06

399 14 12
                                    

zoe

"ayan kasi tatanga-tanga ka. basta bilisan mong pumunta dito, ako lang mag-isa eh," sabi ko kay yohan sa kabilang linya.

eh kasi naman naiwan niyang nakabukas ang electric fan sa dorm nila at imbes na sabayan ako sa practice room ay pinauna niya ako. ang kalabasan, walang tao rito bukod sa akin.

"sino ba naman kasing may sabi sayong mauna ka diyan? masyado kang halata na atat kang makita yang crush mong taken," sagot pa ni yohan.

"hindi ba pwedeng super supportive lang talaga akoㅡ" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok si seungwoo.

"kanino ka supportive? sa akin o sa crush mo?" tanong ni yohan pero hindi ko iyun pinansin at binabaan ko na siya.

"ang aga mo rito ah. wala pa naman si yohan. he texted me may binalikan lang siya sa dorm," seungwoo said.

"a-ah ganun ba? hindi ko kasi alam."

buti at hindi ko nakagat ang dila ko sa kasinungalingan ko. paanong di ko alam yun eh katatawag lang ng bakla sa akin?

"kanina ka pa rito?" tanong ni seungwoo.

simple lang naman ang suot niya eh. he was just wearing a casual white sleeveless shirt paired with black jeans. nung yumuko siya para tanggalin ang strap ng bag niya, i swear mas lalong lumalaki ang pagkasala ko kay leira.

hoy leira, yung nipples ng boyfriend mo kumakaway sa akin.

"k-kararating ko lang." fudge, i'm stuttering.

"i see medyo free pa ata kayong freshman ah."

hindi na ako sumagot pa. baka pag nagsalita ako, mabuking ko lang ang karupukan ko.

nasaan na ba ang yohan na yun?! ang tagal naman kasi ni bakla.

napalibot ako ng tingin. the room is full of mirrors kaya kinakailangan kong iwas-iwasan ang tignan ang tuksong kasama ko baka kung ano pang malaman niya. i just stared at the shining shimmering splendid floor.

"pwede mo ba akong samahang mag-warm up habang hinihintay ko sila? para kasing ang boring pag ako lang," biglang aya ni seungwoo na siyang ikinalaki ng mata ko.

"ano, ako? dude, i don't dance and i hate sports," honest kong tugon.

"warm up lang naman eh."

bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa gitna.

yung puso ko kakawala na ata sa dibdib ko eh.

hoy wag kang maharot, taken na kasi 'to.

iniwas ko ang tingin ko habang komportable siyang nags-stretch sa tabi ko. "tatayo ka lang ba diyan?" tanong niya.

nagpatugtog siya ng kantang hindi ko alam kung ano ang laman ng lyrics kasi wala na ata sa katinuan ang puso at utak ko.

"join me," soft but sexy na sabi ni seungwoo.

kahit medyo naiilang at nahihiya ako, ginaya ko ang ginawa niya. habang tumatagal ay nae-enjoy ko pala yung warm up, para akong nabuhayan ng dugo. napalingon ako kay seungwoo na bahagyang tumatawa.

"what?" tanong ko nang may halong katarayan.

"wala haha. ang seryoso mo kahit warm up lang," sagot niya. his hand suddenly landed on top of my head and he messed my hair up.

"hoy mamaya may pawis na yang kamay mo tapos pinapatong mo pa sa ulo ko." maarteng tinabig ko ang kamay niya.

"arte mo naman. tara sayaw tayo ng basic steps," sabi niya naman.

napairap ako. halata namang sinasabi niya yan para pag sayaw ko, mapahiya na naman ako.

"ayoko nga."

tumalikod ako and i heard him mimicked my voice. inis ko siyang hinarap pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila.

"arte! basic steps lang namanㅡ"

natumba kami pareho and in that freaking moment, in his eyes i saw how my death will be. he was on top of me and sheesh mauubusan ata ako ng hininga. he was staring at my eyes for few seconds. sh - t. aatakihin ata ako sa puso, tulong naman.

"sorry," sabi niya at dali-daling tumayo.

hoy wag ka munang umalis.

"wag ka ngang feeling close," pagmamaldita ko para matakpan ang kahihiyang dumadaloy sa katawan ko.

umupo ako sa sofa at tinext si yohan na aalis nalang ako. si seungwoo naman hindi ako nilingon at nagpatuloy siya sa pag warm up. mukhang wala lang naman sakanya yung awkward scene kanina eh.

hindi naman siya kakabahan tulad mo zoe kasi di ka naman crush niyan.

i was about to stand up and step out nang biglang dumating si yohan. "sowee," parang bata nitong tawag sa akin at dinamba ako. pareho kaming natumba sa sofa at buti nalang malambot ito.

"saan ka pupunta? sabi mo susuportahan mo ako dito." yohan wrapped his arms on me like i was his mom.

as usual, ginagawa niya naman ito para iritahin ako. itong baklang 'to di talaga nagbabago mula bata pa eh.

"ano ba bakla, ang bigat mo eh!"

parang batang ginaya-gaya pa ako ni yohan. tinulak ko siya palayo pero bigla niya akong kiniliti.

"what the fu - k! will you freaking stop?!" i shout between my laughs.

natigilan kami nang nagsalita si seungwoo. "yohan, mag warm up ka na."

agad na humiwalay si yohan sa akin at naglakad sa gitna. "okay hyung."

yeah right, nandito pala si seungwoo.

di nagtagal dumating narin yung ibang members ng team. i waved hi kay hangyul na kaibigan ko rin. he just nod in response. mukhang busy kasi siya sa kakausap dun sa kinakapitan niyang matangkad na maputing mukhang chinese japanese jelly jelly ace.

the whole practice naaliw lang ako. aside from enjoying their performance, nakakausap ko yung ibang babae na dinala ng ibang members ng team. may mga girl seniors din naman na kasali sa dance troupe pero nasa kabilang side sila ng practice room.

after the practice hinintay ko muna si yohan na nagpaalam na magpapalit muna ng damit sa locker room nila. nakasandal lang ako sa pader malapit sa pinto nang may nagsalita bigla sa likod na siyang ikinalundag ko sa gulat.

"what the heck."

i turned around and saw seungwoo smirking at me.

"pag si yohan ang nakapatong, pwede?"

medyo naguguluhan pa ako sa sinabi niya. i want to ask what he meant by that pero nakaalis na siya.

anong ibig sabihin nun?

keeper (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon