V. The Twelve Labors of Thor

1K 74 87
                                    

THORty minutes bago mag-alas-otso kaTHORse ng umaga ay nakarating na sina Thor at Loki sa bahay-bakasyunan ni Dr. Selvig sa MonumenTHOR. 

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Loki nang makita nya si Dr. Selvig.

"Nasaan na ang LOKI me, pancit canTHOR??!" tanong nya.

"Chill ka lang Loki. Magkape muna kayo. Ka-chat ko sa Fb si Heimdall kanina. Alam nyo naman 'yun, alam lahat ng pangyayari."

"Kinilig ka naman," bulong ni Loki.

"Huh? Anong sabi mo Loki?" tanong ni Dr. Selvig.

"Wala syang sinabi Dr. Selvig. Nabahing lang sya. Di ba Loki?" sabi ni Thor.

Hindi sumagot si Loki. Humigop lang sya ng kape. Maya-maya'y nasamid sya.

"Kla... kla... kla!" ubo ni Loki.

"Sinong bakla???!" pasigaw na tanong ni Dr. Selvig.

"Sabi ko mapakla!!!" 

At nagsigawan na sila. Mapakla naman talaga yung kape kasi walang asukal. 

"Oh no! Oooh la la. Pag may kaguluhan, i-hashtag, #PabanatanKayKapitanTutan," sabi ni Thor sa tono ng boses ni Kapitan Tutan.

Napahinto ang dalawa sa pagbabangayan.

"Nakikinig ka rin pala kay Chico Loco ng Yes FM?" tanong ni Dr. Selvig.

"Oo. Idol namin 'yun ni emosyon," sagot ni Thor.

Tuluyan nang tumigil sa pag-aaway ang dalawa. 

"Oo nga pala Dr. Selvig, nasaan na ba ang LOKI me, pancit canTHOR?" tanong ni Thor.

"Kailangan nyo munang gawin ang twelve labors."

"Parang Hercules ah," sabi ni Loki. 

"Oo pero hindi naman kayo papatay ng Hydra o maglilinis ng Augean Stables."

"Eh anong gagawin namin?" tanong ni Loki. 

"Si Thor lang ang may gagawin."

"Si Thor na naman! Lagi na lang si Thor! Bida rin ako sa kwentong 'to!" 

"Eh si Thor lang gusto ko eh."

"Akala ko ba si Heimdall ang gusto mo?" tanong ni Loki. 

"Oo nga, ang pinakamamahal kong si Heimdall my labs," sagot ni Dr. Selvig habang kumikinang ang kanyang mga mata. "Si Thor lang ang magtatrabaho. Sasamahan mo lang sya." Kinuha ni Dr. Selvig ang isang yellow paper mula sa kanyang bulsa.

The Twelve Labors of Thor

Maging:

1. tuTHOR

2. dokTHOR

3. pinTHOR

4. sepulTHORero

5. pasTHOR

6. THOR guide

7. ImbestigaTHOR

8. AgriculTHORist

9. direkTHOR

10. janiTHOR

11. collecTHOR ng condom

12.

"Eh bakit eleven lang?" tanong ni Thor.

"Bonus na yung number 12. Naging kondukTHOR ka naman kanina eh."

Itutuloy...

LOKI me, pancit canTHORWhere stories live. Discover now