CHAPTER 72- School Fest! [Day 2: Take 5]

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

Hindi ko na-gets.

"You look like a movie with wrong-ass subtitles. What you're saying doesn't match your expression at all," paliwanag niya. Noon ko lang na-gets na siguro dahil 'yun sa ang lungkot ng expression sa mukha ko.

"Na-enjoy ko naman kasi talaga, ang kaso, ang lungkot lang talaga no'ng story kaya ang lungkot ko rin kahit sobrang nag-enjoy ako."

Tumawa siya nang slight. "I should be used to this by now but- you really are weird, aren't you?"

Ang sarap pakinggan ng tawa niya, tapos ang g'wapo niya pa, 'di ko tuloy maiwasan mapatitig.

Pagkatapos naming kumain, habang naglalakad papunta sa lugar ng sunod na movie, bigla siyang nagsalita.

"I think, you're the first ever movie with bad subtitles that I actually still freaking like."

'Yan. Bigla niyang sinabi 'yan.

May nalalaman pa siyang pagngiti nang slight pagkatapos.

Dahil sa sinabi niyang 'yan, 'yung second half lang ng movie na sunod naming pinanood ang naintindihan ko. Lutang kasi ako buong first half!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Nagustuhan mo 'yung movie?" tanong ko kay Hell habang naglalakad kami palabas ng cinema. Kakatapos lang namin panoorin 'yung pangalawang movie.

"It was a tad bit too dramatic for my taste. But it was okay," sagot niya. Na hindi ko na ikinagulat dahil sobrang evident talaga lagi sa mukha niya 'pag hindi niya gusto ang isang bagay.

No'ng lingunin ko siya kanina habang nanonood kami, akala ko talaga tatayo na lang siya bigla at iiwan ako do'n sa loob mag-isa dahil sa sobrang pagka-asiwa niya do'n sa pelikula pero...

"What are you smiling about?" tanong niya. Nahuli niya pala akong nakangiti habang inaalala ko kung paanong tinapos niya pa rin 'yung movie kahit na halatang 'yun 'yung tipo ng movie na never niyang tatapusin.

Sasagot na dapat ako pero biglang nakuha ang atensyon ko no'ng program na nagaganap do'n sa may big stage. Spoken poetry! May spoken poetry na nagaganap do'n sa big stage! OMG! Sobrang fan ako ng gano'n!

"Hell, punta tayo do'n!" Dahil sa sobrang excitement, nahigit ko na si Hell papunta do'n sa may big stage kahit 'di pa siya pumapayag.

"Are we seriously gonna watch this?" tanong niya. Noon ko lang naalala na nakokornihan nga pala siya pagdating sa poetry.

"Boring ba?"

"Do you like watching this kind of stuff?"

Agad akong tumango. "Pero kung ayaw mo, okay lang nama-"

He suddenly crossed his arms tapos biglang seryosong tumingin sa stage. Do'n sa kasalukuyang tumutula.

"Hell, okay lang kung 'di mo type. Seryoso. Tiniis mo nang panoorin 'yung movie na gusto ko kanina-"

Mula sa stage, bigla niyang binaling ang tingin sa akin.

"I'm the type who endures things when I'm on a date, so deal with it," sabi niya. Pagkatapos, humarap na siyang muli sa stage.

Hindi na ako nakaimik pagkatapos noon.

Pinagmasdan ko na lang siya tulad nang kung paano ko pagmasdan parati ang maliwanag na buwan.

Gasping.

In awe.

Hindi alam kung paano mag-aalis ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit pero habang pinagmamasdan siya, bigla ko na lang nakita kung paano kami nagsimula. Kung paanong ang layo na nang narating naming dalawa mula roon. Kung paano kami unti-unting nakarating sa kung nasaan na kami ngayon. Kung paanong unti-unting napalapit sa akin ang taong ang layo-layo sa akin noon...

WHAT LOVE ISजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें