IV. KondukTHOR

1.1K 87 72
                                    

Naglakad na patungong Bifrost o Rainbow Bridge sina Thor at Loki. Mangiyak-giyak na pinagmasdan ni Heimdall sina Loki habang unti-unti silang naglalaho papuntang Earth.

Sa Earth...

Na-issue-han ng ticket ng MMDA sina Thor dahil kung saan-saan lang nya pinarada ang kanyang moTHOR na Harley Davidson. Napagkamalan pa silang riding in tandem ni Loki! Idol kasi ni Thor si Mask Rider kaya kung saan-saan lang sya pumarada. Ang masaklap pa, walang linsensya si Thor at hindi pa registered ang Harley nya.

Nagbakasyon sa Pilipinas si Dr. Selvig at kailangan nilang makipagkita dito para malaman nila kung saan matatagpuan ang LOKI me, pancit canTHOR. Tinago kasi ito ni Dr. Selvig dahil nagseselos sya kay Loki. May gusto kasi si Dr. Selvig kay Heimdall na may gusto naman kay Loki. Ayun! Love triangle! Nadamay pa tuloy yung LOKI me, pancit canTHOR.

Ayaw ni Dr. Selvig ng late sa usapan kaya dapat ay makarating sila sa tagpuan ngayong THORsday, alas-otso kaTHORse ng umaga. 

Buti na lang at malapit sila sa isang terminal ng bus. 

"Magbus na lang tayo," sabi ni Loki. 

"Pano pamasahe natin? Nakalimutan kong humingi ng pera kay Odin. Lowbat pa yung moTHORolla ko!" sabi ni Thor.

Napatingin sila sa isang karatula.

WANTED: KONDUKTHOR

(Maarte kasi yung nagsulat. Mahilig sa letter h)

"Thor! Wanted ka!" sabi ni Loki.

"Syet! Oo nga!"

Lumapit si Thor sa Bus Operator at nagtanong,

"Hinahanap nyo daw ako Sir?"

"Oo. Bukas ka na magpasa ng biodata mo. Kailangan mo na talagang magsimula ngayon," sabi nito sabay abot ng uniform at mga ticket kay Thor. "Sumakay na kayo at singilin mo na yung mga pasahero."

Nagkatinginan lang sila Thor at Loki.

"Superhero ka naman eh. Panindigan mo na!" pang-aasar ni Loki.

Sumakay na sila sa bus at naging kondukTHOR si Thor ngayong THORsday. 

LOKI me, pancit canTHORWhere stories live. Discover now