Sa lahat ng mga kaibigan niya, dalawa ang masasabi niyang best friend - si Michelle at Kenneth. Mas close siya sa huli dahil ito ang madalas niyang takbuhan sa tuwing may problema siya. Magkalapit lang kasi ang bahay nila.

And there was a silence between them.

She sighed. As a Psychology student, she knew there was something wrong with Kenneth but she cannot tell kung ano dahil wala naman siyang kakayahang magbasa ng isip ng ibang tao. Tuloy, naiilang siya minsan.

She just mentally sighed. Tama na nga. Kung anu-ano na ang pinag-iisip ko!

Five minutes later, binasag ni Kenneth ang katahimikan sa pagitan nila sa isang buntong-hininga.

"Malalim iyon, ah? Pasan mo ba ang daigdig?" biro niya, hoping na kahit paano'y mababawasan ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.

But it didn't turn out to the way she wanted it to be. Aba, lalong naging awkward dahil mas naging seryoso si Kenneth!

"Ruby, busy ka ba?" tanong nito with a serious tone which she found alarming. Ewan niya kung bakit. "I mean, may gagawin ka ba?"

As far as she remembered, wala naman siyang assignment o kaya'y quiz bukas kaya umiling siya. "Why?"

"Pwede ba tayong mag-usap? 'Yung tayong dalawa lang?"

Kumurap-kurap siya. Okay, what's with the tone?

"Sure. Saan ba?"

Sandaling nag-isip si Kenneth. "Sa gymbahan sana, kung pwede?"

"Sigurado ka?" gulat na aniya. Hindi naman kalayuan ang gymnasium (a.k.a. gymbahan sa mga Letranista) sa dormitory nila pero madilim na kasi. Isa pa, 7:30 p.m. na ng gabi nang sandaling iyon. Lampas na sa curfew nilang 6:30 p.m.

"Saan mo ba gusto?"

"Hmm... dito ba, hindi pwede?"

Agad itong umiling. "Please, kahit saan basta huwag lang dito!" Medyo napalakas ang pagkakasabi nito.

Natawa tuloy siya. "Sige, sa girl's dormitory na lang. Sabi mo, kahit saan, eh?"

Naningkit ang mga mata nito. "Ruby, seryoso ako."

She sighed. Oo nga, sabi ko nga. "Sa kubo na lang siguro?" Nakapwesto iyon malapit sa shortcut papunta sa dorm nila kaya malapit lang.

Sandali itong nag-isip. "Sige, doon na lang."

Naglakad na sila papunta roon. Nauna itong umakyat sa kubo bago nito iniabot ang kamay upang tulungan siyang umakyat.

"Thanks, Kenneth."

"Ano nga palang sasabihin mo, Kenneth?" sabi niya ulit matapos nitong buksan ang ilaw. Pagkatapos, lumapit siya sa duyan at umupo roon.

Samantalang, sinundan siya nang tingin ni Kenneth. Nanatili lang din itong nakatayo. Kung sa bagay, wala naman kasi itong uupuan. Bukas kasi ang kubo - walang dingding; tanging bubong, haligi at kisame lang - at wala ring upuan, liban nga sa duyang inupuan niya o, kung hindi ka naman maarte, sa sahig.

Kenneth sighed. "Teka lang. Hindi ko kasi alam kung paano ito sisimulan, eh."

Humaba ang nguso niya. Tingnan mo itong lokong ito. May sasabihin daw sa aking seryoso pero hindi naman alam kung paano sisimulan. Aba, matindi.

"Ano kasi, Ruby," pagsisimula nito. "'Di ba, matagal na tayong magkaibigan? Lampas dalawang taon na rin."

"Oo nga, ano?" pagsang-ayon niya. "Ang tagal na pala nating magkakilala."

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Where stories live. Discover now