WOUNDED BY LOVE

25.2K 301 10
                                    




"READY NA PO BA ANG MGA PAGKAIN?"

Malawak ang ngiti ni Pamela kay Manang  Trining. Tumingin ito sa kanya matapos ilapag ang kaldereta sa lamesa. Lahat ng niluto ni Isla na pagkain ay nakahain sa hapag. Pinaghandaan niya talaga ang pag uwi ng kanyang asawa galing sa munisipyo. Sigurado siya na pagod at gutom ito pagdating sa kanilang tahanan.

"Opo señiorita, handa na po."

Ngumiti siya at tinunton ang main door.

 Saktong naabutan niya ang itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang bahay. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib ng mapagtanto niyang ito ang sasakyan ng kanyang asawa.  Mas lalo itong bumilis nang  umibis doon ang isang matangkad na lalaki.  Suot nito ang seryosong mukha.

Sinalubong ni Pamela ang kanyang asawa awtomatik na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

Mas lalo niyang nasilayan ng malapitan ang perpekto nitong mukha. Mas malinaw nyang nasilayan kung gaano katangos ang ilong nito at kung gaano ka pula ang mga labi nito. Ang mga mata nitong kulay brown ay walang palyang pinapakabog ang dibdib nya sa tuwing nakatuon ito sa kanyan.

Ilang dipa lang ang layo nilang dalawa kung kaya't naamoy nya ang men's perfume na gamit nito. Fresh parin ang amoy kahit sandamak-mak ang trabaho sa munisipyo.

"Kumusta?"

Mahinang  sambit nya ngunit tama lang para marinig ng taong kaharap nya. Tumingin sa kanya ang lalaki pero ganun parin ang mukha nito, seryoso.

"Exhausted."

Plain ang boses nito nang sagutin sya. Batid nyang hindi ito interesado sa kanya subalit hindi na nya iyon ininda pa. Ang goal nya ngayon ay makasama ang asawa nyang maghapunan. 

"Kain muna tayo?"

Malambing ang boses nya nang yayain ang asawa. Subalit nanatiling seryoso ang mukha ni Jackson. Iniswas nito ang tingin sa mukha nya at itapon sa ibang direksyon.

"I'm sorry, I can't join you for dinner tonight, I still have a lot of paper works to finish."

Nawala ang kaninang matamis na ngiti niya, bumalatay sa mukha nya ang pagkadismaya.

Ikinalunos niya ang sinabi nito. Tumungo sya at mariing napakagat ng labi. 

"G-Ganun ba.."

Matamlay ang boses niya, Ang kaninang excitement na pakiramdam nya ay mabilis na nawala. Bumigat ang pakiramdam niya. 

"Maybe next time."

Napangiwi siya. 

Ilang next time na ba ang naipangako nito sa kanya? Ni kahit isa sa mga ito ay wala pang natutupad.

"S-Sige.."

Bago niya tiningala ang mukha ni Jackson ay mariin muna siyang napalunok para alisin ang bara sa kanyang  lalamunan. Pinilit niyang maging pormal sa harap ng lalaki kahit sobrang bigat  ng nararamdaman sa mga oras na ito.

"Baka pwede na bukas?"

Nang maiangat ang tingin ay  nasalo niya agad ang mga matang kulay tsokolateng  malamig ang tingin sa kaniya. 

"Pamela.."

Kahit alam na sa sarili ang magiging sagot nito ay hindi siya nawalan ng pag-asa at hinintay ang  magiging tugon nito sa kaniya.

"You don't have to do this."

Natigilan siya sa narinig. 

"I will always remind you that we only doing this because  our family had an agreement, you don't have to waste your time."

Para siyang  sinampal sa mga sinabi ni Jackson. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. pakiramdam niya'y biglang namanhid ang buong pagkatao niya. 

Muli siyang napayuko at pilit na kinukubli ang mga luhang nagbabadyang kumawala. 

3 years na mula ng ikasal sila, ito ang napagkasunduan ng kani-kanilang magulang upang mas lalong palawakin ang negosyo nila sa iba't-ibang bansa. Walang anak na lalaki si Don. Benedicto Roa Imperial kaya naman napagkasunduan nilang ipakasal ang kanyang unica hija sa isa sa mga anak ni Don. Manuel Villaruel, si Jackson. Nasubay-bayan nito ang paglaki ni Jackson at palagaing pinag mamalaki ng kanilang magulang kumpara sa nakakabatang kapatid ng lalaki. Bilib na bilid ito sa angking talino ng lalaki.  Bukod sa matalino ay magaling din ito sa iba't ibang bagay. Black belter sa taekwando at mahusay din sa pag hawak ng baril. 

Bata pa lang ay nakakasalamuha na ni Pamela ang pamilya ni Jackson pati narin ang lalaki, Palaging present ito sa lahat ng okasyon dahil sa magka-asosyo ang kanilang pamilya sa negosyo.

Hindi maitatanggi na humanga siya sa lalaki, sino nga ba ang hindi hahanga sa isang lalaking full package na  kung tawagin.

Iyon nga lang at parang wala itong pakielam sa kanya kahit ilang taon na silang kasal, hindi asawa ang turing nito sa kanya. 

Bumuga siya ng hangin.

"But I like you, Jackson I know you knew. I wanted to take care of you dahil iyon ang ipinangako ko nang ikasal tayo."

Malungkot na tumingin si Pamela sa lalaki, batid niyang hindi ito manhid para hindi maramdaman na merong siyang pag tingin  para sa lalaki. Batid niyang nag bubulag-bulagan lang ito o sadyang hindi lang talaga ito  interesado sa kanya.

Gustuhin man niyang balewalain ang  tumatakbo sa isip subalit halos sampalin siya ng katotohanan kung paano siya ngayon  pakisamahan ni Jackson.

At tila mas lalong dumoble ang sakit na nararamadaman niya nang marinig ang sinabi nito.

"You're still young Pamela, focus on your business and don't waste your time on me."

Napayuko siya.

As usual, iyon parin ang sasabihin nito sa kanya dahil  sa mga mata nito ay isa parin siyang bata. Isang bata na wala pang muwang kahit pa 20 years old na siya ay tingin parin ng mga tao sa paligid niya ay kailangan parin siyang alalayan sa lahat ng bagay. baby siya kung ituring lalo na ang kanyang magulang dahil nga naman nag-iisang anak siya. 

Narinig niya ang pag buga nito ng hangin.

"You should rest now."

 Hindi na siya nakapag salita nang tuluyan na  siya nitong iwan. Segundo lang ay wala na ito sa paningin niya.

Nanlulumo  siyang umakyat sa kanyang kwarto,  Nang ibagsak ang katawan sa malambot na kama'y sunod-sunod na kumawala ang kanina'y  mga luhang pilit na  pinipigilan   kumawala sa harapan ni Jackson at nag tagumpay siya doon.

Inabot niya ang isang unan at mahigpit na niyakap, sobrang sikip ng dibdib niya  pakiramdam niya'y may isang bagay na nakadagan sa kanya para mahirapan siya huminga.

Ilang beses na itong nangyari sa kanya, ang harap-harapang masaktan sa harapan ng lalaki subalit bakit parang pasakit ng pasakit?

Hiyang-hiya siya sarili, pakiramdam niya'y ayaw niyang makita si Jackson. 

Halos buong gabi niyang ibinuhos ang mga luha at inubos ang bigat na nararamdaman niya buong gabi.




LOVING MY BEAST HUSBANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora