This is all I ask

1.2K 44 0
                                    

"Tatanga ka lang ba dyan? Umayos ka na, mamaya isumbong mo pa ako kay mommy. Magmumukhang-inosente ka nanaman dyang demonyo ka."

Pinulot ko ang mga damit ko sa lapag, ang dumi-dumi ko na, unti-unti nang nawawalan dignidad. Kailan mo ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag Greg? Siguro nga wala na akong dahilan para humingi ng tawad sa iyo pero pwede naman akong bumawi diba? If only I could bring back the time we used to be almost perfect, sana hindi tayo nagkakaganito.

"Anong nangyari Charm? Bakit ka nagkakaganyan? Diba sabi ko sa iyo kalimutan mo na? Sumama ka nalang sa magulang mo sa New York, aalis na sila next week diba? Baka sakaling bumalik ka pa sa dati, napakalaki ng pinagbago mo. Minamaltrato ka ba ng asawa mo? Wag kang matakot na magsumbong sa akin, poprotektahan kita." saad ni Ryan.

Ayoko, ayokong iwanan si Greg. Mas lalo lang siyang masasaktan pag itinuloy ko ito, magtitiis ako. Para naman sa amin itong desisyon ko diba? Babalik kami sa dati, hindi ako mawawalan ng pag-asa. Maghihintay ako kahit huli na ang lahat.

Bumalik nalang ako sa bahay namin at nagluto, anong araw na ba ngayon? Tiningnan ko ang kalendaryo at oo nga tama ako. October 29 na, anibersaryo namin ni Greg ngayon. Magluluto nalang ako ng paborito niyang putahe, ang stew. Naalala ko pa noon na pag ako'y nagluluto nito ay gustong-gusto mo na marami itong patatas, kaso ngayon. Sobrang sayang alahanin yung nakaraan natin, pero parang hindi na ito maitutuloy. Okay lang, atleast nandito parin tayo. May pag-asa pa

Hinanda ko na ang pagkain sa hapag, tatawagin sana kita ngunit..

"Fvck! Ano nanaman 'to Charm? Diba sabi ko sa'yo wag kang makikipag-usap sa mga kaibigan ko? Ang kapal pa ng mukha mong humingi ng tulong e ikaw naman 'tong nangg*go. Mag-isip ka nga, walang maaawa sa'yo! May gana ka pa talagang umasta ng ganyan sa harap ko! Put*ngin* naman oh! Wala ka nang ginagawang tama, ginagawa mo pa akong masama sa harap ng mga tao"

Hinablot niya ang buhok ko at inuntog sa may lamesa, pakiramdam ko ay namanhid ang ulo ko at unti-unti nang nanlabo ang paligid.

Nagising ako dahil may dumamping malamig sa may noo ko, si Ryan pala yun. Bigla akong kinabahan dahil baka magalit nanaman si Greg pag nakita niyang nandito ang kaibigan niya. Hindi ko ba alam kay Ryan, lagi nalang siyang nandito. Timing nga siguro dahil pag nag-aaway kami ni Greg, lagi siya pupunta dito para pagitnaan kami pero parang mas lalo namang lumalala yung away kaya pinapaalis ko nalang siya. Nakokonsensya nga ako kasi ni hindi ko naman siya napapasalamatan sa tulong na binibigay niya sa akin, natatakot kasi ako na baka pati siya madamay sa away namin ng asawa ko. Baka kasi pag nagkataon, mahuli niya kami pero hindi naman masama kung magpapasalamat ka diba? Hindi naman iyon mali. Oo nga, baka panahon na para magkaroon ako ng bagong kaibigan. Susubukan kong pakitunguhan siya, hindi ko ipahahalata ang problema sa mga mata ko. Tanging kasinungalingan nalag ang mabubuo dito, ito nalang ata ang paraan upang mabago ako ng paunti-unti.

Second Chance [BTS Jimin FF]Where stories live. Discover now