Laws of Seduction

134 24 1
                                    

"CHARLOTTE VAUGHN MARTINEZ TORRES! SAAN KA NA NAMAN BA GALING KAGABI? SINO NA NAMANG KASAMA MO? ALAM MO BANG USAP USAPAN KA NA NAMAN SA SOCIAL MEDIA? LAST WEEK IBA DAW KASAMA MO TAS KAGABI IBA NA NAMAN! SUSMIYO MARIMAR! KAILAN KA BA MAGTITINO. KAHIT DI AKO BUNTIS PAKIRAMDAM KO MAKUKUNAN AKO SA KUNSUMISYON KO SAYONG BABAITA KA! PUTANGINA." napairap ako nang marinig na naman ang bunganga ng bestfriend kong si Yvette. Palagi naman siyang ganyan.

"As if namang may pake ako sa sasabihin ng ibang tao saken. Hayaan mo sila. Wala naman silang ambag sa buhay ko." Kalmado kong sagot.

"Alam ko iyon. Pero saan ka ba galing kagabi? At sinong kasama mo? Ano nang nangyari dun sa anak ng mayor na kasama mo last week?" Sunod sunod niyang tanong. Muli akong napairap. Hay. Yvette will always be Yvette. Talagang hindi pumapayag na outdated siya sa buhay ko.

"Uh, di ko maalala kung sino yung kasama ko kagabi. And anak ng mayor? Sino ba? Si Kevin? I hate his attitude. Masyadong clingy and possessive. Ew." Sagot ko.

"Ano? Hindi mo maalala? Nako dai. Ano na ang bataan baka nagive up na!!!!" Pasigaw niyang sabi.

"Pwede ba Angelinne Yvette tigilan mo yang kakasigaw mo. Nakakairita kang putangina ka." Irita kong sabi saka nagtakip ng unan sa mukha ko.

"Nairita din naman ako sayo pero hindi ko pinagkalat. Anyways, si tito Von halos araw araw tumatawag sa akin para kamustahin ka. Kailan ka ba kasi uuwi?" Agad kong tinanggal ang unan sa mukha ko saka tumayo at dumeretso na sa banyo.

"What's for lunch? For sure nagluto ka. Mahal na mahal mo ako e. Gutom na ako. Maghain ka na don bilisan mo alipin." Sabi ko na animo'y hindi narinig ang mga huling salitang binitawan niya.

"Hanggang kailan ka ba iiwas sa tatay mo? Hay nako. Oh sya, maghahain na ako." Mahinang sabi niya kasunod non ang mahinang pagsarado rin ng pinto. Napabuntong hininga ako. Hanggang kailan nga ba?

Muli na naman akong napairap nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kanina pa 'to tunog ng tunog. For sure it was Steve. Steve nga ba? Steven? Stephen? Putangina naman. Ano nga bang pangalan nung putanginang 'yon?

Inis kong dinampot ang phone ko at pinatay ang tawag niya. Nakita kong tadtad na pala ako ng messages galing sa kanya. Yung iba ay paulit ulit na "Hey baby, where are you?" , "I'm worried." , "Why aren't you picking up?". Geez. Why is he acting like a real boyfriend? We're not even a couple. Ew. I continued scrolling through his text messages until I reached the end. Natigilan ako sa huling text niya sa akin.

From: 0513-0514
Alam ko na kung nasaan ka. Antayin mo ako dyan. Papunta na ako.

Napatayo ako agad sa stool na inuupuan ko at naghanap ng posibleng tataguan. I need to get out of here. Maglalakad na sana ako palabas ng bar pero putangina bakit ang bilis niya? Tumakbo ako papunta sa dance floor habang nagiisip ng pwede kong taguan. Shit. I'm dead. Saan ba ako pwedeng magtago? Lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa napako ang tingin ko dun sa maliit na kwarto sa pinakadulo nitong bar. Ginagamit ang kwarto na iyon hindi para sa mga gustong makipagsex. Isang kwartong maliit iyon na nahahati sa dalawa. Ang kanang part ay para sa babae, at ang kaliwang part sa lalaki. Doon pwedeng magusap—no. Hindi pala normal na usap. Dirty talks? Or what? I'm not really sure dahil hindi ko pa naman natry pumasok diyan. But I think, matatry ko na ngayon.

I immediately run towards the room and quickly entered it. Tahimik ang kabilang parte ng kwarto. Wala sigurong tao. Naramdaman kong nagvibrate uli ang phone ko.

From; 0513-0514
Charlotte, where the hell are you? Akala ko narito ka sa favorite bar mo. I'm fucking worried.

"Tss. Clingy." Bulong ko.

"What's wrong with being clingy?" Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang marinig ko iyon. Ang buong akala ko'y walang tao sa kabilang parte ng kwartong 'to.

"It's irritating." Sagot ko naman.

"It's not. Ang sweet kaya." Natawa ako sa sagot niya.

"Kalalaki mong tao, natutuwa ka sa ganon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit bawal bang maniwala ang mga lalaki don?" Tanong niya pabalik.

"Hindi naman." Bulong ko. Wala nang nagsalita ni isa sa amin pagkatapos non.

Ilang minuto ang lumipas, nagsalita siyang muli.

"What do you wanna talk about?" Tanong niya.

"H-Ha?" Medyo gulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagsasalita.

"Ano kakong gusto mo pag usapan? Kahit ano. Boring eh." Sagot niya.

"Have you heard about the so called hottest chick on town?" Pabirong tanong ko. Wala rin naman akong maitanong.

"Charlotte Takashi? Of course. Everyone knows her." Napangiti ako sa sagot niya.

"Any thoughts about her?" I asked.

"Hmm? She's very pretty. Kung titingnan mo, ang almost perfect niyang tingnan. Pero may kulang e." Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya.

"What do you mean kulang?" Tanong ko pa.

"Take a look at her eyes. Ang empty. Walang kaemo'emosyon. May something na di madaling hulaan kung ano. Pero isa lang masisiguro ko. She's not happy." Natahimik ako sa snabi niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko yan sa isang estranghero. Paano niya nalaman iyon? Paano niya nalaman?

Laws of SeductionWhere stories live. Discover now