"Saan na kaya si Laude?" Wika nito.


Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka isinukbit ang bag ko. Napatingala naman si Trace sa akin. "Uuwi ka na? Paano si Laude?"


"I think it is better for us kung babalik na tayo sa mga silid natin nang makapag pahinga na rin tayo. Ako na muna ang magtatago sa mga gamit ni Laude." Tumango naman si Trace sa sinabi ko at saka may pinindot sa cellphone niya.


"Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya na kunin sa'yo 'yung mga gamit niya." Wika nito nang makitang nakatingin ako sa kanya. Tumango na lang ako at bubuhatin na sana ang bag ni Laude nang um-extra naman ang mga kamay ni Trace at inagaw ito sa akin.


"Ako na magdadala nito, ihahatid naman kita eh."


"Ako na, Trace. Kaya ko na mag-isa. Akin na 'yan."


Iniwas ni Trace ang bag ni Laude mula sa akin nang tangkain kong kuhain ito. Nang hindi ko ito nakuha, he just stuck his tongue out on me at nagsimula na itong maglakad papalabas.


"Halika na, Vaughan. Huwag pabagal bagal!" I just shook my head before following his track. Trace will be Trace.


I fished for my keys nang makarating kami sa tapat ng pinto ng silid ko. Pagkabukas no'n ay humarap ako kay Trace upang kuhain sa kanya ang bag ni Laude. Maingat naman niya itong ibinigay sa akin.


"Goodnight, Trace."


Papasok na sana ako sa loob nang hilahin ako ni Trace papalapit sa kanya at saka maingat na ikinulong sa mga bisig niya. I was surprised at first and after few seconds, my knees suddenly felt weak and I felt the need to hold onto something, but my body doesn't want to do it. Gumapang ang kamay nito papunta sa likod ng ulo ko at marahang hinaplos ang buhok ko.


"Vaughan..." He whispered before gently pulling my head closer to his chest, making me listen to his fast heartbeats. I firmly closed my eyes while my mind was silently trying to count his heartbeat. I don't know what to feel at this moment. Pakiramdam ko nakikipag karerahan na rin ang tibok ng puso ko sa tibok ng puso ni Trace.


"Trace..." Tawag ko sa kanya at nagbabaka sakaling papakawalan na niya ako, but he acted like he heard nothing.


"I hope we can stay like this for the whole night." I heard him whispered then I felt his chest vibrated against my face when he chuckled. I can't deny the fact that Trace was very expressive of what he feels for me and that makes some things go awkward for me. I can't deny that fact but I always deny his feelings for me. I just feel like I have to do it or else I'll be fragile and I think the walls I've been keeping for years will be vulnerable as well. There's no way I'm gonna let that happen.


"Trace, I have to take some rest now." I mumbled on his chest. I heard him heaved a heavy sigh before feeling his lips against the side of my head.


"I should be punished from forcing you in this situation." I heard him chuckled again before breaking the hug. "You can take a rest now."


Doon ko lamang napagmasdan ang mukha nito. Namumula ang mga pisngi nito at medyo magulo ang buhok gawa na siguro ng malamig na hanging kanina pa humahampas sa amin. Mapupungay ang mga mata nito at punong puno ng kalungkutan.


"Goodnight, Vaughan."


"Goodnight, Trace." Iyon na lamang ang mga salitang binitiwan ko bago pumasok at sinarado ang pinto. I'm sorry, Trace, but I can't let feelings dominate for now. Not at this point.



━━━━━━━━━━━━


"Vaughan?"


"Hmmmm." Napaunat ako ng katawan gawa ng ingay na nagmumula sa may pinto. Maya-maya ay narinig ko ulit itong tinawag ang pangalan ko at saka sumunod ang tatlong malulumanay na katok. Napabukas ako ng mata dahil sa ingay na iyon at nagdesisyong bumangon. I opened my phone to check the time and it showed 8:30 PM on the screen.


"Vaughan? Si Laude 'to." Nang marinig iyon ay tila nawala ang antok ko't mabilis na napa-ayos ng upo sa kama. Teka, bakit nandito si Laude?


"Vaughan?" Oh shoot. Right. 'Yung bag nga niya pala. Agad akong bumaba ng kama at dinampot ang bag ni Laude sa gilid. Nagtungo ako sa pinto at binuksan ito. Kung ibang tao siguro ang nasa kabilang parte ng pinto, ay baka nagulat na dahil sa itsura ko, ngunit si Laude ito, at ako ang nagulat sa itsura niya nang mabuksan ko ang pinto.


May pasa ito sa gilid ng ibabang labi, magulo ang buhok, madumi rin ang suot nito, ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng pansin ay ang natuyong dugo mula sa maliit na hiwang mayroon siya sa kanang pisngi.


"Teka--- anong nangyari sa---"


"Wala. Nadulas lang ako. Salamat pala." Wika nito at mabilis na kinuha mula sa kamay ko ang bag niya at mabilis na naglakad papalayo sa akin. I was half shocked due to what Laude did. She was so different from the Laude na madalas naming nakakasama. Ibang-iba si Laude ngayong araw. Pinanuod ko lang itong maglakad papalayo dala dala ang bag niya.


I need to find out what was Laude trying to hide from us.

Treacherous Haven [Under Revision]Where stories live. Discover now