16. HIDE AND SEEK

141 13 0
                                    


"MAG-HIDE and seek tayo!" bulalas na sabi ni Angelica kay Coby.

"Sige!" natutuwang sabi ni Coby.

Pareho silang natigilan.

"Paano 'yan?" tanong ni Coby. "Dalawa lang tayo?"

"Oo, puwede naman."

"Pero," biglang sagot ni Coby, "bawal ang lumipad at lumusot sa dingding. 'Di ko kaya 'yon."

"Oo," natutuwang sagot ni Angelica.

"Pero, 'wag kang maingay, gabi na. Baka magising sina Mommy at Lola, pagalitan ako," babala ni Coby kay Angelica.

"Sige. Ano? Simula na tayo?"

Tumango si Coby.

Nag-jack and poy silang dalawa para malaman kung sino ang taya.

Ang resulta: gunting ang kay Coby at bato naman ang kay Angelica.

"Ikaw ang taya!" bulalas ni Angelica.

"Sige. Basta walang magatatago sa kung saan-saan, ha? 'Wag kang madaya," babala niyang muli kay Angelica.

"Oo. Pangako. Peks man," paniniguro ni Angelica.

Nagpunta sa may dingding si Coby, tinakpan ang mga mata at nagbilang. "One, two, tree! Magtago na!"

Binuksan ni Coby ang mga mata at nilinga ang tingin sa kuwarto.

Tiningnan ni Coby sa ilalim ng kama si Angelica, pero wala siya roon.

Sa ilalim ng mesa, pero wala siya roon.

Sa loob ng cabinet, sa kahon ng mesa, sa plorera, sa kanyang bulsa.

Pero wala siya roon.

"Angelica...?"

Nilingang muli ni Coby ang paningin (Iginala uli ni Coby ang paningin).

"Walang ganyanan... Usapan natin, dito lang tayo sa kuwarto maglalaro."

Inikot-ikot ni Coby ang kanyang paningin pero hindi niya nakita si Coby (Angelica?). Pagkaraan ng ilang saglit, nang hindi niya makita si Angelica ay uupo (naupo?) na lang siya sa kama.

Ilang miunto ang lumipas, naisip ni Coby na lumabas ng kuwarto. Inisip niya kasi na baka hindi tumupad sa usapan ni Angelica—na baka nagtago siya sa labas ng kuwarto.

Pagbukas ng pinto, luminga-linga si Coby.

"Angelica?"

Nagulat siya nang marinig ang dalawang boses.

"Coby?"

Nang lumingon siya sa pasilyo na kinaroroonan ng kanyang kuwarto ay nakita niya sa dilim ang mommy at lola niya.

"Bakit kayo narito, Mommy, Lola?" nagtatakang tanong niya.

"Gabi na, Coby," sabi ng mommy niya. "Dapat natutulog ka na."

Hindi nakasagot si Coby.

"Angelica? Coby, may kilala ka talagang Angelica?" tanong ng Lola niya.

Nag-isip saglit si Coby, nag-apuhap ng sasabihin. "Wala, Lola, naalala ko lang ang kaibigan ko. Si Angelica."

"Ibig sabihin," pagpapatuloy ng lola niya. "May kilala ka talagang Angelica na pangalan?"

Pagkatapos mag-isip ni Coby, piniling huwag na lang niyang sagutin ang tanong ng lola niya. "Sige po. Goodnight."

Hinalikan ni Coby ang Mommy at Lola niya.

"Matutulog na po ako."

Marahang binuksang muli (uli/muli?) ni Coby ang pinto ng kanyang kuwarto at pagkatapos ay pumasok sa kuwarto.

"Coby?"

Boses ni Angelica iyon. Nakita ni Coby na nasa ilalim ito ng kama.

"Tiningnan kita kanina, bakit wala ka riyan?" nagtatakang tanong ni Coby.

"Kanina pa ako rito."

"Lumabas ka na. Matutulog na ako. Tinatanong nina Mommy at Lola kung kilala raw kita. Baka malaman nila ang tungkol sa 'yo."

Lumabas sa ilalim ng kama si Angelica. "Sige. Magpahinga ka na. Bukas na lang natin ituloy ang hide and seek."

"Mabuti pa. May pasok ako bukas. Goodnight."

Lumipad si Angelica at lumabas mula sa veranda ng kuwarto.

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon