Nakakita ka na ba ng multo?" tanong ni Loki. 

"Walang ulo pa lang," sagot ni Thor. 

"Saan?" 

"Sa mga boutique. Yung ibang mannequin."

"Ang corny mo."

Makalipas ang ilang minuto ay kumanta si Thor. 

"Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siya bang kumakatok sa puso ko

Oh anong paiiralin ko

Isip ba o ang puso ko

Nalilito litong litong lito

Sinong pipiliin ko"

Nasa isip kasi ni Thor si Jane Foster at si Sif.

"Sinasapian ka ba?" tanong ni Loki. 

"Kumakanta lang ako."

Pinagpatuloy nito ang pagkanta.

"Tumigil ka na nga! Baka bumangon pa yung mga patay dahil sa kanta mo!" 

"Mas nakakatakot pag wala tayong naipakain sa mga mandirigma sating kaharian."

Oo nga naman. Ako nga mas natatakot pa sa bill ng kuryente. Tara na't magtirik ng kandila. 

Credits:
Pare Mahal Mo Raw Ako by Michael Pangilinan
Mahal Ko O Mahal Ako by KZ Tandingan
Chico Loco -- bill thingy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOKI me, pancit canTHORWhere stories live. Discover now