CHAPTER 1: MGA BITUING WALANG NINGNING

186 1 0
                                    

CHAPTER 1: MGA BITUING WALANG NINGNING

10 Days Ago...

HINDI na talaga mapipigilan sa pagdami ang followers sa Twitter at Instagram ng isang grupong nakilala sa kanilang mga heroic deeds at madalas ay trending sa Facebook at Youtube ang mga vlogs nila during their missions of saving the country: kung tawagin sila'y Quinta Fabulosa!

Ang bonggang grupong ito na managed by Donovan Haschwald ay pinangungunahan ni Solenn H. Kasama nya sina Anne C, Angel L, Marian R, at Cristine R. Matapos tuluyang madakip ang drug lord na si Don Jaime Forteza anim na buwan na ang nakalilipas ay nagsimulang sumikat ang mga hitad. It appears na sila ang kinikilala ng buong bayan na nagligtas sa mga missing varsities at nakahuli sa napakalaking isdang si Don Jaime Forteza. Ito rin kasi ang naging press release ng lahat ng may kinalaman sa misyong iyon upang protektahan pa rin ang katauhan ni Agent Bexxx 69.

Siyanga pala, ang matinding sagupaan sa gitna ng kalsada sa pagitan ni Don Jaime Forteza at Agent Bexx 69 ay nakuhanan ng video ng ilang mga netizens at ini-upload ito sa YouTube. Sa kasalukuyan ay meron ng 6 million views ang pinakasikat na upload ng isang user na ang pangalan ay Diyosa. Oo, walang iba kung hindi ang nag-iisang Diyosa ng Olah Grandiosa Gang. Si bakla kasi F na F mag video ng laban ni ateng kaya hindi nakatulong ng bongga. Ang tanging contribution nya sa laban ay nang pasahan niya ng malaking bato si Agent Bexxx 69 na siya namang ginamit nito upang talunin ang kalaban.

Nag viral ang video at marami ang nagtatanong sa comments section kung sino ang kalaban ni Don Jaime Forteza. Dito na nabuo ang plano na aakuin ng Quinta Fabulosa ang pangyayari at sasabihing si Solenn H ang kalaban ni Don Jaime ng mga oras na iyon. Pero si Jessica Soho, DI UMANO, ay ayaw maniwala at ramdam niya na chinacharot lang ng Quinta Fabulosa ang bayan. Kaya naman lumipad ang kaniyang team patungo sa isla kung saan ay nakakulong si Don Jaime upang personal itong makapanayam. Subalit laking gulat nila dahil pagdating sa isla ay naroon na rin si Korina bitbit ang mga tsinelas na ipapamigay sa staff at mga preso.

Magpapang abot pa sana ang dalawa nang bigla ay sumabog ang isang gusali ng prison compound at napag alaman nilang ang gusaling iyon ay ang kinalalagyan ni Don Jaime Forteza. Dali-daling humangos ang team #kmjs at team #RK patungo sa sumabog na gusali at di sila makapaniwala sa kanilang inabutan. Ang buktot na don ay patay na dahil nadaganan ito ng gumuhong gusali. At dahil doon ay tuluyan na ngang tinanggap ng lahat na ang kalaban ni Don Jaime Forteza noong araw na iyon ay si Solenn H ng Quinta Fabulosa.

Ngayong gabi nga ay may latest episode na naman ang vlog nila. Ang Episode #20 ng kanilang TokHang Serye ay gaganapin ngayon sa isang liblib na squatter's area sa Cavite at guest sa live episode nila ngayon ang mga members ng Olah Grandiosa Gang or OGG na sina Diyosa, Ate Gee, Ate Shawee, at Ate Vhee. Suot ang kanilang mga bonggang outfit ay humayo na sila kasama ng mga pulis upang magmanman sa paligid.

Talamak ang lugar na ito sa bentahan ng shabu, marijuana, baril na walang lisensya, at kung anu-ano pa. Lagi ring bigo ang mga raids dito dahil malayo pa lamang ay natitimbrehan na ang mga lords sa tuwing may paparating na pulis. Pero this time, nauna ang grupo ni Diyosa at dahil hindi naman sila kasing sikat ng Quinta Fabulosa ay hindi sila nakikilala sa lugar na ito. Iyon nga lang, dahil hindi kilala kung sino sila ay katakut-takot din na pambabastos ang inabot nila sa kanilang paglalakad lakad sa lugar.

"HOY MGA BAKLA!" Bulyaw sa kanila ng isa sa mga lasing na tambay. Nagtawanan naman ang mga kainuman nito. "Lumapit nga kayo dito at nang makutusan ko kayo. Bawal ang mga baklang pakalat-kalat dito."

Nagpanting ang pandinig ni Diyosa sa narinig at gusto na niyang sugurin ang bastos na tambay. Mabuti na lamang at pinigilan siya ni ate Shawee.

"Hoy, mamang lasing, bakla nga kami pero hindi kami pakalat-kalat. Nandito kami para mag trabaho. We have a job to do!"

[ON-HOLD] Agent Bexxx 69 and the Reign of the Super AgentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon