Chapter Twenty-Six

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayong araw, ilang beses akong kinulit ni Migo na sumama sakanya papuntang Colorado at sundan si Kent. Kahit gustong-gusto ko pinipigilan ko sarili ko.

Umuwi ako sa amin nang maaga at nasa pagdadalawang isip pa din ako kung sasama kay Migo o hindi. Kung sasama ako sakanya, sino naman magbabantay sa dalawa kong kapatid? Hindi ko naman sila pwedeng iwanan dito.

“Haay.” Napabuntong hininga ako habang nahiga sa kama.

Nagulat na lang ako nang pumasok si Haril at Mica sa kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na dumating na sila.

“Ate, pwede ba kaming sumama kay Tita Lorelei? Birthday niya daw kasi at gusto niya kaming i-treat sa labas.” Sabi ni Haril sa akin. Napatayo naman ako saka ko sila nilapitan.

“Nasa’n siya? Nasa labas ba?” tanong ko naman. Wala namang problema sa akin na isama ni Lorelei ang mga kapatid ko. Napalapit na din kasi itong dalawa sakanya at parang Tita na talaga ang turing nila.

“Dumaan po siya sa school kanina. Susunduin niya daw kami. Gusto mo ba sumama, ate?” ani ni Mica. Umiling naman ako. Mas gusto kong mapag-isa ngayon eh.

“Kung gano’n, magbihis na kayo. H’wag niyong papaghintayin ang Tita Lorelei niyo at nakakahiya.” Paalala ko sakanila.

“Opo ate.”

Nagmumuni-muni lang ako at hanggang ngayon nagdadalawang isip kung sasama kay Migo. My heart says go but my mind says stop.

“Hindi ako sasama. Final answer.” Sabi ko sa sarili ko saka lumabas ng kwarto.

Lumabas naman si Haril at Mica at nakagayak na sila. Mabuti pa ‘tong dalaw kong kapatid may lakad lagi. Samantalang ako, nabuburo sa kahihintay kay Kent!

Pumunta akong kusina at kinuha ang phone ko. Dinial ko number ni Migo para tawagan. Agad naman niya ‘tong sinagot at parang ine-expect niya na tawag ko.

[Nagbago na isip mo? Sasama ka na?]

“Hindi. Gusto ko lang na sabihin mo ‘to kay Kent ‘pag nagkita kayo sa Colorado.” Seryoso kong sabi.

[Anything.]

“Tell him to come back here as soon as possible! Kapag wala siya dito sa monthsary namin…” I trail off. Ayaw kong maging hard sakanya. Pero kung ito ang paraan para umuwi siya gagawin ko. Kahit ano pa isipin niya. “Break na kami at sasama ako kay Ivo!” I ended the call bago pa maka-react si Migo.

Wala naman akong balak sumama kay Ivo. Gusto ko lang inisin si Kent kasi napupuno na talaga ako sakanya. Kung ako ang gumawa nito sakanya panigurado galit siya.

***

Kinabukasan, sinadya kong magpa-late tutal wala namang mangbubulyaw sa akin na boss. Nasa loob na ako ng elevator nang kausapin ako ng finance manager namin. Hindi pa daw napipirmahan ang employees salary kaya baka hindi kami magsweldo bukas.

‘H’wag kang mag-alala, kasi hindi rin kami magcecelebrate ng monthsary namin bukas!’ gusto ko sanang sabihin kaso pinigilan ko sarili ko.

Same old boring day ang ginawa ko mag-hapon. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang hikab na ako eh.

Tanghali na nang makarecieve ako ng text kay Migo at sinabing nasa Denver, Colorado na daw siya. Wala naman siyang binanggit tungkol kay Kent pero umasa ako na magkekwento s’ya pero wala. Siguro may jetlag pa ang loko kaya nakalimutan akong iinform.

Gusto kong mag undertime pero naisip ko na wala naman akong gagawin sa bahay kung uuwi agad ako. Ayaw ko naman pumunta sa mall at maiinggit lang ako sa bilihin.

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon