extension

233 6 0
                                    

seungwoo

"hyung kailan ka ba uuwi rito? nakabusangot na naman itong girlfriend mo. umuwi ka na raw rito, miss ka na ata" pagsusumbong ni yohan sa kabilang linya.

"then make her smile like you always do. basta wag mong masyadong pogian pag ngiti ha? pag yan nagkacrush uli sayo, lagot ka sa akin" banta ko.

"yess boss!"

ibinaba ko na ang cellphone. napangiti ako habang natatanaw ko na naman ang pamilyar na mga gusali.

it's been a month.

namimiss ko na si zoe.

hindi ko pinaalam kay yohan na uuwi ako ngayon para naman masurpresa ang girlfriend ko.

pumara na ako at sumakay sa isang cab. nang makarating ako sa flash university, napangiti ako dahil bumabalik lahat ng magagandang memorya ko rito. may jetlag pa ata ako pero kailangan kong tiisin 'to, para naman 'to kay zoe.

as usual, puro na naman mga activities ang ginagawa nila. wala na nga si president hangyul pero napasa niya ata ang legacy niya sa babae niyang si reigna.

"senior seungwoo! omg! welcome back po!" bati ng dalawang babae na parang kabatch ata ni zoe.

"nakita niyo ba si zoe?" tanong ko.

"zoe dee? ah kablock ko 'yun eh!" sabi nung isa na chubby at maiksi ang buhok.

"magkasama sila ni louie kanina eh," dagdag ng babaeng wavy ang buhok at payat.

"louie? sino 'yun?"

hindi na nasagot ang mga tanong ko dahil nawala na sa harap ko ang mga babae kanina.

sino naman ang louie na 'yun?

naglakad-lakad pa ako hanggang sa mapadpad ako sa lugar kung saan kami laging ipinagtatagpo ni zoe. sa dance practice room.

at akalain mo nga naman na matatagpuan ko rin si zoe dito pero mukhang hindi niya ako napansin dahil may kausap siya na lalaki na hindi naman ganun katangkaran pero aaminin ko, gwapo rin namanㅡsyempre mas lamang nga lang ako.

ang sabi ni yohan nakabusangot daw, eh bakit ngayon ang laki ng ngiti niya habang kaharap ang lalaking 'to?

sinadya kong dumaan sa harap nila. napansin ko ang pagkagulat ni zoe nang makita niya ako pero hindi niya ako agad tinawag kasi kinakausap pa siya nung louie ata. edi sige, mag-usap kayo diyan magdamag.

pumasok ako sa practice room. hindi na ito ang practice room ng dance troupe pero dito daw nila iniensayo ang mga bagong recruit na members. pagpasok ko palang ay mukhang nagulat na ang mga tao lalong-lalo na ang mga babae.

"appa!" biglang tawag ni dongpyo.

"ang tangkad mo na ah," komento ko sabay gulo sa buhok ni dongpyo na mukhang puno naman ata ng pawis.

sa likod niya ay sina hyeongjun at jinwoo. itong trio na 'to, parang kailan lang sila ang bata namin ah.

"nagkita na ba kayo ni zoe noona?" tanong ni hyeongjun.

keeper (✔)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin