8. DADDY NI COBY

179 12 0
                                    


MAG-ISANG naglalaro si Coby ng Lego sa kanyang playroom habang pinapanood siya ni Angelica.

"Nasaan ba ang daddy mo? Bakit hindi ko nakikita dito sa bahay n'yo?"

"Nasa malayong lugar ang daddy ko," sagot ni Coby kay Angelica.

"Nagulat kasi ako kagabi. Nakikipaglaro ka sa daddy mo, pero wala naman siya. Nag-i-imagine ka lang?"

Tumango si Coby. Humarap siya kay Angelica at ngumiti. "Nagtatrabaho ang daddy ko sa malayo—sa abroad. Sabi ni Mommy sa Amerika raw."

"Talaga?" bulalas na tanong ni Angelica.

Tumangong muli si Coby.

"Ang galing!" bulalas na muli ni Angelica.

"Sabi ni Mommy," sabi ni Coby habang patuloy sa paglalaro ng Lego, "ano mang oras daw darating ang daddy ko. Masyado kasing busy sa trabaho niya bilang piloto."

"Ganoon ba, kaya pala wala dito ang daddy mo."

Tumango-tango si Coby. "Sabi ni Mommy, pagdating daw niya dito, sasama na kami sa kanya sa Amerika."

"Ah, kaya pala nagpa-practice ka nang sumakay ng eroplanoo. Excited ka na."

Tumango si Coby.

"Siguro, kapag nakakakita ka ng eroplano, iniisip mo na sasama ka na sa daddy mo?"

"Oo," sabi ni Coby. "Siyempre, kasama din si Mommy at ang Lola ko."

"Kailan kaya 'yon?" tanong ni Angelica.

Nagkibit-balikat si Coby. "Basta, sabi ni Lola, isang araw daw darating ang daddy ko at isasama kaming dalawa ni Mommy. Baka sasama na rin si Lola."

"Wow! 'Galing!" nanlalaki ang mga matang sagot ni Angelica.

"'Yon daw ang sabi ni Lola. Uuwi daw ang Daddy ko dito galing Amerika para sunduin kami ni Mommy, 'tapos doon na kami maninirahan (titira?). Sasakay kami ng eroplano," pagmamayabang ni Coby.

"Mas masaya talaga kapag buo ang pamilya," natutuwang sabi ni Angelica.

"Teka, kayo bang mga multo may mga magulang din—may mga mommy at daddy rin na gaya ko? May lola? May pamilya din?" tanong ni Coby.

Saglit na napaisip si Angelica. "Oo naman. May nanay at tatay ako."

"Nasaan sila?" nagtatakang tanong ni Coby.

"Nandiyan sila. Madalas sila sa hardin o nasa paligid lang," sagot ni Angelica.

"Bakit?"

"Nagbabantay sila. Baka may mga arak na makapasok sa bahay ninyo."

Napanganga si Coby. "Talaga? Ang babait pala nila."

Tumango si Angelica. "Ganyan ang mga abay na multo gaya namin. Mababait sa mga tao."

Biglang napaisip si Coby. "Puwede ko ba silang makilala?"

Napaisip din si Angelica. "Naku, hindi siguro. Kasi ipinagbabawal nga na magpakita kami sa inyo, eh. Huwag mong sabihin kahit na kanino na nagpakita ako sa iyo, ha?"

"Bawal?"

"Oo," sagot ni Angelica. "Baka malaman ng White Lady ng Balete. Siya ang pinuno namin. Kapag nalaman niya—kapag sinumbong ako ng mga tagabantay, naku, laking gulo. Parurusahan ako. Ikukulong ako sa kuwadrong itim."

"White Lady? Ano 'yong tagabantay? Kuwadrong itim?" Ngayon ay huminto si Coby sa paglalaro ng Lego. May kuryusidad na naramdaman sa mga narinig.

"Ang White Lady ang pinuno namin. Ang mga tagabantay ang tagasumbong sa White Lady. Kapag nalaman na nagpapakita ako sa kanya (sa 'yo?), malamang ikukulong ako sa kuwadrong itim. At hindi na ako makalalabas doon."

Napakunot-noo si Coby sa mga sinabi ni Angelica—hindi lubusan itong naintindihan (hindi nito lubusang maintindihan ang sinasabi niya).

"Ah, basta, huwag mo nang masyadong intindihin ang mga iyon."

Bahagyang tumango-tango si Coby, ibinalik nang muli ang paglalaro sa Lego.

"Kaya secret natin ito, ha? Huwag mong sasabihin kahit na kanino na nakikita mo 'ko."

"Yes." Ikinuyom ni Coby ang kamay.

Ikinuyom din ni Angelica ang kamay at idinikit iyon sa kamay ni Coby.

"Promise," sabi ni Coby, "hindi ko ipagsasabi."

Pagkaraan lang ng ilang saglit, huminto si Coby sa paglalaro, may biglang naisip at namilog ang mga mata. "Teka, may tanong ako."

"Ano 'yon?"

"Ibig sabihin, ang mga multong gaya ninyo, may lugar kayo rito—may mundo kayo. Kasi sabi mo, may White Lady, may tagabantay, at kung ano-ano pa. Parang si Harry Potter, may sariling mundo silang mga wizard?"

Tumango si Angelica.

"Isama mo 'ko!" sabik na sabi ni Coby.

"Ha?" napangangang sabi ni Angelica. "Hindi puwede."

"Angelica, promise, kapag nagkita kami ng Daddy ko, isasama kita. Lilipad tayo. Isasakay kita sa eroplano, basta ipakita mo lang sa akin ang mundo n'yo," sabik na sabi ni Coby.

Natawa si Angelica saglit pagkarinig niya sa sinabi ni Coby. "Kaya ko rin namang lumipad."

"Sige na," pagpupumilit ni Coby.

Napaisip si Angelica. "Kung isasama kita, isasama mo ako sa eskuwelahan n'yo?"

"Deal! 'Yon lang pala, eh," sagot ni Coby sa kanya.

"Gusto ko kasing makita ang eskuwelahan ninyo. Nami-miss ko ang mag-aral," nakangiting sabi ni Angelica.

"Deal?" Itinaas ni Coby ang nakakuyom na kamay.

"Deal," sagot ni Angelica.

Itinaas din ni Angelica ang nakakuyom na kamay at idinikit iyon sa kamay ng nakakuyom na si Coby—tanda ng pagtupad sa pangako at pagsasang-ayon sa isa't isa.

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon