CHAPTER 2: PERRY HASCHWALD VERSION TWO-POINT-OOOHHHHLALA!

72 0 0
                                    

CHAPTER 2: PERRY HASCHWALD VERSION TWO-POINT-OOOHHHHLALA!

Munich Airfield:

"WE have safely landed, gentlemen!" Nakangiting wika ng magandang attendant ng private jet. "Welcome to Germany!"

Hinawakan ni Zach ang kamay ni Perry at nagkangitian sila. Sabay silang tumayo mula sa pagkakaupo at magkawahak kamay na naglakad patungo sa exit ng private jet. Kahit na autumn noon ay sinalubong sila ng mala-freezer sa lamig na hangin kaya naman napahigpit ang hawak ni Perry sa kamay ni Zach. Nang tuluyan na silang makababa ng eroplano ay sinalubong naman sila ng matangkad na lalake na naka coat and tie.

"Mr Haschwald," pagbati ng lalake in his German accent "I am Jorg. I'm here to take you and your friend to lord Bates."

Sumenyas si Jorg sa itim na sasakyan nila at sumunod sa kaniya sina Perry at Zach. Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng sasakyan at nang nasa loob na ang dalawa ay umupo naman siya sa tabi ng driver.

"To the castle, Jachen." Utos ni Jorg sa driver at umusad na ang mahabang limousine.

"Toroy..." bulong ni Perry kay Zach. "Lord Bates ang title ni koyang trainer at nakatira sa castle. Iba ren..."

"Sshh..." pagsasaway ni Zach. "Baka marinig ka niyan..."

"Kahit na halos tatlong dipa ang layo nila satin?"

And true enough, ang pwesto nina Perry at Zach sa passenger's area ay may halos tatlong dipa nga ang distansiya kina Jorg at Jachen. May long, glass table pa nga sa harapan ng inuupuan nila Perry at may naka serve na champagne. May nagpi play din na classical music sa loob ng sasakyan.

"Let's drink!" Paanyaya ni Zach at sinalinan niya ng champagne ang kopita nila ni Perry. Nag toast pa sila bago uminom. Pagkatapos ay inenjoy na rin nila ang biyahe. Sabi kasi ni Jorg ay may isa't kalahating oras ang biyahe pabalik sa castle.

Sa simula ay nalibang si Perry kakatingin sa makukulay na mga puno na nagpapalit na ng kulay ang mga dahon dahil sa taglagas pero maya-maya pa ay nakatulog na pala siya nang hindi niya namamalayan. Nang magkamalay siya ay ginigising na siya ni Zach at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ano'ng nangyayari?" Gitla pa rin si Perry dahil sa biglang pagkakagising sa kaniya ni Zach. Napansin rin niya na wala sila sa kalsada. Bagkus ay nasa gitna sila ng madilim na kakahuyan.

Itinuro ni Zach ang dalawang lalake sa labas ng sasakyan. Nakilala ni Perry na sina Jorg at Jachen ito pero wala na silang pang-itaas na suot. Kapwa nagliliwanag ang kanilang mga balat ng kulay puting ilaw at may mga simbolo na naka marka sa kanilang buong katawan. Ang mga mata nila na hindi pa rin daw kumukurap ay nagliliwanag din.

"Bakit sila nagkakaganyan?" Tanong ni Perry.

"Hindi ko rin alam, Perry." Sagot ni Zach. "Nagulat na lang ako nang bigla tayong dumerecho dito sa kakahuyan. Tapos bumaba sila na parang may tumatawag sa kanila. Tapos ayan na..."

"Perry Haschwald!" Tinawag siya ni Jorg at kahit mula sa labas ng sasakyan ay dinig ang boses nito na parang isang malakas na kulog. "Hindi ka karapat-dapat mag may-ari ng Chameleon Armour Suit!"

"Kaya nyo magtagalog? Pano'ng.. " Hindi naituloy ni Perry ang sasabihin niya dahil sa bilis ng pangyayari ay nakita na lamang niya ang sarili sa labas ng limousine. Matapos kasi itong sipain ni Jorg ng ubos ng lakas ay parehong tumalsik palabas sina Perry at Zach.

"Bangon, Perry." Utos naman ni Jachen. Tulad ni Jorg, para ding kulog ang boses niya.

"Runes!" Bulalas ni Perry habang dahan-dahang bumabangon.

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Zach. Pakiramdam niya ay nagdeliryo si Perry sa tindi ng impact.

"Runes!" Muling sambit ni Perry at itinuro nya ang mga umiilaw na simbulo sa katawan nina Jorg at Jachen. "Yung mga simbolo na yan, runes ang tawag dyan. Yan ang sinaunang alpabeto dito sa Germany na pinaniniwalaan din na pinagmumulan ng magic."

[ON-HOLD] Agent Bexxx 69 and the Reign of the Super AgentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon