01

91 16 1
                                    

Mistress.

"CHARLOTTE! ANO NA NAMAN 'TONG BALITA ABOUT SAYO?!" Napairap ako nang marinig ko na naman ang bunganga ni Yvette. Araw araw nalang.

"Ano na naman?" Tanong ko.

"Kasama mo raw yung anak ng Congressman ng Makati sa mall. Spotted kayo. Jusko ka Karlota! May asawa 'yon!" Napahagalpak ako ng tawa. Ang bilis nga naman kumalat ng issue. Mga tao sa mundo walang magawang iba kundi gumawa ng issue na paguusapan ng lahat. Gustong gusto nila na may pinaguusapan at sinisirang tao. Well, tingin ba nila maaapektuhan ako ng mga ganyan? Ni wala nga silang naiambag sa buhay ko.

"Meron nga." Sagot ko.

"So bakit ka nakikipagdate 'don. Alam mo naman palang may asawa." May bahid ng inis sa boses niya.

"Duh Yvette? Naniniwala ka sa mga ganyan? How cheap." Natatawa kong sabi.

"So bakit kayo magkasama?" Tanong niya pa.

"She wanted to give her wife a present. Nagpatulong siya sakin maghanap. Alam daw niyang maganda ang taste ko sa fashion. So I helped him." Simpleng pagpapaliwanag ko.

"For free?" Gulat niyang tanong.

"Of course not. He gave me a Porsche Cayman kapalit ng pagtulong ko." Kita ko ang pamamangha sa mukha ni Yvette. Oh boy, ano ba. Ako lang 'to. Charlotte lang.

"Porsche Cayman? Gaano kayo katagal sa mall?" Tanong niya uli. Daming tanong.

"Hmm? 30 minutes siguro?" Iniisip ko pa kung 30 minutes nga ba. Pero oo, 30 minutes nga ata.

"What?! Gumastos siya ng 8.5 million para bumili ng Porsche Cayman tapos 30 minutes lang pala siyang nagpatulong sayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Natawa ako.

"Ayoko kasi siyang samahan. Sabi niya kahit anong kapalit daw. So hinamon ko siya. Sabi ko Porsche Cayman kapalit ng pagtulong ko. Eh pumayag." Natatawang kwento ko.

"Kahit kailan ka talaga Charlotte." Napabangon ako nang marinig ko ang boses na iyon.

"APOOOOOOOOOOOOL!!!!!!" sigaw ko sabay takbo palabas ng kwarto ko. It's been days narin since hindi kami nagkita and I missed him so much. He's Apol. Bukod kay Yvette, isa pa siya sa bestfriend ko. Oh well, before pa magkalituhan, lalaki si Apol. His name is Apollo Cynx. Gusto ko lang siyang tinatawag ng Apol for no particular reason. Siguro kasi I find him cute whenever I'm calling him Apol.

"Tss. Pwede ba, Charlotte Takashi?" inis niyang sabi. I immediately hugged him from behind. He's currently cooking right now. Nakasuot siya ng apron habang nakaharap sa stove.

"Di ka pa nasanay diyan, Cy." tulad ko, may ibang tawag din si Yvette kay Apol. And yes, mas maganda pakinggan kesa sa Apol kasi manly parin pakinggan. Pero ewan ko. Apol is really cute.

"Tss. Isa ka pa." inis ding wika ni Apol kay Yvette. I really ship the two of them pero ayaw nila. Keaarte.

"Whatever." inirapan siya ni Yvette saka umupo na sa counter nitong condo.

"Have you opened your social media accounts? Laman ka ng iba't ibang pages. About dun sa nakuhanang pictures." tanong ni Apol.

"I haven't. Pero alam mo naman si Yvette. Parang secretary. Di ko pa man din nakikita, naibalita na nya saken." natatawang sagot ko.

"Wow parang kasalanan ko pa ah. Tanginang 'to. Dapat nga thankful ka kasi ina-update kita e." may bahid ng inis sa boses ni Yvette. Pikon amputa.

"Edi thank you." pasigaw kong sabi saka umirap sa kanya.

"Ohhh by the way, Karlota." lumingon ako kay Yvette dahil mukhang may ichichika na naman siya.

"Ano na namang chismis mo?" tanong ko.

"Tumawag si Tito. Kinakamusta ka niya." natahimik ako sa sinabi niya.

"I'm fine." ramdam ang lamig sa boses ko.

"Hanggang kailan mo ba titiisin ang daddy mo, Charlotte?" sa pagkakataong ito, si Apol ang nagtanong. Hindi talaga siya nanghihimasok sa problema ko. Pero hindi ko alam kung bakit niya ako biglang natanong.

"Hanggang mawala na yung sakit at sama ng loob ko?" sagot ko kahit alam ko na hindi naman talaga mawawala iyon.

"Eh kaso hindi namab iyan mawawala." natahimik akong muli. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil tama si Yvette.

"Triny mo man lang ba makinig sa explanations niya?" tanong ni Apol. Nakaramdam ako ng iritasyon nang marinig ko iyon.

"Kahit ano pa man ang rason niya, hindi ko na dapat pang pakinggan iyon. Niloko niya kami. Nawala si mommy dahil sa kanya. Ni wala pa ngang isang taong patay ang mommy, iniuwi niya na agad sa bahay yung anak niya sa labas? Hindi na nila nirespeto yung nanay ko." nasasaktan ako habang inaalala ang nangyari few months ago. Masakit. Pero hindi na nakakaiyak. Sasagot pa sana si Apol pero di na niya nagawa dahil nabaling ang tingin namin sa pinto. Sino naman kaya ang pupunta sakin ng ganito kaaga?

Tumayo si Yvette para buksan ang pinto. Nanatili parin akong nakatingin doon.

Pagbukas nun, bumungad sa amin ang galit na galit na hitsura ng asawa ni Hideo Angeles, yung lalaking kasama ko kahapon.

"Nasaan ang malanding babae na iyon? Hayop ka! Naninira ng relasyon." masyadong mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko kaagad ang palad niya sa pisngi ko. Malakas at masakit ang sampal niya pero hindi ko ininda iyon. Kalmado ko siyang tiningnan. Pinipilit niya akong abutin habang hawak siya ni Yvette. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

Nabitawan siya ni Yvette kaya nasugod niya akong muli.

"Hayop kang pokpok ka. Napakalandi mo! Kating kati ka na ba kaya nagpapakamot ka sa may asawa na ha? Nakakadiri ka. Pokpok! Hayop ka! Siguro kinakahiya ka na ng tatay mo ngayon! Anak ng isang mayamang negosyante, kumabet sa may asawa na!" nanggagalaiting sigaw niya. Sa pagkakataog ito dumausdos ang kuko niya sa pisngi ko. Agad na umawat si Apol.

Hindi parin ako nagpatinag. Sa halip ay pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko saks muling lumabas. Hinanap ko ang conversation namin ni Hideo saks pinabasa sa kanya.

"Siguro kinakahiya ka ng asawa mo ngayon. Talagang sumugod ka sa condo ko para lang sabihin iyan? Sa mga interviews na napanood ko, proud na proud sayo halos lahat. 'Cause you're almost perfect. But look at you now. If I were you, hindi ko ibababa ang class ko para sugurin ang kabet ng asawa ko. Masyado akong maganda para gawim iyon. Sure ako na sobrang disappointed si Hideo sa ginawa mo. Wrong move, girl." kalmado kong sabi saka kinuha ang phone ko sa kanya at naglakas palabas ng condo ko.

Habang naglalakad, naisipan kong buksan ang social media accounts ko. Bungad na bungad agad ang pictures na nakuhanan kahapon.

Anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa mundo, kabet nga ba ng anak ng isang politiko?

"Kabet? Tss." natawa ako ng mapakla. Kabet pala ha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Laws of SeductionWhere stories live. Discover now