15. NOCHE BUENA

144 16 0
                                    


LUMIPAS ang Pasko, pero hindi dumating ang daddy niya. Malungkot na malungkot si Coby. Nang gabing iyon, nang sinabi ng mommy niya na ibinalita ng babaeng nakita niya na na-delay ang pagdating niya galing abroad dahil maraming-marami raw trabaho ang daddy niya. Idinagdag pa ng mommy niya na pinilit daw ng daddy niyang makarating, pero hindi ito pinayagan ng boss nito. Sinabi pa raw ng daddy na pasensiya na sa paghihintay. Darating daw ang panahon, na magkikita rin daw sila ng daddy niya.

Pagsapit ng alas-dose ng gabi, kagaya pa rin ng nakaugalian nila, si Coby kasama ng kanyang mommy at lola ay kumakain sila para sa noche bueña (buena).

Sa mesa, nakatitig si Coby sa iba't ibang ulam na niluto ng kanyang mommy at lola. Naisip ni Coby na pinagtulungan ng kanyang mommy at ng kanyang lola na lutin ang iba't ibang putaheng iyon para sa pagdating ng daddy niya. May murkon, relyenong manok, asadong baboy, barbecue, pansit, alaya (halea), at kung ano-ano pa.

Napansin si Coby ng kanyang mommy. Nilapitan niya itong muli para magpaliwanag at para sabihing huwag nang malungkot. "Anak, araw ng Pasko, dapat masaya tayo. Kung 'di man nakarating ang daddy mo, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo, may mabigat na dahilan. Kasi ang sabi niya sa akin—nangako siya na darating talaga ang araw na makikita mo rin siya."

Niyakap siya ng kanyang mommy at bumulong ito sa kanya. "Kaya, anak, 'kain ka na."

Pagkaraan ng ilang saglit ay bumalik ang kanyang mommy sa kanyang kinauupuan.

Sa tabi ni Coby ay naroon si Angelica. Kinausap niya ito.

"Coby, hindi mo ba narinig ang mommy mo?" sabi ni Angelica. Sabi ng mommy mo, darating din ang araw na darating din ang daddy mo (na makakasama mo ang daddy mo). Baka may dahilan kaya hindi nakarating ang daddy mo."

"Ano kaya ang dahilan?" tanong ni Coby kay Angelica.

Nagkibit-balikat si Angelica. "Malalaman mo rin."

"Coby?"

Ang pagtawag na iyon sa kanyang pangalan ay nanggaling sa kanyang lola.

"Coby, apo? May kausap ka ba?"

Nakita ni Coby sa mukha ng kanyang lola na puno ng pagtataka.

Hindi kaagad nakasagot si Coby. "W-wala po."

Pagkatapos nilang kumain, gaya ng dati, nagpupunta sila sa Christmas tree at doon ay kinuha nila ang kani-kanilang mga regalo.

Habang binubuksan ni Coby ang kanyang mga regalo mula sa mommy at lola niya ay nakalimutan niya ang hindi pagdating ng kanyang daddy. Niyakap at nagpasalamat siya sa bigay na regalo ng kanyang mommy at lola. Binigyan siya ng kanyang mommy ng tatlong paborito niyang libro. Samantalang ang lola niya ay binigyan siya ng magkaternong polo at pantalon.

Pero muling naalala ni Coby ang daddy niya nang ibigay sa mommy niya ang kanyang regalo. Isa itong collage ng mga larawan nila kasama ang kanyang Daddy. Sa collage ay nakasakay si Coby sa eroplano na napapagitnaan siya ng kanyang Mommy at Daddy na siyang piloto.

Niyakap siya ng kanyang mommy pagkabigay ng kanyang regalo. "Maligayang Pasko, anak."

Malugod na niyakap ni Coby ang kanyang lola at binati. "Maligayang Pasko, Lola."

"Maligayang Pasko rin, apo ko." Malugod ding niyakap ng kanyang lola si Coby.

Matagal nang nakaakyat ng bahay sina Coby, kasama ang kanyang mommy. Nang masiguro nina Angelica at ng kanyang nanay at tatay na tulog na ang mga ito, sinimulan nilang ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Tahimik silang kumain, pinagsaluhan ang isang buong manok, pansit, barbecue, alaya (halea), fruit salad, at kung ano-ano pa.

Pagkatapos nilang kumain ay nagbigayan din sila ng regalo.

Tuwang-tuwa si Angelica nang buksan ang regalo. Isa itong lumang manyika.

"'Ayan, Angelica," sabi ng nanay niya. "Nabanggit mo kasi na nami-miss mo ang manyika mo dati. Hinanap pa namin 'yan sa dati ninyong (nating) bahay."

"Naku, maraming-maraming salamat po!" Niyakap ni Angelica ang dati niyang manyika.

Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Angelica nang buksan niya ang kahon na bigay ng kanyang tatay. Isa itong napakagarang headdress na may makukulay at mahahabang balahibo ng ibon at paboreal.

"Hindi ba, sabi mo," sabi ng tatay ni Angelica sa kanyang nanay, "hinahanap-hanap mo ang headdress mo dati sa bodabil?"

Pinaghahalikan ng nanay ni Angelica ang tatay nito dahil sa tuwa. "Maraming salamat! Maraming salamat!"

Isa namang libro na naglalaman ng bagong tula ni Andres Bonifacio ang ibinigay ng nanay ni Angelica sa kanyang tatay.

"Nagsusulat pa hanggang ngayon si Andres Bonifacio. At iyan ang bagong libro niya sa himagsikan. Hanggang ngayon daw, nandoon siya sa Cavite, nagsusulat," pagbibigay-alam ng nanay ni Angelica.

Niyakap ng tatay ni Angelica ang librong bigay ng kanyang nanay. "Iba talaga itong aming supremo, kahit na nasa ibang mundo na siya, tuloy pa rin ang himagsikan sa kanya. Nasa puso niya na dapat na maging malaya ang bawat Pilipino." Muling tiningnan ang nanay ni Angelica. "Maraming salamat, aking esposa." Hinalikan nito ang kamay ng nanay ni Angelica.

"Walang anuman," nakangiting sagot ng nanay ni Angelica.

Tuwang-tuwang pinanood ni Angelica ang kanyang nanay at tatay nang magsimula ang mga ito sa pagsasayaw.

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon