Chapter 2: Enemy Fire

10.6K 257 39
                                    

Diana's POV

Pagkatapos kaming kausapin ni Mrs Trenor ay nagtungo na ako sa canteen. Habang papunta don ay hindi ko maiwasang isipin yung mga sinabi ni Nephra. "Ganun ba talaga ang tingin nya sa akin? Incompetent? At kailangan ko ng kapalit? Yung mas better? Pano kung tama sya?" Hindi! Hindi dapat ako makinig sakanya. Sa isang katulad nya. Dahil hindi naman nya ako kilala. Hindi nya alam ang mga bagay na kaya kong gawin.

....

"Dee! Uy! Dito!" Si Arty. Nakaupo sa mesa malapit sa bintana ng canteen namin. Sumisigaw sya at nagwe-wave pa ng arms nya para makita ko sya. Walang gaanong tao roon dahil hindi pa naman lunch time. May free day lang kami sa math today. Which means may one hour break kami. Yung iba sa mga classmates ko nandito pero wala ang majority ng class. Kahit si Nephra at ang grupo nya wala din.

Mabuti naman at wala sya at baka tuluyan ng masira ang araw ko.

"Art. Kailangan mo bang sumigaw palagi?" Sabi ko ng makarating sa kinauupuan ni Arty.

"Ehh.. excited lang naman ako sa dala mong tea." Excited na sabi nito habang hawak ang kamay ko.

"Anong tea ang sinasabi mo jan?" Kunot noong tanong ko tapos ay umupo na ako sa harapan ni Arty.

"Tea! Yun ang ginagamit na slang ngayon tuwing may chismis." Nakangiting paliwanag nya.

"Ahhh.. so, gusto mong malaman ang nangyari kanina sa meeting namin?" I rest my chin on my hand, sabi ko na nga ba kailangan ko na namang buksan ang topic na ito.

"Ganun na nga!" Arty said, hindi na sya makapaghintay pa.

"Sinira lang naman ni Nephra ang natitirang confidence ko sa meeting kanina." Nagngingitngit kong sabi.

"Aba meron ka pala non?! Ha-ha." Arty laughed.

Tinignan ko sya ng masama.

"Joke lang! Ikaw naman kasi. Ubod ka ng talino, pero wala kang confidence na taglay. Kung nagkataong nabigyan ako ng talinong gaya sayo. Aba'y! siguro magiging over-confident pa ako." Sabi nito sabay kagat sa sandwich nya.

"Ewan ko sayo! Tinatawanan mo pa ako. Seryoso na nga itong nangyayari sakin." I crossed my arms sa ibabaw ng table.

"O tapos?.. Ano pang napag-usapan ninyo?" Puno ang bibig nito pero pinipilit nyang magsalita.

"Magkakaron daw ng seminar para sa darating na Peer-Buddy Camp. Then election sa mga mapipiling Peer-Buddy ng Vibrant Stems. Ibig sabihin kailangan kong pakisamahan pa ng matagal si Nephra.. Ayaw nga akong maging partner sa camp eh. Sinabi nya kay Mrs Trenor na hindi daw ako competent para sa duty at gusto nya na pumili ng iba si Ma'am." Nakasimangot ko paring sabi.

"Sinabi nya lahat yun sa harapan mo?" Nakanganga ito.

"Oo! Bakit parang na-amaze kapa jan?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi.. kasi. Ang tapang pala talaga ni Nephra Terror, noh?" Mangha parin sya.

"May sasabihin pa nga sana sya eh. Kaso sumingit na si Mrs Trenor." I said.

"Atleast napatunayan nating competetive talaga si Nephra Terror. Makakapaghanda kapa sa pagtutuos ninyo." Habang tumatango ito.

"Alam mo, Art. Dahil sa sinabi nya mas gusto ko ng makuha ang duty ngayon at patunayan sakanya na deserving ako... kaya wag nya akong susubukan. Dahil hindi ko din naman sya uurungan." Seryosong sabi ko.

"Oooh.. yan!! Yan ang gusto ko sayo, Dee!! Habang inaapi lalong tumatapang!" Masigla talaga 'to palagi, mahilig kase sa sugar eh.

"Talaga lang? Eh, parang kanina lang sakanya ka kampi." Pabiro kong sabi pero half-meant.

(GxG) Let somebody love you 2019Where stories live. Discover now