III. THORa the explorer

1.4K 91 90
                                    

Pagkatapos maligo ni Thor ay nagpabango sya ng VicTHORia's Secret - Luha sa dulo ng batuta scent.

Sa Valhalla...

Kinuha ni Loki ang mapa ng Earth at hinanap ang coordinates ng Pilipinas gamit ang ruler at protracTHOR

"Ang Pilipinas ay matatagpuan sa latitude at longitude na 13° 00 N, 122° 00 E. Ito ay nasa southeastern coast ng Asya. Ito ay napapalibutan ng Pacific Ocean at mga anyong tubig tulad ng Philippine Sea, Celebes Sea, Sula Sea at South China Sea."

"Saan banda ang Bohol?" tanong no Thor.

"Ang Bohol ay matatagpuan sa latitude at longitude na 09°50'N, 124°10'E. Bakit mo pala natanong?"

"Gusto ko kasing pumunta sa Baclayon, Bohol. Maraming THORsier doon!"

Naghanda na sila para sa kanilang misyon na hanapin ang LOKI me, pancit canTHOR sa Earth. Nilagay na ni Thor sa backpack nya ang mapa, mga gamit tulad ng moTHORola, calculaTHOR, THORumpo, moTHOR (parang bulsa ni THORaemon ang backpack nya) at pagkain tulad ng THORnetto, THORtillos at THORon

Binasbasan sila ni Odin gamit ang kanyang dalawang uwak na umipot sa ulo ni Thor at ni Loki. Good luck Loki at THORa the explorer sa inyong misyon!

Note: Ang pariralang "luha sa dulo ng batuta" ay narinig ko lamang mula saking paboritong dj na si Chico Loco ng Yes FM. 

LOKI me, pancit canTHORWhere stories live. Discover now