24th

8.3K 146 12
                                    

LISA'S POV

Somi and I talked about us. Nagusap kami sa kotse, I told her na hindi pa ko handa pumasok ulit sa relationship at hindi pa ko handa magcommit ulit. I told her na natatakot ako baka hindi ko masuklian pagmamahal na ibibigay nya sakin dahil sa totoo lang, confused ako ngayon sa nararamdaman ko. Sabi nya naman maghihintay sya at wala sya pagsisisihan. Ayoko masaktan si Somi dahil nawitness ko kung gaano sya kabuting tao at kung gaano sya kaclose kay Samantha. Habang pinagmamasdan ko ang dating bahay namin, hindi ko namalayan na may luhang pumapatak sa galing sa mga mata ko. Naalala ko lahat ng alaala namin noon, masaya man o malungkot. Bigla ko naalala kung gaano kami nagmahalan ni Jennie, kung gaano kami nagaway, nagtampuhan, naglambingan at kung pano kami sumaya. I miss her. I miss having her around pero I have to act tough. Ayoko na ulit masaktan. I miss her but I don't want her back. I admit, namiss ko ang mga labi nya. Nagustuhan ko yung ginawa nyang paghalik sakin. Aish. Ang hirap ng sitwasyon na to.

————

Sa bahay nila.

"Baby, why are you up?" Tanong ni Lisa sa anak.

"Ma, I can't sleep. Where have you been?"

"Nakipaghang out lang ako kay tita Seulgi and tita Somi. Tara na tulog na tayo."

"Tita Somi? Did you ask her to be your girlfriend already?" Sabi ng anak na may halong excitement.

"No, anak. We've talked about this already, right? For the mean time, sayo muna magfofocus si mama. Okay ba yun?"

"Yes po. I love you ma. Good night." Hinalikan nya si Lisa sa pisngi at sabay silang umakyat sa kwarto.

————

Kinaumagahan....

*Doorbell rings*

"Wait! Who's that? It's too early. Sandali lang." Sabi ni Lisa. Nagulat sya pagbukas ng gate..

"Jennie? What are you doing here? How did you know na dito kami nakatira?"

"Sinundan kita kagabi. I brought some food, is she awake now?" Sabi ni Jennie habang pinapakita ang mga dala.

"Jennie, you don't have to do this. But if it's for Samantha, fine. Come in. Pero hindi pa rin nagbabago yung isip nya sayo, just so you know." Paalala ni Lisa kay Jennie.

"I know. I can take everything. Kaya ko tiisin lahat para lang makuha ulit loob nya. I love our daughter, Lisa."

"Samantha! Why are you taking so long? Halika na! Let's eat!" Sigaw ni Lisa sa bata na nagmamadali na bumaba.

"I'm coming!"

"Ako na maghahanda nito. Just sit, okay?" Sabi ni Jennie habang nilalabas ang mga biniling pagkain.

"Ma! Uh. Jennie? What are you doing here?"

"She brought us food. Just be nice to her baby, okay?" Pakiusap ni Lisa kay Samantha.

"Ugh fine. Why do you always say that to me? Hindi nga sya naging mabuti satin dalawa."

"Samantha, your mouth." Inis na pagsabi ni Lisa sa bata, nagulat si Jennie kay Lisa kaya agad nito hinawakan sa kamay.

"It's okay. You don't have to yell at her ng ganito kaaga." Agad naman inalis ni Lisa ang kamay nito.

"Yeah, I'm sorry. Baby please, kahit ngayon lang. Ayaw ko makarinig ng nagaaway kayo. It all happened in the past, let's just forget about it, okay?" Sabi ni Lisa sa anak na humihikbi at paiyak na. Nang makita ni Jennie na umiiyak na ang bata ay agad nya itong nilapitan para yakapin. Pipiglas na sana ito ngunit nakatingin sya kay Lisa na pinandidilatan sya ng mata.

"I want tita Somi."

"Samantha, look. Jennie here is your mom. I know na nagkamali sya noon, I already forgave her and you should too. Baby, you can't force me to love tita Somi just because you want her to be my girlfriend. You understand me?"

"Yeah bu-bu-but ma—"

"No buts. Kumain na tayo." Inis na sinabi ni Lisa.

Walang nagsasalita sa tatlo habang kumakain, kahit si Jennie ay natatakot kay Lisa. Lahat sila tahimik until...

"GOOD MORNING!" Bati ng isang babae.

"Tita Somi! I'm so glad you're here!" Agad na tumakbo si Samantha kay Somi at niyakap ito ng sobrang higpit. Nagkatinginan si Jennie at Lisa. Nakita ni Lisa kung gaano kalungkot ang dalaga nang makita nya kung gaano kahigpit niyakap ni Samantha si Somi.

"Just don't mind her." Bulong ni Lisa kay Jennie.

"Oh, sorry. I didn't know you were here. Did I interrupt you guys?" Sabi ni Somi kay Jennie.

"No, it's okay. Dinalaw ko lang asawa't anak ko, aalis na din ako in a few min. You guys enjoy."

"Asawa? Lisa what's this?" Mahinang tanong ni Somi.

"She meant ex wife. Not a big deal. Why didn't you text me first? Para naman nakapaghanda ako."

"Dadalhin ko sana si Samantha sa bagong bukas na dog cafe. Is it okay with you?" Paalam ni Somi kay Lisa.

"Su—"

"NO. what if I say no?" Malditang pagsabi ni Jennie.

"Why not? It's fun. Samantha, do you wanna go to a dog cafe with me? Sadly, Jennie said no." Nakasad face na sinabi ni Somi kay Samantha.

"I'll go with you tita!" Excited na sinabi ng bata.

Napapailing na lang si Lisa sa mga nangyayari.

"Samantha, do you want to visit Kai and Kuma?" Nakangiting tanong ni Jennie kay Samantha.

"No, I'll go with tita Somi." Nagisip muna si Samantha bago sumagot.

"O-okay. Ligpit ko lang to then aalis na ko." 

"Tita Somi magbibihis lang ako. Wait for me."

"Sure, princess." Nakangiting sabi ni Somi at sinundan nya ito.

"Pagpasensyahan mo na si Samantha. Maka-tita Somi kasi. Are you okay?" Concerned na sabi ni Lisa habang tinutulungan nya magligpit si Jennie.

"It's okay. Be honest with me nga, did you make love with Somi sa kotse mo last night?"

"What!? Why would I do that!?" Nashock na sagot ni Lisa.

"Nothing. Ang tagal nyo kasi nagstay sa kotse bago kayo umalis. And about what happened last night.."

"Forget it. Ayoko na maalala lahat." Pagputol ni Lisa.

/

I'm home | Jenlisa AU (Taglish)Where stories live. Discover now