"Happy Del Castillo"
Ayan na naman, pangalan ko na naman ang natawag. Pangatlong recitation na to sa subject nya, paborito ata talaga ako ni Miss Macalintal kaya sa pangatlong pagkakataon tumayo akong nakangiti kahit sa totoo bwesit na bwesit na. Wag nga raw ipakita ang tunay mong nararamdaman lalo na't di maganda kasi gagamitin iyon panlaban sayo.
"How would you describe the self?"
Natalakay na namin ang iba't ibang perspektibko ng sarili, bakit kailangan pang tanongin ako? Hindi naman ako philosopher. Sana pala philosophy nalang kinuha kong kurso gayong ito pala ang pag-uusapan sa ilang pagkikita sa klase nya.
Napairap ako sa isipan ngunit sinagot ko naman nang mabuti ang tanong at may galang. Nagpilosopo man sa aking isipan, di maikakaila na nasa dulo ng bolpen nya ang grado ko. Hindi talaga gagana ang attitude kapag grado ang pag-uusapan.
"Nasan si Lory?" tanong ng aking bagong kaibigan na si Kenna sa aming lahat. Apat kaming magkakaibigan sa block at pinangalanan namin itong "super girls" kahit sa katunayan ay kami iyong matatawag na average students sa university.
"C.r daw," sagot ni Kathryn habang abala sa paglalaro ng games sa selpon. Kakatapos lang ng klase. May anim na oras kaming vacant kaya palaging palaisipan sa amin tuwing lunes at miyerkules kung saan tatambay sa mga oras na iyan.
Ilang minuto ang ginawang paghihintay nang dumating si Lory ay ako naman ang nagpaalam na hindi muna makakasama sa kung saan tatambay ang gropo.
"Ano rason mo ngayon?" paisa ang kilay na tanong ni Lory. Sa dalawang buwan nang magkakilala kami ay tatlong beses pa lang akong nakakasama sa galaan tuwing vacant kaya naiintindihan ko kung bakit maiirita sila sakin.
"Babawi ako ng tulog," sagot ko. Totoo naman, sa daming pinagawang activities, mga basahin at reviews, nagkukulang talaga ako sa oras ng pagtulog. Kasali pa ang pag aadvance reading at backread ko sa lahat ng asignatura sapagkat tutunganga ako sa klase palagi kung hindi ko man gawin. Lalo na't wala ata akong naintindihan sa mga diskurso noong elementarya at hayskul.
"Pag ikaw nakita naming naglalakwatsa mag-isa iisipin namin na ayaw mo lang talaga sa amin o di kaya ginagamit mo lang kami," asumsyon naman ni Kenna na tinawanan ko lang at naglakad na pababa ng building pabalik ng apartment.
YOU ARE READING
Mystified: Dance of Lies
General FictionPart One of Mystified Series a/n: This will be the very first story I'll be taking seriously and publish. Slow update. Don't hesitate in correcting me with the grammar and probably some facts. Thank you.
